Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Monday, October 28, 2013

LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN: PAMBUNGAD


Nuestra Señora dela Purissima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy
Virgen Festejada
Famili Tanjangco sa pangangalaga ni Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr.


Pambungad

Handog ko sa inyo, mga mambabasa,
ay TULANG ang paksa ay ang LITANYA;
ang aking lunggati'y ang BIRHEN MARIA,
sa kanyang TITULO'Y ating makiilala;
maraming PAMAGAT na ubod nang ganda
na talang maningning sa kanyang korona;
aking hihilisin ang kudyaping aba
upang haranahan ang Mahal kong Reyna.

---o0o---

LITANYA'Y kumpol ng mga bulaklak,
ang bango'y kamanyang sa Birheng marilag;
bawat isa'y rosas na mahalimuyak,
sariwang parangal na hindi kukupas;
sa tangkay ng punpon ako ay pipitas
at duduklayin ko ang bawat pamagat;
sa bawat taguring aking mabibigkas,
idalangin kami'y” isagot ang lahat.

---o0o---

Dasal na animo'y palaso na puso
na buhat sa diwang nag-mamakaamo;
mga katangiang dakila at lalo,
sa Birhen lang natin ibong nakadapo;
kayamanan ito na kanyang natamo,
sa pagiging-Ina ni Kristong maamo;
Litanya'y iyan... ang aklat na ginto
ng mga papuring sa Birhe'y pagsuyo.

---o0o---

Ang lahat ng dangal, biyaya at yaman,
sa Birhen tinampok ng Poong Maykapal;
kaya ang bituing sa langit sumilang,
Kanyang inihiyas sa putong na mahal;
ang bawat tag-uri ay talang makinang
at tinig ng anghel na nagpaparangal;
kaya't pagnilayin ang hiwagang taglay
ng bawat pamagat na isasalaysay.

---o0o---

Itong LITANYA'Y magandang salamin
na naglalarawan sa Mahal na Birhen;
kaaninuhan ng Kanyang pagiliw
sa mga nilikha na anak sa turing;
ang banal na diwa't bayaning loobin,
nang dahil sa tao'y ma-aninaw din;
kaya't Litaniya ay dasal-dasalin
at hinging taintim: KAMI'Y IDALANGIN!


Page 1 of 8
Please press Older Posts for Page 2.

No comments:

Post a Comment