Refugium
Peccatorum
Kaawa-awa
itong taong nagumon sa kasalanan
na
higit pa sa maysakit na dapat ay pandirihan;
tinalikdan
niya'y Diyos at sinamba'y “likhang-bagay,”
kaya
siya sa biyaya ay nauhbdan, naging hangal”;
patay
siya sa biyaya, nabalot ng kasamaan
na
di-kayang makabangon sa lusak ng kasawian;
datapuwa't
merong INA na Ina ng kaawaan,
takbuhan
ng nagkasala ang mutya kong Birheng mahal!
---o0o---
Ang
salari'y may pag-asa sa Mahal na Birheng Ina
na
ang tuwa ay tumulong sa nasawing kaluluwa;
ang
pangarap niyang lagi'y iligtas ang nagkasala
at
sa “apoy na kilabot” ng parusa ay iadya;
kaya
tayong nahandusay sa lusak ng mga sala,
magtiwala
at dumulog sa Ina ng mga Ina;
ang
katulad niya'y JESUS na ang hanap Niya'y TUPA,
na
naligaw sa bakurang “laglag na kaluluwa.”
---o0o---
Takbuhan
ng nagkasala ang mabait nating Birhen
na
katulad na katulad ni Jesus na Poon natin;
mulang
Belen hanggang sa Krus bawat hakbang Niyang gawin
ay
pagsuyo sa maysala, pagka-hakbang na damdamin;
sa
lunsod man at sa nayon, hanap Niya'y ang salarin
na
masayang pinapasan pagbabalik sa landasin;
“nakisalo
sa masama, nakaiumpok na magiliw,
sa
hangad na sa mabuti ang masama'y hikayatin.”
---o0o---
Pinabanal
ang masamang Magdalenang makalupa,
tinitigang
buong awa si San Pedrong tumatuwa;
iniligtas
sa paratang ang babaeng nangangalunya,
sa
nagnakaw pinangako'y ang langit ng madlangtuwa;
sa
Puso ng ating Jesus ang “suwail na kawawa,”
may
pag-asa at patawad at pagsintang walang sawa;
ganyan
din ang BIRHENG MARIA na Ina ng madlang-awa,
kinukupkop
ang maysalang humihingi ng kalinga.
---o0o---
Ang
isipan ni Maria'y isipan ng kanyang Anak
at
iisa ang damdamin ng mag-inang lumiliyag;
nagdaramdaman
silang tunay sa salaring talipandas,
na
ayaw magbalik-loob sa banal na diwa't landas;
natutuwa
naman sila pag ang tupang naglaglag
ay
nakita't naibalik sa iniwan nilang pugad;
magkaisa
ang isipan at damdaming nag-aalab
sa
Mag-Inang ang hangarin ang masama ay iligtas.
---o0o---
Sa
buhay ng mga tao na puno ng mga tukso,
walang
tigil ang pagumang ng patibong ng demonyo;
nalalaman
ni Maria ang dupok ng mga tao,
na
madaling marahuyo sa daya at mga hibo;
kaya
itong Birheng Maria na sakdalan natin dito,
nakalaang
sa balana'y tumulong at sumaklolo;
alam
mo ba? Ang sinumang sa Birhen ay mag-deboto,
ililiho
nang palagi sa panganib at siphayo.
---o0o---
Ang
tigas ng mga puso ng pusakal ng masama,
lumalambot
sa patnubay ng Ina kong mapagpala;
ang
masama'y nagsisi't mataos na nagtika,
dahilan
sa mga dasal sa Birhen tang minumutya;
ang
dasal sa araw-araw ng debotong yuta-yuta,
patungkol
sa nagkasala, ay didinggin ni Bathala;
kaya
yaong masasama'y kailangang magtiwala,
mamintuho
at dumulog sa BIRHEN TANG MASANGHAYA!
No comments:
Post a Comment