Ang koleksyon na ito ng mga larawan ay para sa isang natatanging pagtingin sa mga gawaing Katoliko sa bayan ng Hagonoy, Bulakan lalo na sa pagdiriwang ng tinatawag na Semana Santa o “Holy Week”. Dito sa panahong ito inaalala ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng portfolio na ito, nais ipakita ng pahayagan ang mga kaganapan sa pagdiriwang na ito sa ating bayan. Bawat ikalawang quarter, layon ng Catholic Hagonoeño na ihandog ang mga gawain sa bawat parokya tuwing ginaganap ang pag-aalalang ito.
Volume 1: Parish and National Shrine of St. Anne
Volume 1: Parish and National Shrine of St. Anne
Hagonoy, Bulacan
Photographers: Bernadette Elaine M. Faustino, John Andrew C. Libao, Arvin Kim M. Lopez and Sem. Ulysses Ernesto F. Reyes
Pinangungunahan ang mga pagdiriwang sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana ng pamparokyang lupon ng liturhiya at ng samahan ng mga may-ari ng mga imahen na pang Semana Santa sa parokya, ang Cofradia dela Misterio Pascual del Nuestro Señor.
HOLY TUESDAY/MARTES SANTO
Ika-4 ng Hapon: Banal na Prusisyon
Bagamat madalas simula ang mga prusisyon tuwing Miyerkules Santo, ginaganap ang pruisisyon tuwing Martes Santo bilang pag-alala sa pagkakakita ni Maria at ni Kristo sa paanan ng krus. Ito ang itinuturing na unang salubong o encuentro sa mga prusisyon ng Semana Santa.
HOLY WEDNESDAY/MIYERKULES SANTO
GOOD FRIDAY/BIYERNES SANTO
Ika-4 ng Hapon: Banal na Prusisyon
Bagamat madalas simula ang mga prusisyon tuwing Miyerkules Santo, ginaganap ang pruisisyon tuwing Martes Santo bilang pag-alala sa pagkakakita ni Maria at ni Kristo sa paanan ng krus. Ito ang itinuturing na unang salubong o encuentro sa mga prusisyon ng Semana Santa.
HOLY WEDNESDAY/MIYERKULES SANTO
Ika-6 ng Gabi: Banal na Prusisyon
Tuwing Miyerkules Santo sinisimulan ang pagpaparangal sa Pasyon ni Kristo matapos gawin ang rito ng Tenebrae o ang pagpapatay sa mga kandilang nagsisimbolo sa liwanag ni Kristo bago ang kanyang pagpapakasakita sa Biyernes Santo.
GOOD FRIDAY/BIYERNES SANTO
Ika-3 ng Hapon: Pagpaparangal ng Krus (Veneration of the Cross)
Sa kamatayan ng ating Panginoong Jesukristo, inaalala ng mga Katoliko ang mga naganap noong naganap ang kaligtasan sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay. Dito sa pagpaparangal ng Krus, ginaganap ang ating pag-alala sa Dakilang Sakripisyo ng Diyos para sa sanlibutan.
Ika-6 ng Gabi: Good Friday Procession (Prusisyon Tuwing Biyernes Santo)
Ang prusisyon na isang makulay na tradisyon sa mga Katoliko tuwing Semana Santa sa Pilipinas ang isa sa mga mahahalagang bahagi na nasasaksihan ng mga mananampalataya ng Hagonoy. Isa itong pagpapalabas ng mga kaganapan sa pagpapakasakit ng Panginoon at sa kanyang pagpanaw upang maligtas ang sanlibutan sa kanilang mga kasalanan.
Ika-5 ng Umaga: Easter Sunday Procession
(Prusisyon Tuwing Umaga ng Linggo ng Pagkabuhay)
Bilang pag-alala naman sa pangako ni Kristong na muling pagkabuhay matapos ang tatlong araw ng kanyang kamatayan, ginaganap ang prusisyon tuwing Linggo ng Pagkabuhay. Dito makikita ang sikat na encuentro o "salubong" ng Mahal na Birhen, ang Nuestra Señora de la Alegria at ang Panginoong Muling Nabuhay na isang natatanging tradisyon sa mga Katoliko sa bansang Pilipinas.
Page 4 of 6
Please press Older Posts for the Pages 5-6.
May alam po ba kayong ibang parish sa Bulacan na may procession pg martes santo? excluded na po yung mount carmel parish sa Sabang, Baliuag since meron dito accdg to a flickr contact.
ReplyDeleteThere are Tuesday Holy Week processions in Hagonoy, Malolos, Baliwag and Plaridel among others. We cannot say for sure if there are already in other parishes, however these are usually present in heritage parishes. Thank you.
DeleteTo name a few sa mga alam ko... St James, Plaridel is salubong ng St Veronica and Nazareno.. BTW I forgot to mention about the Maundy Thursday Processions if meron within bulacan. yung malolos it is the STMA Trinidad parish that used to hold holy tuesday processions though they changed their schedule to wednesday.
Delete