(Mula sa Patnugot: Isang pagpapatuloy ng akda na may pormang patula ukol sa natatanging pagdiriwang ng Flores de Mayo sa San Jose, Hagonoy, Bulacan buhat ng ilang mga impormasyon na maaari pang malaman ukol sa mga detalye ng mga kapistahan.)
I.
Sa
sinaunang panahon
Gumaganap
na “hermana” sa alay
Nasa
likod ng mga batang nakahanay
Wari’y
dugong bughaw
Nakalilim
sa symbol.
Kawayang
kinayas
Kininis,
tinapyas
Nang
sa “hermana” ay magkanlong
Sa
init ng panahon
Habang
patungo sa bisita ng nayon.
Magkaminsan,
mayroon pang tambol
Upang
ipaalaala sa mga kanayon –
Ito
ang pagkakataon
Mag-alay,
magpasalamat sa Poon
Sa
aning masibol buong taon.
II.
Sa
dinaan ng taon
Ikalawang
purok ng nayon
Bisitang
munti, nagkaroon
Nagtatag,
naglaan ng panahon
Katandaan,
nagsilbing gabay ng kabataan
Pag-aalay,
itinuro sa musmos na mga hirang
Upang
patuloy na ipakita
Pag-ibig
kay Inang Maria.
Ngayo’y
kaalakbay
Tore
ni David na samahan
“Legionario”
ng kalalakihan,
Tangi,
at pawang sa San Jose naninirahan
Sila’ng
namumuno,
Banal
na Rosaryo’y dinarasal.
‘Di
iilang nag-“hermana” sa kapistahan ang nagsaysay
Sa
pamamanata at pananampalatayang tunay
Nagbuntis,
nagka-anak
Nang
sa prusisyon, buong galak na umindak.
III.
Pagsinta
kay Maria
Sa
dibdib ng mga deboto
Wari’y
‘di magkasya
Purok
Uno ng baryo
Nagsimulang
mamanata
Ilang
taon ang lumipas na.
Buwan
din ng Mayo
Tuwing
hapon
Nagdarasal
ng Rosaryo
Payak
na pagdiriwang,
Banal
na Misa,
At
prusisyong masaya
Ang
sa katapusan ng buwan
Ay
ginaganap nila.
LAHAT
NG ITO. ALAY KAY MARIA
INANG
SINISINTA
SA
LALONG IKADADAKILA
NG
DIYOS AMANG BATHALA.
cttf
5/20/12
Page 6
Please press Older Posts for the 1st Quarter.
No comments:
Post a Comment