Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, June 29, 2012

KULTURA: Mga Bantay ng Patrona ng Marulao: Ang Kapatiran ni Apo Elena ng Hagonoy


     Mula nang maging ganap na parokya ang barrio ng Marulao noong taong 1940, ipinagkatiwala ng Lubhang Kgg. Michael J. O'Doherty, na noo'y Arsobispo ng Maynila kay Rdo. P. Melchor Barcelona ang Parokya ni Sta. Elena sa Hagonoy, Bulakan bilang una nitong Kura Paroko.

  Mahabang panahon ang nagdaan mula taong 1940 hanggang 1983, siyam (9) na pari ang nagdaan sa pagiging tagapamuno ng mga mananampalataya ng Sta. Elena. Subalit sa mga nagdaang panahong ito, hindi nagkaroon ng sariling samahan o kapatiran si Sta. Elena sa parokya. Bago umalis ang isa sa mga naging kura sa parokya, si Rdo. P. Primitivo Vidalio, ang naging ika-sampung (10) kura na natalaga noong taong 1984, binuo niya ang isang samahan upang mamahala sa simbahan at iba pang panrelihiyosong gawain - ang Kapatiran ni Sta. Elena. Sa pagdating ni Rdo. P. Salvador Viola ang ika-labing-isa (11) kura, ang kapatiran ni Sta. Elena ay ipinagpagawa niya ng sariling imahen upang ilipat sa bahay-bahay na tinawag na Sta. Elena de Callejera. Ang dahilan nito ay ang nuo’y ayaw nang pagpapalabas ng imahen na Sta. Elena Festejada sa simbahan ng Sta. Elena.

  Ang samahang ito ay aktibong aktibo pa rin magpasahanggang ngayon. Bagama’t matatanda na hindi parin nila kinakalimutan ang kanilang mga tungkulin bilang isang kapatiran. Ang paglilipat-lipat nila ng imahen ni Sta. Elena ay ginagawa parin magpasa-hanggang ngayon. Halos nalibot na nila ang buong Bulakan upang ikalat ang debosyon sa mahal na ina ng emperador Konstantino. Nakarating na rin sila sa Paranaque, sa Maynila, sa mga subdivision, isang bus liner at isang kumpanya sa Maynila. Malakas masampa ng pera ang kapatiran sa parokya kung ikukumpara sa iba. Ang kapatiran din ang nagsasaayos ng maringal na singkaban ng santa tuwing nobenaryo. Sa paglipas ng panahon, anim (6) na pari na ang dumaan sa kanilang samahan. Naka-anim (6) na palit na rin sila ng pangulo.

     Sa kasalukuyan, sa pagsasaayos ng lipatan ng mga pari para a simbahan, mas lalong ipinapakita ng kapatiran na hindi nila kinakalimutan ang kanilang mga sinumpaang tungkulin. Tuwing Huwebes, araw ng debosyon kay Sta. Elena, pumupunta sila sa simbahan upang sama-samang magdasal ng nobena sa harap ni Sta. Elena. Matapos silang magdasal aalis sila ng sama-sama at aakyat at baaba sa lugar ng imaheng ipinagkatiwala sa kanila. 

Mga Larawan ng Pagdiriwang - Ika-4 ng Mayo (Kapistahan ni Sta. Elena Emperatris
(Mula kay: Marvin M. Magbitang)








Isang larawan ng mga miyembro at pamunuan ng Kapatiran ni Sta. Elena ng Hagonoy noong ika-17 ng Agosto, 2010 kasama ng dating Kura Paroko na si Rdo. P. Edmar A. Estrella.

No comments:

Post a Comment