Sa
edad na 93, siya na ang pinakamatatandang obispo sa buong Pilipinas.
Ngunit sa umpisa pa lamang ng kanyang ministeryo, marami na siyang
nakamit at nagawa. Inordenahan siyang obispo noong 1961, bago pa
lamang ang Ikalawang Konsilyo Batikano, kaya naman naging bahagi siya
ng konsehong ito. Ang pagkakaordena sa kanya sa taong ito ang
nagbigay sa kanya ng natatanging titulo bilang pinaka-unang naging
obispo mula sa kaparian ng lalawigan ng Bulakan. Sa kanyang
pagkaobispo, naturing siyang bayani ng kanyang bayang pinagmulan, ang
bayan ng Hagonoy na tinatawag na Bayang
Levitico dahil
sa marami nitong paring anak. Kaya naman, tunay na masasabi na siya
ay isang Katoliko na ipagmamalaki di lamang ng buong bayan o
lalawigan, kundi ng buong bansa. Siya si Pedro Natividad Bantigue:
isang pinagpalang alagad ni Kristo na ating pararangalan sa akdang
ito.
Si P. Bantigue noong siya ay batang pari, isa sa mga pinakamahusay na pari ng kanyang herenasyon. Patunay dito ang kanyang pagkaobispo na naganap noong siya ay 16 taon na sa pagiging isang pari. |
Pari
- Mula sa Sta. Monica, Hagonoy; isang barriong pinagmumulan ng
maraming pari, ipinanganak siya noong ika-31 ng Enero, 1920 pamilya
ng Bantigue at Natividad, mga matatandang pamilya ng lugar. Naging
bahagi ng kanyang pagkabata ang paglilingkod sa simbahan at namulat
siya sa kinagisnang kultura ng pagkakaroon ng kasanayan sa pagdarasal
at pamimintuho sa mga banal. Dahil dito, siya ay naging isa sa mga
kinilalang magpapari sa mga taga-Hagonoy. Noong nagtapos siya ng
pag-aaral ng pilosopiya at teolohiya sa San
Carlos Seminary, inordenahan
siya bilang ganap na pari noong ika-31 ng Mayo, 1945 ng Lubhang Kgg.
Michael James O'Doherty na noo'y Arsobispo ng Maynila. Nag-aral siya
muli sa Pamantasan ni Sto. Tomas sa Maynila kung saan siya nagtapos
ng Bachelor
of Science in Education noong
1948.
Naging
bihasa siya sa batas ng Simbahang Katolika at nagtapos ng Juris
Canonici Doctor (J.C.D.
- Doctor
of Canon Law)
noong 1957 sa Catholic
University of America. Isinulat
at ipinagtanggol niya ang kanyang dissertation
ukol
sa Konsilyo Probinsyal ng Maynila noong taong 1771 kasama ang isang
kumentaryo ukol sa bahagi ng dokumento para sa mga obispo. Sa kanyang
mga taon bilang pari naging mapalad siya para maging pribadong
kalihim ng tatlong arsobispo ng Maynila: sina Arsobispo O'Doherty,
Arsobispo Gabriel M. Reyes at ang unang Pilipinong Kardinal na naging
arsobispo ng Maynila, Rufino J. Kardinal Santos (1949 - 1954). Sa
kanyang pagiging pari itinalaga siya una bilang Kura Paroko ng
Parokya ni San Jose de Trozo sa Sta. Cruz, Manila. Naging unang Kura
Paroko naman siya ng bagong-tayo na parokya ni Sta. Rita de Cascia sa
Philamlife Homes sa Lungsod ng Quezon at gayun din naman, naging
unang Bikaryo Poraneo din ng Bikarya ni Sta. Rita sa lungsod (1958 –
1961).
Mga Naging Parokya ni Rdo. P. Pedro Natividad Bantigue (1945 - 1961)
Ang Parokya ni San Jose de Trozo sa Sta. Cruz, Maynila ay isa sa mga unang parokya sa Sta. Cruz noong 1932. Binago ito noong taong 2000 kaya hindi na ito ang nakitang disenyo noon ni P. Bantigue. |
Obispo
– Dala ng kanyang husay at pagmamahal sa paglilingkod, itinalaga
siya ni Papa Juan XXIII upang maging isang obispo noong ika-29 ng
Mayo, 1961. Noong ika-25 ng Hulyo, inordenahan siya sa hanay ng mga
obispo ng kanyang pinaglingkurang arsobispo na si Rufino Kardinal
Santos, na naging makasaysayan sapagkat siya ang unang obispong
Pilipino na inordenahan ng isang Kardinal na Pilipino. Bukod dito
mapalad din na naganap ito sa Katedral-Basilika Minore ng Birhen ng
Inmaculada Concepcion sa Maynila: si Obispo Bantigue and unang
inordenehang obispo dito matapos itong ipagawa dahilan ng naganap na
World
War II. Dahil
sa kanyang pagiging obispo siya ang naging unang obispo mula sa
lalawigan ng Bulakan at mula din sa kanyang bayang tinubuan: ang
bayan ng Hagunoy. Siya ang naging Katulong na Obispo ng Maynila at
Obispo Titular ng Catula, Kura Paroko at Rektor ng Parokya ni San
Juan Bautista – Basilika Minore ng Mahal na Poong Hesus Nazareno,
Quiapo, Maynila at Bikaryo Heneral ng Arkidiyosesis ng Maynila sa
loob ng pitong taon (1961 - 1967). Naging malaking tulong siya noong
naganap ang Ikalawang Konsilyo Vatikano (Second Vatican
Council)
sa Roma na kung saan isa siya sa mga naging Council
Father noong
ikatlong pagtitipon noong 1964.
Sa Basilika Minore ng Mahal na Poong Hesus Nazareno naglingkod si Obispo Bantigue noong 1960's. Ang larawan na ito ay kuha noong panahong iyon na mula sa Edzl Flickr Account (http://www.flickr.com/photos/akinito/) |
Ang Katedral ng San Pablo City, Laguna na kilala sa tradisyunal na pangalan na San Pablo delos Montes ay ipinangalan hindi kay San Pablo Apostol kundi kay San Pablo na isang asetikong noong lumang panahon. Dito nanungkulan si Obispo Bantigue bilang una obispo ng kalilikha lang noon na diyosesis. (Mula ang larawan na it sa www.paparazzo.com) |
Noong
taong 1967, nabuo mula sa Arkidiyosesis ng Maynila ang Diyosesis ng
San Pablo sa Laguna at itinalaga ni Papa Pablo VI si Obispo Bantigue
upang maging una nitong obispo noong ika-26 ng Enero, 1967 na
iginawad naman sa kanya noong ika-18 ng Abril ng taon ding iyon. Sa
kanyang pagiging obispo, itinayo niya ang mga kailangang institusyon
sa diyosesis. Una niyang itinayo ang seminaryo minor noong 1967
ngunit naisara ito noong 1981. Kaya naman sinundan ito ni Obispo
Bantigue ng pagkakatayo ng St.
Peter's College Seminary noong
ika-6 ng Hulyo, 1981 para sa mga kabataang nais magpari. Noong 1978,
tinulungan ni Obispo Bantigue ang Ateneo
de San Pablo na
noon ay hawak ng mga Heswita mula sa pagkakasara. Naging paaralan ito
ng diyosesis at tinawag sa pangalang Liceo
de San Pablo,
kasalukuyang isa sa mga kolehiyong hawak ng Roman
Catholic Bishop of San Pablo, Inc. Pinarami
din niya ang mga kongregasyon ng mga relihiyoso at relihiyosa upang
yumabong ang bokasyon sa pagkarelihiyoso sa diyosesis. Nagretiro siya
matapos ang 29 na taon ng pagiging obispo ng diyosesis ng San Pablo
noong ika-12 ng Hulyo, 1995.
Si Obispo Bantigue sa kanyang ordenasyon sa pagkaobispo kasama si Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A., ang kanyang kapwa anak-Hagonoy na noon ay pangulo ng Hagonoy Priests' Association of Bulacan of HAPAB. |
Anak-Hagonoy
– Sa pagiging anak-Hagonoy, marami siyang mga nagawa para sa bayan
na kanyang pinanggalingan. Sa kanyang pagiging obispo, nagkaroon ng
iba't ibang pag-aayos sa kaparian ng Hagonoy. Matapos itatag ni Msgr.
Jose B. Aguinaldo ang Hagonoy
Priests' Association of Bulacan o
HAPAB, ginawang pangulo si Obispo Bantigue ng kanyang mga kabayang
pari dala ng kanyang husay at pagiging nakatatanda sa mga ito. Sa
kanyang panunungkulan pinalitan ang pangalan ng samahan upang mas
maging masiglang pakinggan mula sa HAPAB, ito ay naging KAKATHA:
Kapisanan
ng Kapariang Taga-Hagonoy. Inaalala
si Obispo “Pendoy” ng kanyang mga kabayan bilang isang huwarang
pari na handang maglingkod at may lubos na pagmamahal. Kasalukuyang
naninirahan ang anak-Hagonoy na ito sa kumbento ng kanyang mga
inalagaang madre, ang Missionary
Sisters of the Holy Face of Jesus (MSHFJ)
sa San Antonio I, Balanga, Lungsod ng San Pablo.
SAGISAG:
TIGIB-KAHULUGAN
(Ang
unang sagisag o “coat
of arms” ni
Obispo Pedro N. Bantigue, D.D. bilang Pantulong na Obispo ng Maynila
noong 1961 ang siya na ding ginamit niya hanggang sa maging Obispo ng
Diyosesis ng San Pablo noong 1967. - Paliwanag: isinalin sa Filipino
ng may-akda)
A recently developed coat of arms for Bishop Bantigue provided by the Social Communications Commission of the Roman Catholic Diocese of San Pablo where the bishop currently resides. It contains the same elements in the old seal and modifying it to a pattern which has refreshed the features of the shield itself.
Heraldic
Description|Paglalarawan ng Disenyo ng “Coat
of Arms”
“On
Chief: the first, azure, the monogram of the Our Lady of the
Miraculous Medal; the second, argent, the symbol of the Holy
Eucharist, proper; and the third, gules, the symbol attributes of St.
Peter Nolasco, proper. On the base verte, six Hagonoy flowers,
proper.”
Sa
pangunahing lugar: una, kulay asul, ang simbolo ng Mahal na Birhen
Medalla Milagrosa; ikalawa, pilak, ang simbolo ng Banal na
Eukaristiya, nakaayon; at ikatlo, pula, mga simbolo na ipinatutungkol
kay San Pedro Nolasco, nakaayon. Sa ibaba, anim na bulaklak ng
Hagonoy, nakaayon.”
Explanation:
The
honor point of the shield is occupied by the symbols depicting the
devotions and the patron saint of Bishop Bantigue:
On
chief dexter: Our Blessed Mother has played a significant role in the
young life of the prelate. All his assignments occurred in the month
of Our Lady – May. It was the Miraculous Medal that saved the
bishop's life from a Japanese bullet during World War II in Hagonoy.
On
chief center: The wheat and grapes, symbols of the Holy Eucharist are
likewise significant for Bishop Bantigue: he entered the seminary in
1936: the year of the 33rd International Eucharistic Congress. His
elevation to the Episcopacy was published in newspapers on June 1,
1961 – feast of Corpus Christi.
On
chief sinister: Born on the feast of St. Peter Nolasco, confessor.
The golden bell traversed by an olive branch with a shaft of light
from the heavens indicate the symbols of the noble saint who founded
the order of Our Lady of Mercy for the redemption of captives known
as the Mercedarians.
Base:
Six Hagonoy flowers represent the hometown of Bishop Bantigue –
Hagonoy, Bulacan. The Hagonoy is a rough herbaceous vine with
numerous yellow or yellowish brown disc flowers.
MOTTO:
“DEI
SUMUS ADJUTORES” – WE ARE GOD'S ASSOCIATES – taken from the
first letter of St. Paul to the Corinthians. (1 Cor., III, 9)
Paliwanag:
Pinupuno
ang itaas na bahagi ng kalasag ng mga simbolo na naglalarawan sa mga
debosyon at ang santong patron ni Obispo Bantigue:
Pangunahing
Pinakakanan (patalikod na tingin): Mahalaga ang ginampanan ng Mahal
na Ina sa buhay kabataan ng prelado. Lahat ng kanyang mga ginampanang
tungkulin ay naganap noong buwan ng Mahal na Ina – Mayo. Ang
Medalla Milagrosa ang nagligtas sa buhay ng obispo mula sa isang bala
ng baril ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Hagonoy.
Pangunahing
Sentro: Mahalaga din para kay Obispo Bantigue and trigo at ubas: mga
simbolo ng Banal na Eukaristiya: pumasok siya ng seminaryo noong
1936: ang taon ng ika-33 Pandaigdigang Kongreso ng Eukaristiya.
Inilathala sa mga pahayagan ang ukol sa kanyang pag-angat sa
pagkaobispo noong ika-1 ng Hunyo, 1961 – Kapistahan ng Corpus
Christi.
Pangunahing
Pinakakaliwa (patalikod na tingin): Ipinanganak siya sa araw ng
kapistahan ni San Pedro Nolasco, kumpesor. Itinutukoy ng gintong
kampana na dinaanan ng isang sanga ng olibo na mayroon isang sinag ng
liwanag mula sa kalangitan ang mga simbolo ng dakilang santo na
nagtatag ng orden ng Mahal na Ina ng Awa para sa kaligtasan ng mga
ikinulong o ang Mercedarians.
Paanan:
Anim na bulaklak ng Hagonoy na naglalarawan sa bayang pinagmulan ni
Obispo Bantigue – ang Hagonoy, Bulakan. Isang magaspang na halamang
gamot ang Hagonoy na mayroong mararaming dilaw o dilaw at tsokolateng
mga bulaklak.
MOTTO:
“DEI SUMUS ADJUTORES” - TAYO AY MGA KATUWANG NG DIYOS – mula sa
unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Corinto. (1 Cor., 3:9)
Bishop Pedro Natividad Bantigue, D.D.: Through the Years...
Mga Portait ni Obispo Pedro N. Bantigue, D.D.
Mga Lumang Larawan ni Obispo Bantigue
Ika-25 ng Hulyo, 1961 - Testimonial Banquet of Bishop Pedro N. Bantigue,
D.D., Auxillary Bishop of Manila - Fiesta Pavillon,
Manila Hotel
Manila Hotel
Si Obispo Bantigue sa pagpasok niya sa kanyang Testimonial Banquet para sa kanyang pagkakatalaga bilang Obispo Oksilyar ng Maynila.
|
Si Obispo Bantigue habang magalak na binabati ang kanyang mga panauhin sa pagdiriwang ng kanyang ordenasyon bilang obispo. |
Mga Larawan sa pagiging Obispo ng Diyosesis ng San Pablo, Laguna
Si Obispo Bantigue kasama ang madre ng Missionary Sister of the Holy Face of Jesus (MSHFJ). Sa kasalukuyan, sila ang kongregasyong nag-aalaga sa kanya hanggang sa kasalukuyan. Si Obispo Bantigueang nag-imbita sa kanilang kongregasyon upang maglingkod sa Diyosesis ng San Pablo. |
Si Obispo Bantigue kasama ang miyembro ng pinaglingkuran at pinamunuan niyang kaparian sa Diyosesis ng San Pablo noong kanyang ika-90 na kaarawan. Kasama rin sa larawang ang Lubhang Kgg. Leo M. Drona, SDB, D.D., ang kasalukuyang Obispo ng San Pablo na sinamahan ang kanyang sinundan sa pagkaobispo ng diyosesis. |
“...
And so it is clear that Bishop Bantigue is a most unusual man.
In fact he is an
anachronism in these modern times...
In a period of
violence and turbulence, here is a man of serenity and calm.
In a world of
imbalance and uncertainty, here is a man of perfect equanimity and
certitude.
In a period of pride
and arrogance here is a man of sterling humility and selflessness.
Into this our modern
community vitiated by the heavy smoke of hypocritical bonfires, he
comes like a breath of fresh air.
Truly he is an
unflickering flame, an antidote
for the poison of
our generation, a man of God,
a
symbol against the concupiscence of the World,
the Flesh
and the Devil.”
From the
Introduction of the
Most Rev. Pedro N.
Bantigue, D.D.
Auxiliary Bishop of
Manila
by: Dr. Jose Ma.
Hernandez
at the Testimonial
Banquet,
Tuesday, July 25,
1961 at the
Fiesta Pavillon,
Manila Hotel
“...
Kaya naman malinaw na hindi pangkaraniwang tao si Obispo Bantigue.
Sa
katunayan isa siyang pagkaalangan sa mga modernong panahong ito...
Sa
panahon ng karahasan at kaguluha, nandito ang isang tao ng dangal at
kapanatagan.
Sa
mundo ng kawalan ng balanse at walang kasiguraduhan, nandito ang
isang tao ng perpektong pagkahinahon at kasiguraduhan.
Sa
panahon ng kayabangan at pagkaarogante, narito ang isang tao ng
kababaang-loob at hindi pagiging makasarili.
Sa
loob ng ating kasalukuyang pamayanan na nabubuhay sa mabigat na usok
ng mga malabigang mgaapoy, mistulan siyang isang paghinga ng sariwang
hangin.
Tunay
na isa siyang hindi umaandap-andap na apoy, isang lunas sa lason ng
ating herenasyon, isang tao ng Diyos,
isang
simbolo laban sa tukso ng Mundo,
ng Laman
at ng Demonyo.”
Mula
sa Panimula ng
Lubhang
Kgg. Pedro N. Bantigue, D.D.
Obispo
Oksilyar ng Maynila
Ni:
Dr. Jose Ma. Hernandez
sa
pormal na piging,
Martes,
ika-25 ng Hulyo, 1961 sa
Fiesta
Pavillon, Manila Hotel
No comments:
Post a Comment