Nuestra Señora dela Alegria G. Ronald M. Santos |
Regina
Sine Labe Concepta
Sa
bunton ng mga tao at nilikha sa
daigdig
ang
Birhen ay bukod-tanging naging REYNANG
sakdal-linis;
kakaiba
sa lahat ng nilalang ng Poong
ibig,
pagka't
Siya'y itinampok sa dambana nitong Langit;
sa
sala ni NUNONG ADAN ay nagmana
tayong tikis,
tayong
lahat ng nilalang ay sumilang na
may dungis;
nguni't
itong Reynang Birhen, sapul nuong
unang saglit,
siya'y
puno ng biyaya, pinaglihing walang-batik.
-----o-----
Siya'y
hirang ni Bathala, naging Ina ng
Mesiyas
kaya
sa
salot ng sala'y di nahawa't iniyiwas;
alang-alang
sa kay Jesus, Anak Niyang iyaanak,
kaya
gayong sa biyaya'y pinabanal at
binatbat;
asa
mo ba'y isang arka na sa baha
ay naligtas,
nang
gunawin ng Dios Ama itong mundong
talipandas;
ang
lahat ay nangamatay sa pagbahang
walang hunab,
ang
hindi lang naparamay ay si Noe
at mag-anak.
-----o-----
Ang
katulad ni Mariya ay ang sigang
nasa ilang,
na
nakita ni Moises --
nagdiringas na natanaw;
nag-aapoy,
nguni't hindi nasusunog ang halaman,
ganyan
po Ang Birheng Reyna, . . . sa sala ay
nakaigpaw;
kahit
Siya'y tao lamang, pinaglihi't isinilang,
sa
sunog ng salang mana ay naligtas,
. . . di
nadamay;
iisa
lang siyang Reyna sa buong
sangkatauhan,
iisa
lang siyang taong "walang
dungis-kasalanan".
-----o-----
Yaong
Ina ng ANAK na tutubos sa mga
sala,
nararapat
maging banal at malinis na talaga;
kung
si Adan at si Eba, . . . nang likhaing
unang-una,
sakdal-linis,
lubhang banal, . . . wala kahit munting
mantsa;
bakit
naman itong Birheng nahirang na maging
INA
ng
Dios Anak na isisilang, . . . hahayaang
merong sala?
di
ba pangit
S'ya'y isilang ng may-dungis Niyang
Ina?
O,
kay Pangit! pagka't Siya'y sasakop sa
mga sala.
-----o-----
Hinding-hindi
nararapat na ang Ina'y madungisan
ng
pangit na kasalanang namana kay
Eba't Adan;
si
Jesus ay mabubuo sa dugo
at kanyang laman,
na
di dapat merong mantsa na
sasangkap sa katawan;
Esposa
ng Diwang Banal
ay di dapat na magtaglay,
nang
tanda ng kaalp'nan ng pangit na
kasalanan;
kaya
nga ba ang ginawa'y itong Mariang
Inang Mahal,
sapul
nuong ipaglihi'y walang dungis na
kinapal.
-----o-----
Dinurog
ng kanyang paa yaong ulo ni
Satanas,
pagka't
Siya'y di
nalason ng kamandag niyang ingat;
pinagyaman
ng biyaya, binuntunan ng pahiyas,
itinampok
na sa grasya'y punong-puno't kumikislap;
papaano'y
Reyna Siyang sa grasya ay walang
kupas,
wala
siyang pangalawa sa banal na naging
palad;
ang
lahat ng kayamanang sa Langit ay
nakatambak,
ibinuntong
palamuti sa INA po ng Mesiyas.
-----o-----
Si
Mariya ay "First
Lady"
ng buong sangkalangitan,
na
higit sa dilang hari at reyna ng
sinukuban;
sinaplutan
Siyang Reyna ng saplot
ng kabanalan,
binalot
ng madlang ginto ng yaman
ng kaligtasan;
Ave
maria, gratia plena,
-- O Reyna ng kalinisan,
hulugan
ng Iyong awa ang maruming daigdigan;
limusan
ng iyong grasya't busilak na
karangalan,
itong
mundong tila dagat ng maruming mga
asal.
Page 8 of 8
Please see Vol. 2, Issue 2, August 2013 for other articles.
No comments:
Post a Comment