Nuestra Señora delas Islas Filipinas G. Ramon Panganiban |
Mater
Christi
Si
Maria'y INA,... si KRISTO ang Anak,
MAG-INANG
kay palad,... kaiba sa lahat;
KRISTO
ang sumilang sa sang-maliwanag,
May
pahid na langis na sa Langit
buhat;
KRISTO:
Guro, Hari... Pari Siyang ganap,
Na
sa mundong ito'y manaog at sukat;
Kaya
MATER CHRISTI ang Kanyang pamagat,
INA
KA NI KRISTO... O Birheng marilag!
---o0o---
Ang
taong may diwa at pusong nilalang,
Madalas
sa dilim bulag na mabuwal;
Puso'y
nalalason sa hunghang na asal
At
nasubasob sa mali ring aral;
Kaya
itong Kristong karunungang – lantay,
Sumilang
na Gurong sa mundo'y patnubay;
Ibinabandila
ay katotohanan
At
ang hinihawi'y dilang kamalian.
---o0o---
Siya
ang nagturo nang daan sa Langit
na
puno ng dusa at mga panganib;
ang
IGLESYANG TUNAY kanyang itinitindig,
upang
magpatuloy ang misyong marikit;
ang
PAPA'y ginawang “infalibeng” tikis,
nang
hindi mamaling Guro ng daigdig;
si
Kristo ang tanglaw sa puso at isip,
ang
Anak ng Birheng Inang matangkilik.
---o0o---
Si
KRISTO AY HARING... walang kamatayan,
na
sa puso't diwa nakikiluyaw;
at
krus ang Kanyang tronong ginintuan;
ang
setro ay pakong tumagos sa laman,
pagka't
Siya'y Haring dala'y katubusan;
Hari
ng pag-ibig sa Sangkatauhan,
kaharian
Niya'y grasya't kabanalan.
---o0o---
Ang
utos ng Hari'y tuparin ang lahat,
na
sa pangangaral ay Kanyang inyatas;
halimbawa
Niya'y bakasing maingat;
sapagkat
sa buhay Siya'y ating landas;
---o0o---
Maamo
ang loob, mababang-di-hamak
ang
PUSO NI KRISTONG Hari ng pagliyag;
Kaya
itong Ina'y Reyna namang wagas
na
sa Kristong Hari nagmana nang lahat.
---o0o---
Si
KRISTO ay PARI sa Langit at Lupa,
tungkuli'y
maghandog sa Amang Bathala;
Sa
krus iniyalay... dugo, laman,... diwa,
sa
ikatutubos ng taong timawa;
sa
Misa ninais... ito'y manariwa,
kaya
araw-araw Misa'y ginagawa;
ang
ibig sabihin ng KRISTONG salita,
Siya'y
Guro, Hari at Paring dakila.
---o0o---
Ang
Ina ni Kristo'y natalamsikan din
nang
giting at bisa ng Kanyang tungkulin;
pagka't
Siya'y INANG sa tao'y magiliw,
nagsa-guro
Siyang turo'y walang maliw;
ang
linis ng puso na walang kahambing
ay
aral na parang talang nagniningning;
ang
bait at sipag, kilos, asal, hinhin,
… kabanalang
wagas na dapat kopyahin.
---o0o---
Si
Maria'y Reyna ng anghel sa langit,
ng
Santo at Santa,... ng buong daigdig;
naghahari
Siya sa grasyang matamis
na
sa bawat anak ay inilalawit;
makapangyarihan
Siyang taga-sungkit
NANG
AWA NG DIYOS na dapat makamit;
bilang
Reyna natin ang bilin at nais:
putulin
ang salang sa Bunso'y mapait!
---o0o---
Sa
mundong madilim at ubod nang saklap,
ang
Mag-Inang Kristo'y pag-asa at lunas;
ang
taong sa yabang at muhi'y nasadlak,
dapat
manunumbalik kay Kristong Mesiyas;
si
KRISTO'T ANG BIRHEN,... kilalani'y dapat,
na
Guro at Pari... at Hari ng lahat;
sa
kanyang pagsunod sa BIRHENG busilak,
itong
sawing mundo lamang maliligtas.
No comments:
Post a Comment