Mater Ecclesiae G. Kim Pimentel |
Virgo
Praedicanda
Ang
BIRHEN kong MAKALANGIT na lipos ng kabunyian,
sa
apat nitong mundo'y dapat ipangaral;
Siya'y
VIRGO PRAEDICANDA, at sa buong daigdigan
ang
dakilang Puri Niya'y nararapat na isigaw;
sa
altar na dalanginan Siya'y dapat na itanghal
at
purihin sa pulpito't ipagdiwang sa Simbahan;
bawa't
tao, bawa't nayon, bawa't bansa, bawa't bayan,
kailangang
itong Birhe'y ipagbantog at igalang!
---o0o---
Kaya
ngayon ay nagkalat sa palibot ng daigdig
ang
Simbahang di mabilang na handog sa Birheng ibig;
ang
altar sa Birheng Ina sa simbaha'y itinirik
at
larawang magagara ang sa Kanya'y inihawig;
bawat
buwan ay may pistang “pagdiriwang na marikit
na
sa Kanyang karangala'y pabubunying ubod-tamis;”
dinadasal
ang Rosaryo, kalmen Niya'y nasa-dibdib
at
medalyang dala-dala ay sagisag ng pag-ibig.
---o0o---
Papaano
itong Birhe'y pinagyaman ni Bathala,
binalot
ng karangalang di-malirip at dakila;
kaya
dapat ipabantog... ipagbunyian sa madla
itong
Birheng tuwa't aliw sa libis ng dusa't luha;
pagkat
bawat pagpupuri sa Birhen kong masanghaya
ay
papuri't pagbubunyi sa Anak na kanyang mutya;
ang
debosyon sa Birhen kong pintuho ng laksa-laksa
ay
laging kinalulugdan ni Jesus na natutuwa.
---o0o---
Ang
pagalang na ganito at hayagang pagbubunyi
ay
sangayon sa katwira't pananalig nitong budhi;
sa
lahat ng mga bansa ay palasak na ugali
na
ang Birheng Ina nati'y dakilain nang palagi;
ang
Simbahang siyang Inang “nagtuturong walang-mali”
“Birheng
dapat Ipagbantog” kung sa Birhe'y magtaguri;
Siya
rin ang humalang “lahat daw ng mga lipi,
Mapalad
na tatawagin siyang Ina na napili.”
---o0o---
Ang
PAGSAMBA'Y pamahayag ng Pananampalataya
sa
Dios nating Panginoong kataastaasang Ama;
hinihayag
ang tiwalang “merong hindi nakikita
na
daigdig na di-abot ng mahinang mga mata;”
para
manding isang sumbat sa maraming taong iba,
na
akala itong mundo'y paraiso at langit na;
ang
pagsamba'y nagmumulat “tayo'y dapat kumilala
sa
Maykapal at sa buhay sa kabilang walang hanggan.”
---o0o---
Ang
pagalang at pintuhong hayagan sa mga Banal
ay
PAGSAMBA ng Sakilang Panginoon at Maykapal;
pagkat
silang mga SANTO kaya lamang naging banal
ay
dahilan sa biyayang kay Bathala ay nakamtan;
sila'y
taong tulad nating may buto at lupang-laman,
may
hilig ding masasama at may tuksong kinalaban;
ngunit
sila ay bayaning... kasalana'y tinalikdan
sa
tulong ng Panginoong inibig na walang hanggan.
---o0o---
Kung
“sila” ay pintuhuin at sundan ang mga yapak
ay
Diyos ang sinasamba't tuwiran kong nililiyag;
kaya
nga sa pag-dakila sa Birhen kong mapamihag,
Diyos
nating iniibig ang bantog na sumisikat;
kaya
tuwing ibabantog itong Birheng sakdal dilag,
nababantog
ANG PAGIBIG sa kanya sa Diyos Anak;
ang
PAGIBIG ng Diyos Ama sa “anak na Birheng tapat”
at
ng Espritu Santo sa Esposang mabusilak.
---o0o---
Sa
Banal na Paghahandog sa altar ng Santa Misa,
lalo
tayong buong dingal sa Maygawa'y sumasamba;
Misa'y
handog natin sa Dios, ngunit ito kay Maria
ay
tampok ng pagl'walhati't pagdarangal na masaya;
Kanyang
Anak na sa Misa ay ang “Pari at biktima,”
kaya
naman ang Birheng ko'y kaugnay sa pagmimisa;
kaya
tuwing sa dambana'y merong Paring Nagmimisa,
binabantog
natin doon itong ATING BIRHENG INA!
No comments:
Post a Comment