Sancta
Dei Genetrix
Bukod-pinagpala
sa babaeng lahat
ang
Birhen Mariang nahirang na DILAG;
paano
ay INA ang kanyang pamagat
at
DIYOS ang bunsong naging kanyang Anak;
Ina
ka ng Diyos, O, Inang Mapalad,
wala
kang kaparis, wala kang katulaf;
inaawitan
ka ng aking panulat,
dinadambana
ka ng puso ng lahat.
---o0o---
Sa
iyong pedestal ng puri at dangal
ito
ang papuri na walang kapantay;
INA
KA NG DIYOS, - diyan napalman
ang
dilang hiwaga ng iyong kariktan;
ang
VERBO NG DIYOS ay nuha ng laman,
nagkakatawang-tao
sa kaniyang tiyan;
kaya
nga't ang BATANG sa Belen sumilang
ay
Diyos na Siyang sa mundo'y lumalang.
---o0o---
Ang
SANGGOL na kanyang sintang inaruga
ay
Diyos na walang Hanggan at Simula;
ALPHA
AT OMEGA ng lahat sa lupa,
nalagak
sa Birheng Inang pinagpala;
banal
na simbahan ang kanyang kamukha
ng
Santissima Trinidad na dakila
ito'y
dogma... dapat tayong maniwala,
si
MARIA'Y INA NG POONG BATHALA.
---o0o---
Ang
Anak ng Diyos... huwag nga naman!
Naging
TAO'T ULO ng sangkatauhan;
sa
sang-mundong ay parang nakasal,
upang
gawin silang anak ng Maykapal;
Siya
ay bumaba't nagsa-taong-laman,
upang
sa Dios-Ama ay magbigay dangal;
sa
ngalan ng tao na makasalanan,
ang
handog ng Ama'y dugo't katubusan.
---o0o---
Ang
Anak ng Ama na walang simula
naging
Anak niyang “aako sa lupa;”
nililiman
siya nang Banal na DIWA,
naglihi
na siya sa isang himala;
kung
hindi pumayag ang Birheng dakila,
di
sana natupad ang matandang hula;
ITO
PO ANG VERBONG NASA KAY BATHALA,
at
ang VERBONG ITO'Y DIYOS NA DAKILA.
---o0o---
Ang
kisig at giting ng anak na tangi,
sa
ina'y nagiging gintong palamuti;
ang
dangal ni Kristong Bathala at Hari,
kay
Maria'y saplot namang nagpa-bunyi;
KAYA,
dumudulog ang mundong duhagi
sa
INA NG DIYOS na Inang napili;
SANTANG
INA NG DIYOS... kaming abang lipi,
idalangin
Mo po, nang hindi masawi.
---o0o---
Higit
ka sa Reyna'y mga Emperatris
na
bantog sa yama't lakas ng daigdig;
sapagka't
INA KA NG DIYOS SA LANGIT,
sa
lakas Mo kami'y lubhang kumakapit;
sa
Anak Mong Diyos ng aming pag-ibig,
gamitin
ang lakas ng Iyong tangkilik;
wala
nang lalampas sa dangal Mong labis,
ISA
LAMANG IKAW NA INANG MARIKIT!
---o0o---
O
INA NG DIYOS,... kabanal-banalan,
hayaang
maglambing kami sa kandungan;
ibulong
kay Jesus ang aming hinakdal
at
pilit na ito ay malulunasan;
kami'y
anak mo rin na nananambitan,
matimyas
sa Iyong nakiki-ulayaw;
sa
Anak na mutya ay ipamagitan
at
Iyong lawitan ng tanging patnubay.
No comments:
Post a Comment