La Niña Maria G. Amador P. Reyes |
Sancta
Maria
“SANTA,
SANTA MARIA,”... kay tamis na wika,
na
unang hikbi ko sa INA NG AWA;
banal
kang nilalang, banal na mistula,
pinuspos
sa kinang ng mga biyaya;
banal
na talagang ubod na dakila
na
dapat parisan ng tao sa lupa;
batobalani
kang ninihag na mutya,
idalangin
kaming hamak na nilikha.
---o0o---
KABANALA'Y
HIYAS at tampok sa yaman
sa
dangal ng taong tapat sa Maykapal;
katangian
ito na walang kapantay
sa
Puso ng Poong kabanalbanalan;
ito
ang layunin sa mundong ibabaw
na
dapat sikhaying tamuhin sa buhay;
kaya
ito'y una nating panawagan:
O
SANTA MARIA! Kami'y ipagdasal!
---o0o---
Ang
taguring SANTA ang Unang Pamagat
ng
ating butihin at Birheng marilag;
iya'y
unang bato sa putong na hiyas
sa
noo ng Ina ni Kristong Mesiyas;
bukod-pinagpalang
BANAL NA DI HAMAK
tumpak
na sa Birhen ay ating mabigkasl;
Iyan
ang saligan ng mahabang kwintas
ng
mga papuring kay bangong bulaklak.
---o0o---
Kabanalang
payak ang Diyos na nipot
sa
banal na tiyan ng Inang mairog;
kaya
itong Inang hirang na kumupkop,
walang
kasing-banal sa buong sinukob;
NANG
IPAGLIHI NA'Y SABAY NA BINUSOG
sa
mga biyayang banal na natampok;
hindi
nadungisan kahit kakarampot
nang
salang minana sa unang busabos.
---o0o---
Kaya,
SANTA KA NGA, BANAL NA TOTOO,
wala
kang kaparis sa buo mang mundo;
magsama-sama
man ang Anghel at Santo,
di-mapapantayan
ang kabanalan Mo;
papaano'y
sa Iyo sumilang ang Kristo
at
Ikaw ang INANG bugtong din ng tao; dumulog kami sa kabanalan mo,
pabanalin
kami upang mapanuto.
---o0o---
Ang
ngalan mo'y MARIA... puno ng hiwaga
na
ang kahulugan sa DAGAT AY TALA;
dagat
ang katulad ng buhay sa lupa
na
batbat ng along parang dambuhala;
naglalakbay
tayo sa katawang-lupa
na
gigiwang-giwang sa tuksong masiba;
kang
natatakot kang malalad ang bangka,
tumawag
sa Birheng sa Dagat ay Mutya.
---o0o---
Sa
salpok ng alon ng tukso ng buhay,
baka
ang puso mo'y mauyot sa lunday;
ANG
TALA SA DAGAT AY IYONG TAWAGAN,
nang
di ka masawi sa'yong paglalakbay;
ang
Kanyang silahis ay sulo at tanglaw
upang
sa landas ay animo'y gabay
nang
sa paglalayag huwag kang bumuay.
---o0o---
Kapag
kulimlim na ang iyong pag-asa,
sa
gimbal ng lagim at buntong hininga;
sa
bayo ng tukso, yabang, saklap, dusa,
baka
ang puso mo'y ibig na mabakla;
sa
REYNA NG DAGAT ay tumingala ka
at
iyong sambitin: O SANTA MARIA!
Di
ka masasawi pagsunod sa KANYA,
MAY
BUKANG-LIWAYWAY ANG BAGONG UMAGA.
No comments:
Post a Comment