Nuestra Señora de Buen Hora Gng. Sharon Cruz |
Mater
Admirabilis
Sa
inyo po, Birheng Inang minamahal,
NAPIPIPI
yaring makata Mong hirang;
sa
laki ng tuwa puso'y sumasayaw
sa
aking paghangang di ko mapigilan;
namamangha
ako at natitigilan
sa
hindi masayod Ninyong katangian;
Kataka-taka
po, Ikaw Inang Mahal,
idalangin
kaming ngayo'y nagsasakdal!
---o0o---
Paano'y
ang kanyang Pagka-Inang mutya
ay
bukod sa lahat... lubhang mabathala;
“inang-pari”
Siya na kamangha-mangha
at
Ina ng lahat ng tao sa lupa;
sa
Kanya nabunton ang dilang hiwaga;
Siya'y
Inang bunyi na kahanga-hanga,
putungan
ng dangal ang Kanyang anghaya!
---o0o---
Ang
ina ng taong karaniwang ina
ay
isang misteryo na kataka-taka;
ang
kamay ng Diyos... sa tiyan ng ina,
katawan
ng anak... binubuong bunga;
hindi
na sa putik na gaya nang una,
kung
hindi sa dugo at laman ng ina;
sa
bagsik ng batas ng naturalesa,
tao'y
nabubuong hiwagang talaga.
---o0o---
Sa
kapangyarihan ng Diyos na banal,
kaluluwang
sangkap nama'y kinakapal;
datpwa't
ang Birheng naging Inang tunay,
pagka-Ina'y
lalong dapat na hangaan;
wala
pong lalakeng dito'y namagitan,
lumukob
sa Kanya'y ang Poong Maykapal;
kaluluwa
ni Kristo't mahal na katawan,
binuo
ng Diyos sa banal na tiyan.
---o0o---
Kaya
ang katawan ni Jesus na giliw,
sa
dugo at laman ng Birhen nanggaling;
ang
Anak pong yao'y Verbong sakdal giting,
nagkatawang-tao...
nag-anyong alipin;
Kataka-taka
po ang Mesiyas natin,
kataka-taka
rin ang Ina pong birhen;
Admirabilis
ka sa taguring Latin,
kabigha-bighani
ang inyo pong papel!
---o0o---
Ang
Anak ni Maria ay Paring-Mataas,
kaya't
Inang-Pari ang Inang Matimyas;
ang
dugong sa Krus kay Jesus pumutak
ay
dugo ng Inang sa Kanya'y nag-anak;
ang
katawang yaong tinadtad ng sugat
ay
laman ng Birheng kasamang naghirap;
kaya
nga't sa Misa ng pari sa altar,
dugot'
laman Niya'y alay ding ka-sangkap.
---o0o---
Ang
ina ng tao'y ina lang ng ilan,
na
sa mundong ito'y kanyang iniluwal;
datapwa't
si Maria'y Ina nitong tanang
tinubos
ni Kristong Anak Niyang mahal;
pagka-ina
Niya'y habang merong buhay,
na
kinakailangang walang kamatayan;
Ina
mandin Siya ng makasalanan
na
sa pagsisisi ay tinutulungan.
---o0o---
Ina
mandin Siya ng mga pagano,
na
tinatanglawan... na maging Kristiyano;
Ina
ng binyagang banal na totoo;
na
sa kanyang grasya'y tanging napanuto;
Ina
siyang lalo na Santa at Santo,
na
naghahari doon sa paraiso;
hindi
Siya Ina ng nasa-impiyerno,
pagka't
sila doo'y mga condenado.
---o0o---
Iyan
ang hiwaga na kahanga-hanga
ng
pagiging-Ina ng Ina kong mutya;
paghanga'y
nagiging paggalang na lubha
sa
Kanyang Uliran na tinatalima;
ang
nagiging bunga'y pagsintang dakila
at
sa kanyang palad ay pagtitiwala;
kaya
akong aba't anak Mong makata,
nabahagan
yaring pusong humahanga.
---o0o---
Sa
panahong itong magulo't maulap,
ang
kataka-takang Ina yaring lunas;
ang
mundong sugatan sa luhang masaklap,
sa
Inang pag-asa ay nakikiusap;
ang
namimintuho niyang sintang Anak,
sa
dagat ng dusa'y di mapapahamak;
O
Admirabilis, Inang mapamihag,
kandilihin
Mo po kaming sawing-palad!
No comments:
Post a Comment