Mater
Salvatoris
Sa
yungib na dukhang-dukha sa libis ng munting Bayan,
isang
SANGGOL na lalake'y mahiwagang isinilang;
sa
dilim ng hating-gabi ang anghel ng Kalangitan
ay
nanaog at umawit na animo'y nagdiriwang;
sumikat
ang isang TALANG pambihirang namamasdan
at
sa BATA ang sumamba'y mga pastol, Hari't bayan;
yaong
SANGGOL ay si Jesus, Mesiyas ng santinakpan
at
ang INA'Y SI MARIA, ang BABAENG matimtiman.
---o0o---
Itong
taong nagsuwali... sa sarili'y di na kaya,
na
bumangon sa lusak ng masaklap na pagdurusa;
kaya't
itong Diyos anak ay sinugo nitong Ama,
upang
tayo ay hanguin sa lusak ng mga sala,”
Siya'y
JESUS MANANAKOP at maningning na pag-asa,
lalagot
sa tanikala ng aliping nagkasala;
yaon
po ang KALIGTASANG dahilan ng pagsasaya
sa
PAGSILANG ng MESIYAS na Anak ng Birheng Maria.
---o0o---
Ang
kaalipinang likha ng sala ng unang tao
ay
mapait na pamana sa palad ng buong mundo;
naparam
ang katuwang naghari sa paraiso
at
kumalat ang karimiang sa tao ay naging multo;
naging
sawi at alipin ni Satansa itong tao,
walang
laya, api, hamak... poot, lumubay ang natamo;
nang
sa Belen itong INA ay nagluwal sa kay Kristo,
ang
ligaya'y walang maliw na sa mundo'y nanagano.
---o0o---
Nang
matubos ang daigdig... nanauli ang pag-ibig,
nagkasundo
itong tao at ang Diyos na tinikis;
nanumbalik
ang nawalang matimyas ng pagtangkilik
at
inampong anak tayong magmamana niyong langit;
yaong
salang dahilan ng kasawiang anong pait,
natabunan
ng biyayang sa Kalbaryo ay nakamit;
sa
lahat ng gawang ito na hiwaga ng pag-ibig,
ang
INA NG MANANAKOP ay kasama bawat saglit.
---o0o---
O
INA NG MANANAKOP, - ito'y daigdig na bituin
sa
koronang nakaputong sa dangal mo, Inang Birhen!
… pagkat
Siya'y Inang tunay, sa pagtubos na gawain,
sapin-saping
pagtitiis ang binatang buong giliw;
masasabing
siyang INA ay kahati ng tiisin,
ng
Anak ng nakabaayubay sa krus ng dusa't lagim;
sa
apdo ng paghihirap Siya mandin ay tumikim,
pagkat
siya'y Inang unay na may pusong masintahin.
---o0o---
Ang
dangal na pagka-Ina ni Jesus na Manunubos
tinumbasan
ng tiisin nitong Inang maalindog;
luha,
dusa, hirap, lungkot, saklap, pait at himutok
sa
buhay ng Birheng Ina'y kinalong sa kanyang loob;
may
ngiti at maligayang ang lahat ay inihandog
upang
itong mga tao sa sala lang ay masakop;
mulang
Belen hanggang oon sa ituktok niyong bundok,
itong
Ina ay kasama nitong Anak na si Jesus
---o0o---
…
Sa
tiniis nitong Ina at ng Anak na sumakop,
yaong
diwang misyonero'y ikintal sa ating loob;
dapat
tayong magsumakit, sa kapuwa ay maglingkod,
at
tumulong na akiting umibig sa Poong Diyos;
sa
Ina ng Mananakop tayong lagi ay dumulog
at
tangkilik Niya'y laging sa ating ay itutustos;
O
Ina kong mapamihag, kami'y nagbabalikloob,
Iligtas
po ninyo kami sa panganib na tibuhos.
No comments:
Post a Comment