Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, August 24, 2013

FEATURE ARTICLE: Virgen dela Asociada: Inang Patrona ng Flores de Maria ng Hagonoy


Unang Bahagi: Kasaysayan at Debosyon


  Bago naitayo ang iba pang mga parokya sa bayan ng Hagonoy, lahat ng sakop ng bayan ay nasa ilalim ng ispiritwal na pamamatnubay ng Parokya ni Sta. Ana. Kaya naman noong lumang panahon, ang pagdiriwang ng Flores de Maria ay nakasentro sa kabayanan. Ito ang dahilan kaya't sa pagdiriwang na ito isang pampamayanang pagpaparangal ang ginaganap para sa Mahal na Birheng Maria. At noong panahon na iyon hanggang sa kasalukuyan, isang antigong imahen ang ginagamit bilang inspirasyon at modelo para sa diwa ng pagdiriwang. Kinikilala siya bilang ang Nuestra Señora dela Purissima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada o mas nakilala sa maigsing pangalan na Virgen dela Asociada. Ito ang dahilan kung kaya't ang buwanang pagdiriwang ng Flores de Maria ay nagiging isang paghahanda para sa kapistahan ng taguring ito ng Mahal na Ina. Kaya naman ang huling araw ng Linggo tuwing buwan ng Mayo (kung hindi ito ang huling araw ng buwan, mayroon pang isang ginaganap na prusisyon sa umaga ng ika-31 ng Mayo) ay tinawag na Kapistahan ng Asosyada (ito ay ang na-corrupt na tawag sa tamang tawag na dapat ay Asociada o ang asosasyon samahan, kaya naman pinangangahulugan ang taguring ito na “Birhen ng Asosasyon/Samahan”).



Ang Virgen dela Asociada na inilalabas mula sa
Pambansang Dambana ni Sta. Ana para sa
prusisyon matapos ang naganap na misa noong
ika-5 ng hapon.

  Ayon sa mga matatandang Katoliko ng bayan, naging pagmamay-ari ng Pamilya Tanjangco (isa sa mga matatandang pamilya ng Hagonoy) ang imahen ng Virgen dela Asociada. Kinikilala ang asociada bilang pangkalahatang samahan ng iba't-ibang mga kapatiran para sa Birheng Maria sa Parokya ni Sta. Ana. Ayon din sa kanila, ang matandang imahen na ito ay napunta sa kanilang pamamahala simula noong taong 1850. Kung sa gayon ang imahen na ito ay 163 taon na sa taong ito sa pagdiriwang ng Flores de Maria. At kung ito ang ating pagbabatayan, ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Virgen dela Asociada na ginaganap tuwing huling Linggo ng Mayo ay nasa kanyang ika-163 taon na rin dito sa Parokya ni Sta. Ana.

  Ngunit bago ang paggamit sa malaking imahen ng Virgen dela Asociada, mayroon pang isang mas matanda at maliit na imahen na idinadambana at pinag-aalayan ng bulaklak araw-araw tuwing buwan ng Mayo. Ang imahen na ito ay pag-aari rin ng Pamilya Tanjangco. Kung pagbabatayan natin ang kasaysayan ng ebanghelisasyon ng mga prayleng Kastila, ang imaheng ito ay maaaring dala pa ng mga misyonerong Agustino, at nang mas umunlad ang parokya ay nagpaggawa sila ng mas malaking imahen na kasalukuyang ginagamit. Samakatwid ang tradisyon ng pagpispista ng Virgen dela Asociada ay higit pa sa 163 taon. Muli ang pistang ito ay ginaganap tuwing huling Linggo ng Mayo.



  Bukod sa kadahilanang ang araw ng Linggo ay araw ng Panginoong Jesu-Kristo, naging kasanayan na ng mga prayleng Kastila na gawin sa araw ng Linggo ang rurok ng mga mahahalagang pagdiriwang tulad na lamang ng Flores de Maria. Ginagawa ito sa sa araw ng Linggo upang makibahagi ang mga magsasaka, mangingisda at mga mamamayan sa mga kaganapan tulad ng pag-aalay ng bulaklak at prusisyon. Kinikilala ito bilang isang pamamaraan ng ebanghelisasyon, lalo na sa pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang isa sa mga dahilan kung kaya't nakikita ang pagpapahalaga sa mga tradisyong nagiging tanda ng pagpapalalim ng ating pananampalataya, lalo na sa pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria.

  Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagdiriwang ng mga mananampalataya sa buwanang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen. Sa tradisyon ng iba't ibang parokya sa bansa, ginaganap ang huling araw sa ika-31 ng Mayo upang maging kaugnay ito ng Kapistahan ng Pagbisita ng Birheng Maria kay Elisabet. Ngunit mayroon rin namang ilan na ginagawa ito sa huling araw ng Linggo ng buwan, kung kaya't ang Kapistahan ng Virgen dela Asociada ay ginaganap sa gayong araw.

  Ngunit bago pa maganap ang araw na ito, mayroong mga pagdiriwang na isinasaayos ng hermanidad para sa pagpaparangal kay Maria. Una dito ang taunang Marian Exhibit na kung kailan itinitipon ang mga imahen ng mga deboto ng Mahal na Ina upang magsilbing katekismo para sa mga mananampalataya ukol sa ehemplo ipinakita ng Mahal na Ina. Ang 10th Marian Exhibit ay ginanap sa Gusaling Ka Blas F. Ople sa Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan mula noong ika-18 hanggang ika-24 ng Mayo, mula ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi. Ang naging tema ng nasabing exhibit ay Masumpungan ang Mukha ni Kristo kay Maria upang ipakita ang kahalagahan ng Mahal na Ina bilang sumasalamin sa pagmamahal ni Maria.

  Kasama ng exhibit na ito ang pagdarasal ng Banal na Rosario tuwing ika-6 ng gabi na ginagampanan ng mga kasapi ng hermanidad at ng iba pang mga mananampalataya. Noong huling araw ng nasabing exhibit, ginanap ang Rosario Cantada na kung saan umawit ang mga deboto at debota kasama ng mga kasapi ng hermanidad.

  Ipinagdiwang naman ang Misa Mayor para sa Flores de Maria noong ika-5 ng hapon noong ika-26 ng Mayo sa Pambansang Dambana sa pangunguna ni Rdo. P. Juvenson Alarcon, attached priest sa parokya at kasama si Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C., Kura Paroko at Rektor. Pinangunahan naman ng hermanidad ang mga pagsasaayos kasama ng Hermana Mayor sa taong ito, ang Kgg. Catherine Barcelona – Reyes na taga-Sta. Elena na naging Kinatawan ng unang distrito ng lalawigan ng Camarines Norte. Matapos ang nasabing pagdiriwang ng Banal na Misa, ginanap ang prusisyon ng mga imahen. Itinanghal ang mga imaheng nasa caroza sa harapan ng St. Mary's Academy of Hagonoy (SMAH) kung saan inilalahad ang mga kuwento sa likod ng bawat taguri ng Mahal na Ina.

  Sa loob ng mga naganap na araw sa buong buwan ng Mayo, lubos na nagsumikap lahat ng deboto at debota ng Mahal na Ina, lalo na ang mga kasapi ng hermanidad para sa pagpaparangal na ito sa Mahal na Ina. Ito ay isang natatanging pamimintuho buhat ng pagmamahal para sa Mahal na Ina. Dito nakikita ang pagkakaisa nabubuo ng debosyon, ang pagiging isang asosasyon na nasa paggabay ng iisang ina, ang Virgen dela Asociada.






Ikalawang Bahagi: Panayam at Prusisyon

Panayam mula sa Hermanidad
G. Jose Paulo V. Espinosa
Hermanidad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy

Legend: Catholic Hagonoeño (CH) | G. Espinosa (JPE)

CH: Ano po ang temang ginagmit ninyo para sa 10th Marian Exhibit na ito ng Hermanidad dela Asociada?

JPE: Ang tema ng 10th Marian Exhibit ng Flores de Maria ay “Seeing the Face of Jesus through Mary” o sa Filipino ay “Masumpungan ang Mukha ni Kristo kay Maria.”

CH: Paano naman po nabuo ng hermanidad ang temang ito para sa exhibit?

JPE: Ang pangunahing dahilan ay yung tema ngayong taon ng Simbahang Katolika na Taon ng Pananampalataya o “Year of Faith.” Dahil dito sa Hagonoy ay mayroong malalim na debosyon para sa Mahal na Ina, pinilit namin na mailinya itong 10th Marian Exhibit sa ating pagdiriwang na ito. Ito rin ay isang pagtugon sa pag-aayon na sa pamamagitan ni Maria ay nakikita natin ang kanyang anak na si Jesukristo. At iyon po talaga ang laman ng ating pananampalataya na ipinapakita ngayon sa ayos ng ating exhibit.

CH: Paano po natin nasasabi na nagbibigay ng paghubog o turo ang gawaing ito sa mga mananampalatayang Katoliko lalo na dito sa Hagonoy?

JPE: Sabi ko nga ay dito sa Hagonoy, aktibo ang ating tinatawag na popular devotion. At mula sa popular devotion na ito ay magandang paraan para mas mapalapit sa kanilang pananampalataya ang ganitong uri ng gawain.

CH: Ano naman po ang masasabi ninyo sa koleksyon ngayong taon ng mga imahen? Dumami po ba kaysa sa noong nakaraang taon?

JPE: Itong mga exhibit piece ay sila rin naman ang laging makikita kada taon, pero ang maganda dito ay nadadagdagan rin ito taun-taon. At saka kung makikita natin ang mga nagmamay-ari, marami ang mula sa kabataan, mga nasa younger generation ang mga may-ari ngayon. At dito wala tayong masasabing “ito ang paborito kong imahen” dahil lahat sila ay may kanya-kanyang espesyal na katangian na ipinapakita.

CH: Ano naman po ang ating inaasahan para sa exhibit na ito lalo na sa mga susunod na mga taon?

JPE: Bukod sa mga taun-taong gawain ng Marian Exhibit bago ang huling Linggo ng Mayo, sa Kapistahan ng Virgen dela Associada, mayroon ring mga debosyong ginagawa. Kasama na dito ay ang ginagawa sa exhibit tuwing hapon kung saan mayroong pananalangin ng Sto. Rosario. Mayroon ring mga outreach program para sa gayon ay malaman ng mga mananampalataya na hindi lang ito tungkol sa pageantry kundi ginagawa ng mga may-ari ng mga poon ang kanilang makakaya upang mapalapit ang mga mananampalataya sa Simbahan.


Hermanidad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

Kgg. Catherine Barcelona - Reyes
Hermana Mayor 2013

G. Ronald M. Santos
Pangulo ng Hermanidad

Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr. at Rdo. P. Joselito Robles Martin
Mga Tagapayo

Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.
Kura Paroko at Rektor



HANAY NG PRUSISYON NG FLORES DE MARIA 2013

Seriales
Knights of the Altars c/o Bro. Arvin Kim Lopez

Sta. Elena
Parokya ng Sta. Elena

San Lorenzo Ruiz
c/o Lectors and Commentators

San Pedro Calungsod
c/o PCY and PASKA

Ave Maria Araw at Bituin
SPPC San Agustin/ SACS Elem Dept.

Niña Maria
Familia Reyes

San Joaquin
Familia Martin

Santa Ana
Bb. Lhen Calanoc

20 Misteryo ng Sto. Rosario
Sta. Ana Acolytes c/o Arvin Kim Lopez

Nstra. Sra. Del Santissimo Rosario
G. Greg de Lara

Stella Matutina
G. Fredrick Fabian

Virgo Prudentissima
G. Ranzil Cabigao (Caballero de Santiago)

La Salette
G. Nelson Cruz

Nstra. Sra. Virgen dela Regla
G. Ato Dalmacio

Nstra. Sra. de Salambao
G. Curie Santos

Mater Amargura
G. Franz Domingo

Nstra. Sra. delos Dolores de Turumba
G. Benjie Guevarra

Reina del Cielo
G. Avel Santos

Nstra. Sra. del Perpetuo Socorro
Bb. Lhen Calanoc

Dormicion de la Virgen
G. Jhapette Raymundo

Rosa Mystica
G. Joel Maliwat

Nstra. Sra. De Desatadora de Nudos
G. Pepai dela Cruz

Nstra. Sra. de Providencia
Gng. Naty Borlongan

Reina del Cielo y dela Tierra
G. Ulysses Ernesto Reyes

Nstra. Sra. de Loreto
G. Jhoem Eligio

Nstra. Sra. de Arabia
G. Derick Fabian

Regina Martyrum
G. JV at Gng. Jazz Lopez

Mater Dolorosa
G. Warly Bustos at Hykee Perez

Nstra. Sra. de la Consolacion y Correa
G. Emerson Bundoc

Nstra. Sra. del Barangay
G. Claudia Payongayong

10 SAGALAS

Virgo Potens
Valerey Mae C. Maturingan

Virgo Clemens
Charlene Gonzales

Virgo Fidelis
Ma. Ana Elena Cruz

Regina Angelorum
Noymi Martin

Regina Patriarcharum
Thierish April Viri
Regina Prophetarum
Ma. Naomi Santos

Regina Apostolorum
Frances Stephanie Gregorio

Regina Confessorum
Czyrylle Jan Bondoc

Regina Virginum
Ellen Santos

Regina Sanctorum Omnium
Daphane Pangilinan


Nstra. Sra. Dela Paz y Buen Viaje
G. Crisanto Domingo

Nstra. Sra. De los Remedios
G. Rey dela cruz

Nstra. Sra. de las Estrellas
Heart Cayanan

Nstra. Sra. de Lourdes
Gng. Malou Vengco

Nstra. Sra. de Fatima
G. Tony Gng. Mary Anne Feliciano

Nstra. Sra. Estrella del Mar
G. Danny Raymundo

Nstra. Sra. del Compasion
G. Dexter Santos

Nstra. Sra. de las Islas Filipinas
G. Ramon at Gng. Merlyn Panganiban

Sedes Sapientiae
Familia Martin

Nstra. Sra. del Buena Hora
G. Boyet at Gng. Sharon Cruz

Nstra. Sra. de Soledad
Familia Morales

Nstra. Sra. de Alegria
Familia Saguinsin

Mater Purissima
G. Berto at Gng. Beth Villanueva
Nstra. Sra. de la Rosa
G. Rod at G. Precy Cruz

Nstra. Sra. Del Santissimo Rosario del Hogar
G. Edgar at Aio Perez

Nstra. Sra. de Paloma
G. Eddie Macale

Nstra. Sra. de la Leche y Buen Parto
G. Pinong at Gng. Erly Cruz
G. Raymundo at Gng. Jorlie Villanueva

Nstra. Sra. de Salvacion
G. Jojo Bautista at Pamilya

Nstra. Sra. de Peñafrancia
G. Raymond at Gng. Cathy Reyes

Nstra. Sra. de las Flores
G. Tinoy at Gng. Lita Coronel

San Jose, Esposo de Maria
Familia Liongson

Sto. Niño, Hijo de Maria
G. Wawis Carpio

La Flor de Hagonoy
Bb. Patricia Manansala
Escort: Lance Arthur Manansala

La Bella de Hagonoy
Bb. Joynie Rein Ramos
Escort: Nesnel Martin

Rosa Mystica
Bb. Lara Venisse Marcelo
Escort: Viel Marcelo

Estandarte a la Virgen

Mga Abay ng Hermana

Hermana 2013
Cong. Elect Dra. Catherine B. Reyes

San Pedro Dance Troupe

Ns. S. de la Purissima de Inmaculada Concepcion de la Asociada, Virgen Festejada
Familia Tanjangco sa pangangalaga ni Rdo. P. Jay Lina

Banda ng Musiko


Unang Bahagi:
Ang orihinal na pagkakasulat ng artikulong ito ay ayon sa mga isinulat ni G. Amador Reyes, kasapi ng Hermanidad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy at aktibong mananampalatya ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana, Hagonoy, Bulakan. Taos na pasasalamat din ang ibinibigay kina G. Ronald M. Santos, pangulo ng hermanidad at G. Jolo Tamayo, kasapi ng hermanidad para sa kanilang pagtulong sa pagbubuo ng artikulong ito.

Pangalawang Bahagi:
Naganap ang panayam kay G. Jose Paulo V. Espinosa noong ika-21 ng Mayo, 2013 sa Gusaling Ka Blas Ople sa Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan. Taos rin ang pasasalamat na ibinibigay kina G. Ariel L. Tolentino, G. Arvin Kim M. Lopez, G. Jose Luis V. Carpio, G. El Gideon G. Raymundo, G. John Andrew C. Libao at G. Kim Eleandre M. del Pilar, mga kapwa kasapi ng hermanidad at ng staff ng Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines sa kanilang pagtulong sa mga gawain.

No comments:

Post a Comment