Tungkol sa Santo
Si
Sto. Domingo, kilala rin bilang Domingo de Guzman at Domingo Felix de
Guzman, ay ipinanganak sa Caleruega sa Espanya noong 1170. Ang
kanyang mga magulang ay sina Felix de Guzman at Juana de Aza. Siya ay
isang Kastilang relihiyoso at banal na nagtatag ng (Lat:
Ordo
Praedictorum - Order of Preachers
o O.P.), o mas kilalang mga DOMINIKANO. Itinatag ni Santo Domingo ang
orden na ito noong 1215, kasama ang anim na taga-sunod. At sa taon
ding ito, nagsadya siya na may isang kasama sa Roma upang hingin ang
pagsangayon at bendisyon ng Santo Papa Inocencio III. Enero 1217 nang
mabigyan ng “written authority” mula sa bagong Papa Honorio III
at naitatag orden ng mga Dominikano.
Ang
paglaganap ng pagdarasal ng santo rosaryo na isang “MARIAN
DEVOTION”, ay ipinatutungkol nang dahil sa mga pangangaral ni
Santo Domingo. Sa paglipas ng mga siglo, ang ROSARYO ang naging puso
ng mga paring Dominikano. Sabi nga ni Papa Pio XI :
“The
Rosary of Mary is the principle and foundation on which the very
Order of Saint Dominic rests for making perfect the life of its
members and obtaining the salvation of others”.
Si
Santo Domingo ay ang pinagpakitaan ng Mahal na Birhen ng Santo
Rosario, at sinabi nito sa kanya "Sa Pamamagitan ng rosaryo at eskapularyo, Ililigtas ko ang Mundo."
Sa
paglipas ng mga taon, ang mga Dominikano ang may mahalagang naiambag
sa pagpapalaganap ng pagdarasal ng santo rosaryo at pagbibigay-diin
sa paniniwala ng mga Katoliko sa kapangyarihan ng rosaryo. Si Santo
Domingo ay namatay noong Agosto 6, 1221 sa Bologna, Italya. Taong
1234 ang taon ng kanyang Kanonisasyon. Ang Araw ng kanyang Kapistahan
ay tuwing Agosto 8. Siya ay kinikilalang Patron ng mga Astronomo.
Pagdiriwang
ng Parokya
At
bilang paggunita sa kanyang Kadakilaan na iniambag sa Inang Simbahan,
ginunita sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario ang
kanyang Kapistahan. Bilang tagapagpalaganap ng debosyon ng
pagrorosaryo, minarapat na gawin si Sto. Domingo bilang isa sa mga
pangalawang patron ng parokya. Kasama ni Sto. Domingo si Sta.
Catalina ng Siena na nagdiriwang naman tuwing ika-29 ng Mayo bilang
mga pangunahing tagapagpalaganap ng debosyon.
Ginanap
sa parokya noong ika-6:00 ng umaga ang Banal na Misa sa pangunguna ni
Rdo. P. Quirico L. Cruz, ama ng parokya, at isa sa kanyang binigyang
diin sa kanyang homilya, ang pagiging dakila ni Sto. Domingo de
Guzman na isa sa kinikilalang nagpalaganap ng debosyon sa pagdarasal
ng Sto. Rosaryo, dahil na rin ang patron ng parokya ay ang Birhen ng
Sto. Rosario, kaya napakadakila ng lapistahang ito para sa Sambayanan
ng Diyos. Banal na Misa lamang ang ginanap at di na nagkaroon ng
Banal na Prusisyon sa kadahilanang malaki na ang tubig sa ganung
oras, kaya binigyang pugay na lamang si Sto. Domingo de Guzman sa
pagdiriwang ng Banal na Misa.
STO. DOMINGO
DE GUZMAN, IPANALANGIN MO KAMI!
Photo Courtesy: Elena V. Macapagal (Parish of N.S. del Santissimo Rosario)
No comments:
Post a Comment