Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, August 24, 2013

PAGKILALA/TRIBUTE: Isang Bagong Yugto sa Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


 Taun-taon isa sa mga pinagsusumikapang gawin ng mga paring anak - Hagonoy ay ang umuwi sa minamahal nilang bayan para sumama, makapagmisa at makisalamuha sa kapistahan nito. Ipinagdiwang tuwing ika-26 ng Hulyo ang kapistahan ni Sta. Ana, ang patrona ng bayan ng Hagonoy kasama ng kanyang esposong si San Joaquin. Sa kaganapan ng pistang ito nakikita ang mga paring anak- Hagonoy na dumadalo, kung hindi sa nobenaryo ay sa mismong araw ng pista.

   Dahil ito na rin ang pagkakataon upang sila ay magkita-kita, isinasagawa ang pagpupulong ng mga pari sa panahong ito. Ginaganap ito sa Libingang Bantayog ng Kaparian ng Kapariang Taga – Hagonoy Inc. (KAKATHA) kung saan nananahimik ang mga labi ng mga yumaong paring anak-Hagonoy.

   Masasabing natatangi ang naganap na pulong dahil dito napagdesisyunan ng mga pari na magtalaga ng bagong pamunuan bilang pasimula sa mas mainam na pakikipag-ugnayan sa mga paring anak-Hagonoy. Sa loob ng pulong nagirang ang apat na pangunahing mamuno sa kapatiran:


Rdo. Msgr Ranilo Santos Trillana, P.C.
Sta. Monica
Pangulo


Rdo. P. Anacieto Clemente Ignacio
Sta. Monica
Pangalawang Pangulo


Rdo. Msgr. Sabino Azurin Vengco, Jr., H.P.
San Jose
Kalihim

Rdo. P. Virgilio Mangahas Cruz
San Jose
Ingat – Yaman

   Sa loob ng pulong sa kasalukuyan ay hindi pa nahihirang ang mga magsisilbing tagapag-ugnay para sa Bulakan at sa mga pari sa iba't ibang diyosesis tulad ng Arkidiyosesis ng Maynila, Diyosesis ng Antipolo, atbp. Gayundin naman hindi pa naitatalaga ang isang tagapag-ugnay para sa mga paring relihiyoso mula sa iba't ibang orden tulad ng mga Dominikano, Pransiskano, Salesians of Don Bosco, atbp. na kasapi ng kapatiran. Ngunit plano itong ganapin sa muling pagkikita ng mga pari sa Ika – 29 ng Oktubre, ang ika – 22 anibersaryo ng proklamasyon ng simbahan ni Sta. Ana bilang pambansang dambana. Napag-usapan ng KAKATHA at ng pamunuan ng parokya sa pangunguna ni Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C., Kura Paroko at Rektor na ang mga paring anak-Hagonoy ay mangunguna sa darating na pagdiriwang. Ayon kay Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio, ang bagong pangalawang – pangulo pagsusumikapan sa tulong ng Msgr. Jose B. Aguinaldo Foundation, Inc. at ng research team ng Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines na maayos kaagad ng mga sulat–imbitasyon para sa gaganaping anibersaryo.

   Muli nagsisimbolo ito sa isang bagong yugto para sa mga pari ng Hagonoy. Harinawang maganap ay patuloy na pagbuhay sa mga bokasyon sa pagpapari sa Hagonoy sa pamamagitan ng kanilang inspirasyon at pagtangkilik.

Photo Courtesy: Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban (Parish of Ina ng Laging Saklolo)

BATINGAW: Lathalaing Opisyal ng Msgr. Jose B. Aguinaldo Foundation, Inc. (BLG. 9, AGOSTO 2013) by Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines

No comments:

Post a Comment