Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, August 02, 2013

MESSAGES: Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.




Opisina ng Kura Paroko at Rektor
Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal 
na Puso ni Jesus
Cruz na Daan, San Rafael, Bulakan

   Kay Fr. Nick, pinaabot ko ang aking pagbati para sa kanyang ika-60 taong anibersaryo bilang pari. Ito ay isang napakakakaiba at katangi-tanging okasyon at biyaya ng Diyos sapagkat bihirang bihira ipagkaloob sa isang pari ang ganito karaming taon sa ministeryo. Kaya naman lahat ay natutuwa at naliligayahan sa okasyong ito, lalo na ang mga kapatid niyang paring anak-Hagonoy na bumubuo sa KAKATHA.

   Hinahangad kong patuloy pa siyang makapaglingkod sa ating Inang Simbahan at patuloy pa siyang maging inspirasyon sa mga kapwa taga-Hagonoy na nais magpari. Mabuhay po kayo Fr. Nick at kami po ay inyong ipanalangin para maging ganap na pari tulad ninyo.

   Kung mangyari man po sa akin ang umabot ng ganyang edad tulad niya, sana maging kasingkisig at kasingsigla niya ako. Maraming salamat po!

Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr.
Kura Paroko at Rektor
Pangulo, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Opisina ng Kura Paroko
Parokya ni San Pablo dela Cruz
SSS Village, 1811, Lungsod ng Marikina

   Isang papuri at pasasalamat! Napakabuti ng Panginoong Diyos! Binabati ko po kayo Rev. Fr. Nicanor Trinidad Victorino sa pagdiriwang po ninyo ng inyong ika-60 na taon ng pagiging isang butihing pari. Ito ay isang biyaya sa ating samahan ng mga pari ng Hagonoy. Kayo po ay nagsisilbing huwaran para sa aming mga pari ng Hagonoy sa inyong katapatan sa pagiging isang pari at higit sa lahat sa inyong pagiging lingkod ng Diyos.

   Ang aking panalangin nawa ay bigyan po kayo ng Poong Maykapal ng ibayong lakas at sigla upang patuloy pa rin ang inyong paglilingkod sa Diyos. Mabuhay po kayo! "Ikaw ay pari magpakailanman!"

Rdo. P. Peter Julian Eymard Cabrera Balatbat
Pangalawang Pangulo at Kalihim
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.

Opisina ng Kura Paroko
Parokya ng Birhen ng Sto. Rosario
Maysan, Lungsod ng Valenzuela

   Tanging ang pagiging mapagbigay ng Diyos ang dahilan kung bakit tayo nakatatagal sa mundo. Kahit may mga kahinaan tayo, napakalaking biyaya ang hindi niya ipinagkait sa atin. Dahil ito sa tiwala ng Diyos sa tao at iyon ang makikita kaagad sa pagtitiwalang ibinigay sa Birheng Maria. Dahil dito, dapat tayong magpasalamat.

   Para kay Fr. Nick, napakalaking tanda ang paglilingkod mo ng biyaya ng Diyos. Nagtagal ka sa pagkapari at nawa patuloy ka pa ring maging tapat niyang lingkod. Patunay ang iyong buhay sa pagmamahal ng Diyos para sa ating lahat.

 Muli, ang aking pagbati para sa ika-60 taon mo sa pagkapari!


Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C.
Kura Paroko
Dating Pangalwang Pangulo, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Opisina ng Kura Paroko
Parokya ni San Jose, Esponso de Maria
San Jose, San Miguel, Bulakan

   Kay Fr. Nick Victorino, ipinapaabot ko ang aking pagbati at pasasalamat sa 60 taon na siya'y naging tapat na lingkod ng ating Panginoon. Tunay na biyaya ang makaabot ng ganoong katagal na taon sa pagkapari at mabuti ito para sa kanya.

   Fr. Nick, maligayang pagdiriwang ng inyong anibersaryo!

Rdo. P. Avelino Gonzales Santos
Kura Paroko
Dating Tagapag-ugnay, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Opisina ng Kura Paroko
Parokya ni San Pedro Apostol
Tungkong Mangga, Lungsod ng San Jose del Monte

   Para sa isang pari, inspiring na makaabot si Fr. Nick ng ganoon katagal na panahon sapagkat 60 taon siya naging pari. Napakahalaga ng ginawa niyang paglilingkod sa ating Inang Simbahan at sa ating mga kababayan. Sana umabot pa siya ng 100!

   Binabati ko si Fr. Nick pati na ang kanyang pamilya na nagtaguyod at nagbigay sa kanya ng lakas at katatagan para patuloy siyang makapaglingod sa Inang Simbahan.

Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Kura Paroko
Dating Tagapag-ugnay, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Opisina ng Kura Paroko
Parokya ni San Agustin
Poblacion, Baliuag, Bulakan

   Kaisa po ng aking mga kapatid at katuwang na Pari dito sa Parokya ni San Agustin sa Baliwag – sina Fr Neil Sevilla at Fr Ruel Arcega, at ng buo naming Sambayanan ng Diyos sa pamumuno ng aming Sangguniang Pastoral, ako ay buong pusong bumabati sa aking kabayan Fr Nick sa pagdiriwang ng kanyang ika-60 taong pagkapari noon Hunyo 7.


  Kalakip nito ang aming pagpupuri sa ating Panginoong Hesus na siyang tumawag sa kanya upang ipahayag sa lahat ng tao ang Mabuting Balita ng mapagligtas na pag-ibig ng Diyos, at ito ay bigyan ng nakikita at nadaramang anyo sa pamamagitan ng kanyang masipag na paglilingkod at masigasig na malasakit sa mga dukha, sa mga maysakit, mga ulila at balo. Tunay ngang pinagpala si Fr Nick bilang pari, propeta at lingkod-hari, sapagkat nakapa-pambihira ang umaabot at nakakatagal sa ganito kahabang panahon, kung iisipin ang napakaraming pagsubok at krus sa buhay ng isang alagad ng Simbahan. Subalit ang lahat ng ito ay buong giting na nilampasan at pinasan ni Fr Nick, walang alinlangan bunga ng kanyang masiglang buhay-espirituwal – matibay na pananalig sa Diyos, matiyagang pagdarasal, at maalab na pag-ibig sa kanyang mga pinaglilingkuran.


  Una sa Diyos ang pagpupuri at pasasalamat, Siya na araw-araw ay nagbigay sa kanya ng buhay at lakas, liwanag at patnubay! Napakahalaga din ang panalangin at suporta ng kanyang mga mahal sa buhay, at lahat ng kanyang mga naging kamanggagawa sa ubasan ng Panginoon – mga kapatid at kaibigang pari, mga lider ng kanyang mga samahan, at lahat ng mga nagmalasakit sa kanya, lalo na sa panahon ng mga pagsubok, karamdaman at pag-iisa.

  Natitiyak kong sa dami ng kanyang mga napaglingkuran sa iba’t ibang mga parokya at sa iba’t ibang paraan, nalulugod ang Panginoon sa kanya: “Magaling, tapat at maasahang katiwala!” Nawa ay patuloy pa siyang kalugdan ng Diyos ng pahanon, lakas at pagmamahal ng lahat ng mga taong kanya ring minamahal, at anihin niya ang wagas na kagalakan bunga ng kaalamang ang Diyos ang kanyang pinaglingkuran sa buong buhay niya.

  We love you, kabayang Fr Nick! Ipinamgamamalaki ka namin - inspirasyon naming lahat! Mabuhay ka! God bless you!


Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P.
Kura Paroko
Miyembro, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Opisina ng Kura Paroko


Office of the Director
Our Lady of Peace High School
Malabang, Lanao del Sur

   Life is never too long if spent for the undying God. Wishing you still an auspicious time beyond Diamond. Taos pusong pagbati!

Rev. Fr. Rogelio Dizon del Rosario, M.J.
Director
Member, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Opisina ng Kura Paroko
Parokya nina San Isidro at San Roque
Malhacan, Lungsod ng Meycauayan

   Para kay Fr. Nick, isang maligayang pagbati para sa ika-60 taon ng iyong pagkapari! Ad multos annos!

Rdo. P. Ronald Cruz Ortega
Kura Paroko
Miyembro, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Opisina ng Paring Namumuno
Malaparokya ng Sto. Cristo
Sto Cristo, Pulilan, Bulakan

   Fr. Nick, ako po ay nagbabahagi ng aking pagbati sa iyo ng Happy 60th Sacerdotal Anniversary! Bilang nakababatang paring kapatid ninyo na taga-Hagonoy isang tunay na pasasalamat ang maging katulad ninyong naglingkod sa Diyos ng matuwid.

Maraming maraming salamat po at pagpalain kayo sa inyong anibersaryo!

Rdo. P. Rolando Reyes Atienza
Paring Namumuno
Miyembro, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Opisina ng Tagapamahala
Galilee Home
Doña Remedios Trinidad, Bulacan

   Binabati ko ang isa sa mga matatandang pari ng aming kapatiran ng paring anak-Hagonoy, si Fr. Nick Victorino. Nawa po manatili po kayong matatag sa mga susunod na panahon at patuloy po kayong maging matapat na lingkod niya. Salamat po!

Rdo. Joshua Cruz Panganiban
Paring Tagapamahala
Miyembro, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Page 1 of 2
Please press Older Posts for Page 2.

No comments:

Post a Comment