Ang
Ina
ng Laging Saklolo
(Our
Lady of Perpetual Help,
Our
Mother of Perpetual Help,
Our
Lady of Succour,
Our
Mother of Succour)
ay isang taguri para sa
Birheng
Maria.
Katumbas din ito ng mga katawagang “Ang
Ina ng Perpetwo” (Perpetwa), Ang
Ina ng Sokoro.
Sa
literal na pakahulugan dito, may diwa ang titulo na: "ang Ina ng
walang-katapusan at walang-humpay na pagtulong." Inaalala ang
kapistahan nito tuwing
ika-27
ng Hunyo.
Kaya
muling ipinagdiwang ang Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo sa
Parokya ni Santiago Apostol, Paombong, Bulacan sabay ng pagdiriwang
ng kanyang karangalan ng buong simbahang Katoliko, na pinagdiriwang
ng lahat ng namimintuho sa mahal na Ina ng Diyos. Pinasisimulan ang
paghahanda ng kayang pagdiriwang sa pamamagitan ng siyam na Araw na
pagnonovena at pakikiisa sa banal na misa na kasama ng mga deboto at
mananampalataya na nananalig at umaasa sa kanyang Maka-inang
pagmamahal at pagkakandili. Pinangunahan ng aming kura paroko,
Rdo.Padre Pros Tenorio ang banal na misa na dinaluhan ng mga
mananampalataya at namimintuho sa mahal na Ina, pagkatapos ng banal
misa , nagkaroon ng isang munting salo-salo para sa mga susunod sa
prusisyon bawat isa ay naging masaya dahil sa pamamaraan na ito
naipakita ang pagiging simple ng mahal na Ina dahil sa simpleng kape
at tinapay na pinagsaluhan ng bawat mananampalataya nakita sa
kanilang mag mukha ang ngiti at saya na nadarama sa oras na iyon bata
at matanda ay pawang nakiisa. Nagpasalamat ang Pangulo ng samahan
Sis. Winnie Mananzala sampu ng kanyang mga kasamahan, sa lahat ng mga
nag-alay sa banal na misa,at sa mga taong nag-kaloob ng taos sa
pusong pagtulong at pagsuporta para sa mosiko, sa mga bulaklak ng
karo, kandila, at nagpa-almusal.
Tunay
ngang hindi sila pibayaan ng mahal na Ina ng Laging Masaklolo dahil
marami ang nakiisa at sumuporta para maisakatuparan ang nasabing
pagdiriwang, may nag-donasyon din ng mga bulaklak para sa gayak ng
simbahan at may nag-asikaso para naman sa karo ng Birhen.Sabi nga ni
Sis.Winnie Manansala marami siyang natutunan at marami siyang
naranasan na pangyayari at pagsubok ngunit pinakita lamang daw ng
mahal na Ina ng Laging Masaklolo ang kanyang mabathalang pagtulong sa
oras ng iyong pangangailangan.Noong malayo layo pa yung araw ng
kapistahan hindi sila mapakali dahil hindi nila malaman kung saan
nila hahanapin ang pera gagamitin sa nasabing okasyon kaya hindi nila
inaasahan na kahit na noong araw na mismo ng kapistahan ay marami
parin ang nagbibigay ng tulong, kaya tuwang tuwa sila.dahil doon
hindi nila alintana ang pagod na kanilang binata upang maging
makabuluhan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Ina ng Laging Masaklolo
sa bayan ng Paombong. Inang Sakdal Linis Awa mo ilawit. Oh mahal
naming Ina ng Laging Masaklolo kami ay lagi mong ipamagitan sa’yong
anak na si Jesus na aming Panginoon.
Photo Courtesy: Rev. Fr. Prospero V. Tenorio (Parish of Santiago Apostol)
No comments:
Post a Comment