Nuestra Señora delas Estrellas Heart Cayanan |
Stella
Matutina
Isang
TALA SA UMAGA ang katulad nitong Birhen, na sa langit asa mo ba’y
kumukurap na bituin; kung masdan mo’y parang parol sa taas ng
panginorin, may sinag na nagtuturo sa landas na dapat sundin; SIYA’Y
TALA SA UMAGA na may kinang na maningning, may kislap ang kabanalang
huwaran ng buhay natin: sa dagat ay tag-akay sa pasigang aahunin at
sa lupa’y sanggunian nitong taong alanganin.
---o0o---
Itong
TALA SA UMAGA ay buntalang mahiwaga, walang angkin sa sarili na
liwanag na magara; ang liwanag niyang iwi ay sa ARAW nagmumula at ito
ay nadadama sa pisngi n gating mutya; gayundin po itong BIRHENG Ina
nating mutyang-mutya, ANG ARAW NG KABANALA’Y ANAK NIYA PALIBHASA,
kaya Siya’y Inang labis pinagkislap sa biyaya, inangkapan ng
silahis na biyayang masanghaya.
---o0o---
Ang
Tala kong tinutukoy ay sa ARAW umiikot at sa atas nitong araw
gumagalaw, umiinog; ganyan din ang BIRHENG INA na ang buhay Niya’t
kilos ay sunod sa kalooban at hangarin nitong Diyos; Niya, nasa’t
wika, ang damdamin Niya’t loob, sa ARAW NG KABANALAN umiikot na
umirog; l’walhati ng Maykapal ang nais na maitampok, sa lahat ng
gawa Niya “ang lahat ay para sa Dios!”
---o0o---
Tabala
ng katubusan itong Tala sa Umaga ang banaag ng liwayway na sa mundo’y
bumubuka; langit ng Lumang Tipan ay Tala ang Birheng Maria, ng Babae
na yumurak sa “ahas ng mga sala”; ang sa Belen ay
sumikat ang ARAW nga ng pagasa, ng gabi ay naging araw ng PAGSAKOP na
MASAYA: ng Araw ng Katubusan sa atin ay sumikat na,
tayo’y ating
nalalasap ang bunga ng mga grasya!
---o0o---
Sagisag
ng kaligtasan at buhay na walang hanggan Itong TALA SA UMAGANG
naakyat sa kalangitan; sa kabila ng libingan may buhay na
walang-humpay at doon ay may korona ang kawal na nagtagumpay; ang
aliping naging tapat sa Diyos ng kabanalan, magkakamit ng pabuya sa
ginawang katapatan; naroroon ang tahanan ng pamilya ng Maykapal, na
ang Hari ay si Kristo’t ang Reyna ay Birheng mahal.
---o0o---
Ang
liwanag at ang sinag nitong Tala sa Umaga, kailangan sa pagpawi nang
dilim ng mga sala; sa ningning ng kanyang asal na bituin ang kapara,
ang tunay na kahulugan ng buhay ay mababasa; at katulad nitong
Birhen, bawat isang kaluluwa, ay sulo ng kabanalan ang dapat na
ipakita; dapat niyang pangningningngin ang ugali ni Maria sa ugali
niya’t gawa na sa tao’y pawing bunga.
---o0o---
Pagmamasdan
nating lagi itong Talang nagniningning na sa tao’y nagyayayang “sa
langit ay suma-piling”; sa wakas n gating buhay ay ipukol ang
paningin, sa buhay na walang hanggang doo’y Reyna itong Birhen;
dumulog ka’t tumingala sa makislap na bituin at ang tuwa’t
kasiyahan sa kanya ay lalasapin: O Stella Matutina, O Tala kong Inang
Birhen, akayin Mo itong mundo sa matuwid na landasin.
No comments:
Post a Comment