Mater
Castissima
Inspirasyon
Ikaw, Mater Castissima,
ng
lahat ng tao't ng lahat ng Ina;
kaya
sa larangan nitong pagbabaka,
busilak
mong puso ang aming sandata;
kaya
ang daing mo doon sa Fatima,
itigil
ang laswa't mahalay na sala;
dumudulog
kami sa Puso mong Ina
nang
hindi mahawa sa pagkakasala.
---o0o---
Ang
pagaasawa'y utos sa may-nasa
upang
lumaganap ang tao sa lupa;
ang
anak na bunga, - ayon kay Bathala,
ay
templo ng Diyos na binigyang-diwa;
kaya
bawat tao'y simbahang magara
na
dapat igalang ng ating kapuwa;
katulad
ay basong di dapat masira
at
dapat ingatang malinis na lubha.
---o0o---
Ang
katawan natin na templo ng Diyos,
huwag
dudungisan ng salang marupok;
huwag
hahayaang gawing “maitim na salot”;
aliw
man at saya o sandaling lugod,
huwag
maging lason sa banal na Utos;
sa
salang mahalay... tayo ay matakot,
mayroong
parusang kakila-kilabot.
---o0o---
Ang
katawang lupa, dahilan sa kasal,
ay
alay sa Diyos ng mag-kasing mahal;
ang
handog na ito'y mabisa at banal,
kung
may iwin sangla ng pagmamahalan;
pag-ibig
sa Diyos ang tanigng batayan,
na
sa pagsasama'y dapat na igalang;
pag-ibig
sa anak... pag-ibig sa hirang,
ang
buklod na ginto ng mabuting angkan.
---o0o---
Dahilan
sa rupok nitong taong lupa,
madaling
mahulog sa gawaing lisya;
kaya
magsumikap magkamit-biyaya,
nang
hindi mauyot sa tuksong masama;
ang
parisan nati'y ang Birhen ng awa,
na
hubad sa malay ng gawang malaswa;
paano'y
sa puso at banal na diwa,
pag-ibig
sa Diyos ang haring mistula.
---o0o---
Kaya
bawa't ina sa pagiging ina,
may
iwing tungkuling “banal na panata”;
sagrado
ang papel na parang artista,
na
para sa langit mag-anak siya;
kaya
itong bunsong bunga ng pagsinta
ay
handog ding alay sa Diyos na Ama;
kaya
itong buhay nitong mag-asawa
ay
isang alay din nitong pagsasama.
---o0o---
Upang
ang masama ay huwag manaig,
debosyon
ang dapat iwihin sa dibdib,
sa
panalanging taimtim ang labis,
magasawa'y
dapat mawiling malimit;
sila
ay duduog kay Hesus na ibig,
sa
pakikinabang na handa ng Langit;
ang
butihing ina'y magiging malinis
sa
grasya ng Diyos na tumatangkilik.
---o0o---
Sa
mabunying Birheng Mater Castissima,
hilingin
po ninyo'y kalasag na dala;
ang
kristal na linis nitong Mutyang Ina
ay
timbulang lagi nitong magasawa;
maging
pari't madre, binata't dalaga
ay
magiging casto sa tulong ng grasya;
kaya
manalanging lagi at tuwina
sa
ating Uliran at Huwarang Ina.
No comments:
Post a Comment