Isang samahang nagpapakilala,
sa ganda ng buhay sa loob ng Simbahan.
Bilang mga katuwang sa ebanghelisasyon,
nakatuon sa pagyabong ng pananampalataya.
nakatuon sa pagyabong ng pananampalataya.
Ang
PREX ay isang organisasyong pansimbahan na naglalayon na mas lalong
mapalawig ang pananampalataya ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pa-klase at iba’t ibang gawaing pansimbahan. Isa sa kanilang gawain
bilang mga kasapi ng PREX ay ang kanilang taltong araw na pa-klase na
kinapapalooban ng sampung panayam at iba pang gawaing ispiritwal
tulad ng pagbabantay sa Santissimo Sacramento.
Sa
bawat pagtatapos ng isang PREX batch
na
ginaganap tuwing gabi, sasalubungin ang mga magsisipagtapos ng
kani-kanilang pamiliya at ng mga kaibigan na may dalang mga bulaklak
at mahihigpit na yakap. Sa kanilang pagtatapos ay magiging miyembro
na sila ng isang bagong pamilya ang kanilang mga “kuya” at ”ate”
ang kanilang PREX family.
Ang
Parish
Renewal Experience
o PREX ay sinimulan dito sa Parokya ni Sta. Elena Emperatriz ni Rdo.
P. Celso Fernando noong 2001. Nagsimula ito nang ang mga lingkod
simbahan ng iba't ibang organisasyon ng parokya ay pinadalo sa
seminar ng PREX sa Visita ng Sta. Lucia, Calumpit, Bulacan, Ito
ay sa pangunguna ng mga facilitator ng PREX na mga taga-Tondo,
Maynila at Calumpit. Naka- tatlong batch
muna ang napa-graduate ng parokya bago nakapagsimula ang grupo ng
outreach
program.
Noong Pebrero 2002, nagsimula ang unang pa-klase o seminar ng PREX
dito sa parokya, sa pagtutulungan ng PREX Tondo, Calumpit at ng
tatlong batch
ng parokya at sa kapahintulutan ng Kura Paroko noon. Sa ngayon, ang
PREX sa Parokya ng Sta. Elena ay umiiral sa loob ng 12 taon at
sampung buwan.
Sa
kasalukuyan, patuloy na naghihikayat ng mga mananampalataya sa ating
simbahan sa ngayon ay nakapagsagawa na ng 37 na batch
ng pa-klase at patuloy pang lumalaki ang kanilang samahan. Mula sa
kanilang mga kasapi, nabuo ang sumusunod na panayam:
Q:
Nagtagal na po ang samahang pansimbahan sa loob ng12
taon at 10 buwan.
Ano po ang masasabi ninyong sikretong taglay sa patuloy na pag-iral
ng inyong samahan?
A:
Ang
pananampalataya natin sa Panginoon. Nang magsimula ang PREX dito,
madami ang dumalo sa seminar, mga taga- iba't ibang parokya, sa
kadahilanang tayo ang naunang Prex dito sa bayan ng Hagonoy. Masigla,
masaya at nagkakaisa ang lahat sa Parokya sa bawat pa-klase o seminar
ng Prex. Suportado tayo ng mga PREX ng Tondo, Calumpit, maging nang
mga taga-Paombong at Malolos ay nagiging tagapanayam din natin sa mga
seminar.. Ika nga, isang pamilya ang PREX, nagmamahalan,
nagsusunuran, nagkakaisa at kung minsan meron ding mga tampuhan at
ndi pagkakaunawaan sa mga maliliit na bagay..
Q:
Paano po ba napapalakas ng mga hamon ang patuloy na pagtawag ng
paglilingkod na buhat ng debosyon para sa inyong apostolado sa
Simbahan?
A:
Kapag ang pananampalataya natin sa Panginoon ay tunay at tapat, kahit
anong hamon at pagsubok ay nakakayanan. Ang paglilingkod ay bukal sa
puso, mahirap maglingkod ng napipilitan ka lamang o gusto mo lamang
mapuri ka ng iba o maging sikat. Kung
gusto nating makapaglingkod sa Diyos, dapat matuto tayong sumunod.
Dahil sa pagsunod natin sa mga aral at utos ng Diyos, magagampanan
natin ito ng maayos, masaya at magaan ang ating kalooban kahit ika
nga hirap ang katawan magkaminsan.
Q:
Sa inyong palagay, patuloy nga po ba ang pagyabong o unti-unti pong
nalalanta ang iba sa inyong kapisanan? Anu-ano po bang mga hakbang
ang inyong pinagsusumikapang gawin sa pagtugon dito?
A:
Sa bawat organisasyon o samahang pansimbahan, may panahong masigla at
nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa pagtugon sa mga gawain ng
samahan. May panahon din nman na nanlalamig din. Sa ngayon, masasabi
kong medyo nanlalamig, dahil na din siguro sa maraming kadahilanan
tulad ng mga iba't ibang klaseng pagsubok sa buhay natin ngayon.
Noong July 19, 2014, nagdaos kami ng PREX GENERAL ASSEMBLY sa Parokya
ng Sta. Elena na ang tema ay "MAGKAISA at MAGPANIBAGO". Ito
ay sa kapahintulutan at pakikiisa ng ating Kura Paroko na si Fr.
Jaime Malanum, upang muling mapasigla ang PREX FAMILY ng Parokya.
At
sa pagtitipon ay napagkaisahan na magkaroon kmi ng regular Prayer
Meeting tuwing unang Linggo ng buwan, 4-5pm sa Parokya ng Sta. Elena,
sa pangunguna ng ating Kura Paroko na si P. Jaime Malanum. Tuwing
Friday ay may Bible Sharing kami sa bawat bahay ng mga kasapi ng
PREX.
Q:
Sa
inyo pong karanasan, ano po bang meron sa ispiritwalidad, apostolado
at gawain ng samahang inyong kinabibilangan na nagpapalakas sa
inyong pananampalataya at paglilingkod sa Simbahan?
A:
Pagpapanibago at pagtuklas natin sa tunay na kahulugan ng
Pananampalataya upang matagpuan natin ang pagiging masaya, mapagmahal
at mapagmalasakit na Katoliko. Dahil ang Parokya ay binubuo ng mga
parokyano o pamilya na nagmamahalan, nagkakaisa at nag-uunawaan sa
bawat isa.
Q:
Ano pong mensahe ang inyong maibibigay para sa inyong kapwa-kasapi sa
inyong samahan pati na rin sa mga kabataan na nagnanais maging aktibo
sa paglilingkod sa Simbahan?
A:
Nawa huwag tayong manlamig sa ating pananampalataya sa Diyos kahit
tayo ay dumadaan sa mga pagsubok o unos ng buhay. Siya lamang ang
ating sandigan at hinding hindi Niya tayo pababayaan kaylanman. Sa
ating paglilingkod sa Simbahan at sa ating kapwa, lagi nating isaisip
na ang paglilingkod ay may kasamang pagsunod. Tulad ng ating Mahal na
Ina, ang Birheng Maria, siya ay naglingkod at sumunod sa kalooban ng
Diyos.. Nawa matularan natin ang ating Mahal na Ina sa pagiging
masunurin at mabuting lingkod ng Diyos.
Isang koponan ng PREX Family sa Parokya ni Sta. Elena Emperatriz sa Hagonoy kasama ang mga facilitators.
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parokya ni Sta. Elena Emperatriz)
|
Ano po ba ang makukuha namin kapag sasali kami sa PREX?
ReplyDeleteAng PREX po ay program ng mga Parishes under po sa Commission ng Formation na ngayon ay Commission on Evangelization na, kung saan muling ipinapadama sa mga dadalo ng PREX Seminar ang mga gawain at gampanin bilang bahagi ng simbahan. Parish Renewal Experience Seminar, isang seminar na naglalayon na maimulat sa mga dadalo ang landas na patungo kay Kristo na kinikilala na Tagapagligtas at malaman na ang tayo ay kabilang na sa munting simbahan, ang pamilya na dahilan sa mga hadlang upang tayo ay maging mabuting kabilang ng simbahan dahil sa mga tao o bagay na nakasakit sa atin o ang mga nakakasagabal sa atin na pansariling mga kagustuhan o sariling desires o pagnanais na nagiging dahilan upang tayo ay mawalan ng pakikipagkapwa tao. Sa ating pagdalo sa PREX Seminar, ipapakilala sa atin ang mga hakbang na maaaring gawin upang landasin ang pagpapakabanal, muling makapasok sa pagkalinga ng Diyos na may malakas at malalim na pananampalataya sa Lumikha at maging kaisa ng simbahan at maging isang Tagapapalaganap ng Mabuting Balita. Ang makukuha sa pagsali sa PREX (o pagdalo sa PREX Seminar) ay ang muling pagbubukas ng pinto na tanggapin at tahakin ang landas patungo sa pagpapakabanal at paggawa ng mga mabubuting bagay sa ating kapwa kahit sino pa ito... Nawa ay mabigyan ng liwanag sa iyong puso ang mga nais mo sapagkat batid ng Diyos ang nilalaman ng ating kalooban. Pagpapalain ka ng Diyos sa iyong katanungan at nawa ang kasugutan ay iyong masumpungan. - sumasaiyo kay Kristo - Engineer Pathfinder
DeleteAnu pong ginagawa kapag sasali po sa PREX?
ReplyDeletemakipag-ugnayan lamang po kung saan po kayong Parokya o simbahan nasasakop, maaari po kayong magtungo sa kanilang mga opisina at hanapin po ang PREX Secretariat upang sa kanila malaman ang mga detalye kung mayroong gaganaping paklase.. Nawa ang pagpapala ng Diyos ay sumaiyo.
ReplyDelete