Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG KINIKILALA: Apostolado ng Panalangin: Sentro 131


Pagtugon sa isang natatanging gampanin,
na tumulong at makiisa sa pagsasayos ng Simbahan
upang dakilain ang Diyos sa pagdiriwang.

Kasaysayan at Pag-usbong sa Hagonoy

   Noong 1844, sinabi ni P. Francis X. Gautrelet, S.J. sa grupo ng mga Heswitang seminarista na gustong maglingkod sa mga misyon, “Maging mga apostol kayo; apostol ng panalangin. Ihandog ninyo sa lahat ng inyong Gawain sa bawat araw kaisa ng Puso ng ating Panginoong Jesukristo sa mga naisin nito; ang pagpapalaganap ng kaharian para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.”

   Sa ika-100 anibersaryo ng Apostolado ng Panalangin (AP) noong 1944, nagpasalamat sa Diyos si Papa Pio XII para sa samahan at itinuring ito na isang pinakamabisang paraan para sa kaligtasan ng mga kaluluwa namay layuning “manalangin nang may buong pagsisigasig parasa Simbahan at sa pagsasagawa nito sa pamamagitan ng araw-araw na paghahandog ng sarili sa Diyos.”

   Sa ika-150 anibersaryo naman ng AP noong 1994, sinulat ni Papa San Juan Pabli II ang ganito: “Habang ang bukang-liwayway ng ika-3 libong taon ay dumarating sa mundo, at sa pagdami ng mga nagiging pagano ngayon, malinaw na lubhang kailangan ang pakikilahok ng AP sa gawain para sa bagong ebanghelisasyon. Dumating si Jesukristo upang ipangaral ang Mabuting Balita sa mga dukha at ang AP ay itinuturing na lagi bilang pangmasang debosyon sa Panginoon.” Mula sa ganitong kalagayan isiniagawa ng AP ang napakahalagang paglilingkod sa loob ng 150 taon sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong buhay sa kamalayan ng mga tao kung gaano kahalaga ang kanilang buhay sa Diyos sa pagbubuo ng Kanyang kaharian.

   Sa Bulakan naman, unang ipinakilala ang debosyon ng AP noong taong 1875 ngunit taong 1960 pa lamang ito masigasig na tinanggap ng buong lalawigan sa pangunguna ng Makadiwang Patnugot na si Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. nasiyang Kura Paroko at Rektor ng Dambana ni Sta. Ana. Ayon sa Tala ng Pambansang Tanggapan ng Maynila, itinatag sa Parokya ni Sta. Ana ang Sentro 131 noong ika-2 ng Abril, 1900

   Ang ilan sa mga naging pinuno ng samahang ito sa Parokya ni Sta. Ana ay siaAlejandro Cruz, pangulo ng kalalakihan at Remedios Bernal, pangulo ng kababaihan. Kasama nila sina Ricardo Esguerra, Sixto Santos, Jose Atienza, Felix Manucom, Modesto Benedicto, Eufrocina Guevara, Emericiana Raymundo, Gloria Reyes at Anita del Pilar. Sinbihan sila ni Msgr. Aguinaldo na malaki ang naging tiwala niya sa samahan sapagkat anumang balakid na haharapin ng AP ay malalagpasan lamang sa pamamagitan ng isang pamunuang may maalab na debosyon sa Mahal na Puso ni Jesus at ni Maria at sa masikhay na pagtupad sa mga Alituntuninat Batas ng samahan.

   Kaya naman sa adhikaing ipatupad ang isinasaad sa Aklat Saliganng AP, isinasagawa ang mga seminar sa Kapulungang Pangkalahatan tuwing ikatlong buwan, sa pulong ng pamunuan tuwing ikalawang Sabado ng buwan. Sa bandang dulo ng kanyang panunungkulan, ang seminar ay idinaos sa bawat bikarya ng Diyosesis ng Malolos. Ang AP ay nagdaraos ng palagiang buwanang pulong, malimit na seminar, taunang pagtitipon at mga banal na pagsasanay. Nilalayon nito na magkaroon ng tamang kamulatan ang mga mananampalataya na maging apostol na may malalim na deboyon sa Kabanal-banalang Puso ni Jesus.

   Ang buhay kabanalan ng isang Apostol ng Panalangin ay hindi lamang ang pagsusuot ng kalmen o eskapularyo ng Puso ni Jesus o nasasalamin ang taimtim na pananampalataya sa pag-uukol ng paggalang sa mga imahen o pagbigkas ng mga karaniwang panalangin. Ang ito ay panlabas na mga anyo lamang ng debosyon. Ang mahalagang mgabagay na dapat isapuso at isagawa ng bawat kasapi ng AP ay ang mga sumusunod:

Pagtatalaga at Paghahandog ng Sarili

   Ang kabanalan, ayon sa Kaltas Apostoliko nina Papa Pio XII at Papa Leon XIII na dapat isakatuparan ng bawat kasapiayang pagtatalaga ng sarili sa Puso ni Jesus. Dapat itong gawin sa pagising sa umaga upang ang buong araw ay puno ng mga bagay na inihahandog na magiging kalugod-lugod sa Diyos. Sa gayon, ang buhay ng bawat kasapi ng AP ay nagsisilbing panalangin na may kabanalan at lubod na pakikiisa sa Diyos na banal;

Pagbabayad-puri sa mga Kasalanan

   Ang paghahandog ng sarili sa pamamagitanng Puso ni Maria ay pagtatalaga ng buong buhay sa Diyos, udyok ng pag-ibig sa diwa ng paglilingkod sa Kanya. Ito ay magsisilbing pambayad-puri sa mga kasalanan ng lahat ng tao. Ang walang hanggang pag-ibig na ito ng Diyos para satin ang magadadala ng kaligtasan sa atin sa pamamagitan ng ating pagnanais na makikita sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo. Sa pagpanaog ng Simbahan magpasahanggang ngayon, tinatawagan ang kaspai na dapat uminog ang buhay pananampalataya niya bilang isang Apostol ng Panalangin.


Patotoo ng Kasapi

   Sumunod ako sa pangungulo ng AP kay Patricia “Tisyang” T. Trono. Masibol noon ang samahan samga pagtitiponat tuwing pinaparangalan ang Kabanal-banalang Puso ni Jesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria. Aktibo ang mga miyembro sa pakikilahok sa mga Banal na Pagsasanay, mga seminar, mga pag-aaral na karaniwan nang ginaganap sa bayan ng Guiguinto; maging sa pagpupulong sa parokya ay masigla ang pagkikita-kita.

   Upang lalong mapalaganap ang debosyon ng pagsuyo, at dahil karamihan ng mgakasapi ay mga kalalakihan, hinimok naming ang aming mga asawa na samahan kamisa pananalangin at pagtatalaga ng sarili sa Kabanal-banalang Puso ni Jesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria, na lubhang kaibig-ibig. Nagtagumpay kami, at nadagdagan kami ng tatlumpong (30) kababaihan, sa kabuuan dalawang daang (200) kasapi.

   Kabilang sa naging suliranin naming noong mga panahong iyon ay ang unti-unting pagkabawas sa kasapian dahil sa pag-edad ng mga kasapi. Inindarin ng mga kasapi ang kalayuan at pamasahe patungo sa Sta. Maria, o dili kaya ay sa Guiguinto, kung saan idinaraos ang mga pagtitipon, pambikarya man o pandiyosesis.

   Nagkaroon din sana ng pagkakataon na sa Parokya ni Sta. Ana ganapin ang “Pangkalahatang Pagtitipon” ng mga kasapi ng AP, sampung (10) taon na marahil ang nakalipas. Subalit dahilan din sa suliraning pang-pinansyal, hindi ito natuloy. Gayunpaman, nagpatuloy ang maalab na debosyong ito sa kabila ng lahat.


   Bilang kasiyahan ng mga kasapi, taun-taon, tuwing sasapit ang Pasko, nagsasama-sama kami upang ipagdiwang at pagbigyan ng halagaang mumunting ala-ala sa bawat isa. 


Isang deboto na nananalangin habang
ginaganap ang Banal na Oras.
Photo Courtesy: Dambana at Pananampalataya Archives (2013)

No comments:

Post a Comment