Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG KINIKILALA: Lehiyon ni Maria: Hagonoy Comitium


Isang samahang may panata kay Maria, 
na nagsasabing "Ako'y iyong iyo,
aking Reyna at aking Ina at 
lahat ng akin ay sa iyo."

Praesidia Virgo Clemens: Unang Praesidium

   Unang isinilang ang Lehiyon ni Maria sa Simbahan ng Hagonoy noong ika-6 ng Abril, 1943 sa pagbuo ng Praesidium Virgo Clemens (Birheng Maawain) bilang unang praesidium sa Parokya ni Sta. Ana. Sinimulan ito noon sa pakikipagtulungan nina Pactia Santos, Joaquina Lucas at Rafael Baltazar na nagtungo sa bayan upang ipakilala ang Lehiyon ni Maria sa mga mananampalataya ng parokya. Kasama ng mga lehiyonaryong ito ang isang seminarista na naging obispong anak-Hagonoy na si Lubhang Kgg. Pedro Natividad Bantigue na noon ay Obispo ng Diyosesis ng San Pablo, Laguna.

   Payak lamang ang mga simulain ng Praesidium Virgo Clemens na gumanap ng unang pulong sa ilalim ng puno ng acacia na matatagpuan sa kasalukuyan sa kaliwang harap na bahagi papasok ng Simbahan. Si Rdo. P. Celestino Rodriguez, Kura Paroko noon ng Sta. Ana ang nagsilbing Makadiwang Patnugot at katuwang niya rin noon si Rdo. P. Jose E. Flores.

Paglawak ng mga Praesidia

Ang altar ng Lehiyon ni Maria na siyang pangunahing imahen na nakaluklok sa bawat pulong at gawain ng lehiyon.
   Makalipas ng isang taon, isinilang isang bagong praesidium, ang Praesidium Refugium Peccatorum (Panganlungan ng mga Makasalanan) noong ika-3 ng Oktubre, 1944. Mula dito nagkasunod-sunod ang mga pagtatag ng mga praesidium sa bawat barangay sa Hagonoy. Nakatulong ng malaki sa gawaing ito ang kalungkutang dulot ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig sapagkat naging pagkakataon ito upang magkaroon ng liwanag at pag-asa at sila ay naakit na sumapi sa Lehiyon ni Maria.

   Mula dito nagkaroon ng iba't ibang praesida na naitatag sa Hagonoy:

Sto. Rosario – Regina Sacrastissimi Rosarii 
(Ika-7 ng Hulyo, 1944)
San Miguel – Rosa Mystica (Ika-16 ng Agosto, 1945)
Sagrada Familia – Foederis Arca (Ika-6 ng Enero, 1946)
Sta. Elena – Stella Maris (Ika-5 ng Hunyo, 1946)
Iba – Spes Nostra (1948)
San Jose sa bayan ng Calumpit – Sponsa Spiritu Sancti Joseph (1952)
San Juan – Mater Admirabilis (1954)
San Pascual – Vas Espirituale (1958)
San Roque – Regina Mundi (1962).

Pagkakatatag ng Hagonoy Curia

Mga kasapi ng Lehiyon sa pagdiriwang ng Kapisthan ng Koronasyon ng Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Langit at Lupa.
   Makalipas ang dalawampu't siyam na taon (29) matapos na maitatag ang unang praesidium, itinatag ang Sta. Ana Curia na nang lumaon ay naging Hagonoy Curia na may sakop mula sa San Jose, Calumpit na naging bahagi ng Bikarya ni Sta. Ana. Pinamunuan ito nina Flordeliza Perez – Pangulo, Genoveva Basco – Pangalawang Pangulo, Eugenia R. Lopez – Kalihim at Rosalina Sebastian – Ingat-Yaman. Si Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. ang nagsilbing Makadiwang Patnugot sa naitatag na curia.

   Sa pakakatatag ng Hagonoy Curia, marami pang praesidia ang sumibol sa mga barangay:

Sta. Cruz – Regina Christianorum (1973)
San Jose – Mater Amabilis (1974)
Sta. Monica – Regina Martyrum (1975)
San Pablo – Reyna ng mga Apostol (1975)
Tibaguin – Reyna ng mga Anghel (1975)
San Agustin – Ina ng Laging Saklolo (1976)
San Pedro – Pinto ng Langit (1977)
Sta. Lucia sa bayan ng Calumpit – Mater Misericordiae (1981)
San Nicolas at San Sebastian – Our Lady of the Miraculous Medal (1984)
Sto. Niño – Mother of the Infant Jesus (1985)
San Jose – Ina ng Pag-ibig (1985)
Sto. Rosario (Alanganin) – Regina Pacis (1986)
Sagrada Familia – Virgo Veneranda (1986)
Sta. Elena – Tala sa Umaga (1987)
Sta. Elena – Birheng Maawain (1988)
San Jose – Reyna ng Lehiyon (1991)
San Nicolas – Virgen ng Fatima (1992)
Sta. Cruz – Mother of Christ (1993)

   Opisyal na na naitatag ang Hagonoy Curia noong Ika-26 ng Nobyembre, 1989 at naging pamunuan naman sin Melania P. Torres – Panguno, Adelaida B. Sy – Pangalwang Pangulo, Ofelia S. Magat – Kalihim at Nieves P. Eusebio – Ingat Yaman. Ang unang Makadiwang Patnugot ay si Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. Mula sa pagkakatatag na ito, napailalam ang mga sumusunod na praesidia dito:

Mater Inviolata – Parokya ni Sta. Ana
Domus Aurea – Parokya ni Sta. Ana
Regina Carmeli – Sto. Niño
Bahay na Ginto – Sta. Monica
Salus Infirmorum – San Nicolas
Mater Christi – Sto. Rosario
Virgo Fidelis – Sto. Rosario
Biyaya ng Mahal na Birhen – San Pascual
Reyna ng Langit at Lupa – San Jose
Our Lady of Beautiful Love – Sagrada Familia
Reyna ng Misyon – Tibaguin
Luklukan ng Karunungan – San Juan
Regina Angelorum – San Miguel
Dulce Cor Mariae – San Jose sa bayan ng Calumpit
Mater Misericordiae – Sta. Lucia sa bayan ng Calumpit

Hagonoy Comitium

   Noong ika-26 ng Pebrero, 2011, naitaas ang Hagonoy Curia bilang Hagonoy Comitium na sumasakop na sa siyam (9) na parokya ng Bikarya ni Sta. Ana kabilang na ang Paombong Curia na naiugnay noong ika-20 ng Enero, 2013 matapos iugnay ang Parokya ni Santiago Apostol at ang Parokyang Misyon ng Sta. Cruz ng Paombong sa bikarya. Mula sa Hagonoy Comitium naging pamunuan sina Virginia B. Martinez – Pangulo, Zenaida S. Trillana – Pangalwang Pangulo, Ceferina C. Aure – Kalihim at Erlinda L. Payongayong – Ingat-Yaman.

   Ang Hagonoy Comitium sa kasalukuyan ay sumasakop sa siyam (9) na parokya, apat (4) na senior curiae at apat (4) na junior curiae:

I. Hagonoy Comitium bilang Curia

Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana:

Birhen ng Fatima
Birhen ng Lourdes
Birhen ng Salvacion
Birheng Mapag-ampon
Ina ng Eukaristiya
Ina ng Laging Saklolo
Ina ng Pag-ibig
Mater Amabilis
Mother of the Infant Jesus
Our Lady of the Miraculous Medal
Refugium Peccatorum
Reyna ng mga Anghel
Reyna ng mga Martir
Salus Infirmorum
Torre ni David (Kaisa-isang all-male praesidium)
Virgo Clemens

Parokya ng Ina ng Laging Saklolo

Birhen ng Consolacion


II. Hagonoy West Curia:

Parokya ni Sta. Elena

Stella Maris
Foederis Arca
Regina Sacratissimi Rosarii
Tala sa Umaga
Reyna ng mga Anghel
Reyna ng Kapayapaan
Virgo Veneranda

Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario

Birhen delos Remedios
Reyna ng Sanlibutan
Regina Christianorum
Regina Pacis
Vas Espiritualis


III. Hagonoy East Curia

Parokya ni San Antonio de Padua

Spes Nostra
Immaculate Conception
Regina Coeli
Regina Carmeli
Inang Kaibig-ibig

Parokya ni San Juan Bautista

Mater Admirabilis
Rosa Mystica

Parokya ni San Jose Manggagawa, Calumpit

Sponsa Sancti Joseph

Parokya ni Santiago Apostol

Birhen ng Consolacion
Birhen ng Fatima
Birhen ng Guadalupe
Birhen ng Lourdes
Ina ng Laging Saklolo
Maria Mediatrix
Our Lady of the Most Holy Rosary
Reyna ng Kapayapaan
Rosa Mystica
Sisidlan ng Kabanalan

Parokyang Misyon ng Sta. Cruz

Stella Maris

Ang seremonya ng pagpapalipad sa mga lobo na pinangunahan ng Lehiyon ni Maria. Magkahawak ng lobo sa larawang ito: Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C., Kura Paroko at Rektor ng Dambana at Gng. Josefina Contreras, Ka-Pangulo ng Sangguniang Pastoral ng Parokya.
Ano ang kahalagahan ng Lehiyon ni Maria?

   Ayon sa Saligang Aklat ng Lehiyon ni Maria, Ang layunin ng Lehiyon ni Maria ay ang kaluwalhatian ng Diyos at kabanalan ng mga kasapi sa pamamagitan ng panalangin at pakikiisa sa gawain ni Maria at ng Simbahang Katolika na durugin ang ulo ng ahas at palaganapin ang kaharian ni Kristo sa ilalim ng pamamatnugot ng pamunuan ng Simbahan.” (hango sa Legion Handbook sa wikang Filipino, kab. 2, p. 13 ) Mula dito, itinataas ng Lehiyon ni Maria ang isang “hukbong sandatahan” na gumagamit ng panalangin at kawanggawa bilang mga sandata sa pakikibaka sa mga kasamaan ng mundo. Naniniwala ang mga lehiyonaryo sa malaking biyaya ng Diyos at ang pagsama ni Maria sa bawat gawain. Mayroon ang bawat isa na ginagawang apat na pangunahing gawain: 1.) palagiang pagdalo sa lingguhang pulong, 2.) pagdarasa ng Catena Legionis (Magnificat – Awit ni Maria) araw-araw, 3.) pagtupag ng iniatas na apostoladong gawain at 4.) paglilihim ng mga bagay na napag-usapan sa pulong.

   Pangkaraniwang gawaing apostolado sa mga gawain ng Lehiyon ni Maria and pangangampanya para sa mga sakramento (panghihikayat para sa mga tatanggap ng sakramento), pagdamay sa lamay at pagdalaw sa paglilibing, pagdalaw sa mga maysakit, pagtutulungan para sa pagpapayabong ng samahan at kawanggawa. Lahat ng ito ay iniuugnay ng Lehiyon sa bawat Kura Paroko na matapat na sinusunod ng bawat praesidia.

   Mayroong konseho ang bawat kasapi ng Lehiyon at pababa ito sa pinakapayak na konseho. Ang Consilium ang pandaigdigang konseho na nakaluklok sa Dublin, Ireland kung saan itinatag ng Lingkod ng Diyos Frank Duff and samahan noong ika-7 ng Setyembre 1921. Ang Regia ang pamprobinsya o pandistritong konseho. Ang Comitium ay isang konseho na namumuno sa isang distrito sa loob ng isang probinsya o isang bikarya. Ang Curia ay isang konseho na namumuno sa isang bayan o isang grupo ng mga bayan. Ang Praesidium ang pinakasimpleng bilang ng grupo ng lehiyon at nakapangalan sa isang tag-uri ng Mahal na Ina.

   Ang Lehiyon ni Maria ay kinikilalang pinakamalaking samahang pansimbahan ng mga layko sa buong mundo. Mahalaga ang nasabing samahan buhat sa pagnanais nitong tumulong sa Simbahan kahit sa pasekretong paraan. Malaki ang bahagi ng pananalangin at kawanggawa sa buhay ng bawat lehiyonaryo na inaasahan sa bawat kasapi upang palakasin ang pananampalataya sa Simbahan.


Ang Lehiyon at ang Pagpapayabong ng Bokasyon sa Pagpapari

  Isa sa mga natatanging kontribusyong nagmumula sa Lehiyon ni Maria sa mga nagdaang taon ay ang pagdami ng mga bokasyon sa pagpapari sa bayan ng Hagonoy. Naiuugnay ito sa gawain ng Lehiyon ni Maria sa pagkakaroon ng mga kasapi sa Junior Curiae na nagiging pari. Marami sa mga ito ang nagmula sa kabayanan ng Hagonoy tulad nina Msgr. Jose Bernabe Aguinaldo, P.A., Msgr. Sabino Azurin Vengco, Jr., Msgr. Andres Santos Valera, atbp. Mula sa mga paring ito, nagkaroon ng pagpapahalaga sa gawain ng Lehiyon ni Maria sa Simbahan ni Sta. Ana sa Hagonoy. Ang napakalaking biyaya na ito mula sa Lehiyon ay ipinagmamalaki ng samahan at patuloy na ipinagdarasal buwan-buwan ng Hagonoy Comitium ang mga nagpapari na anak-Hagonoy mula man o hindi sa Lehiyon ni Maria.

Photo Courtesy: Legion of Mary Archives

Page 2 of 5
Please press Older Posts for Page 3.

No comments:

Post a Comment