Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG PAMPAROKYA: Cofradia dela Nuestra Señora del Santissimo Rosario


Isang samahang nakatalaga kay Maria,
Ina ng Parokya ng Sto. Rosario
at Reynang minamahal ng ating sambayanan.


   Ang Cofradia del Nuestra Señora del Santissimo Rosario ay isang samahang natatangi para at iniaalay para sa Mahal na Birheng Maria sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario sa Sto. Rosario, Hagonoy, Bulakan. Ito ay naitatag noong taong 2002 sa ilalim ng panunungkulan ng dating Kura Paroko na isa ring anak-Hagonoy, si Rdo. P. Vicente “Jay” Burayag Lina, Jr.


   Ayon kay Gng. Teresita R. Cruz, ang Laykong Lingkod na gumagabay sa samahan, ang Cofradia del Nuestra Seňora del Santissimo Rosario ay nabuo noong 2004 at naitatag ito kadahilanang wala sa maraming samahan na napapaloob sa parokya ang isang tanging samahan para sa Birhen ng Sto. Rosario. Kaya naman, naitatag ang samahan bilang pagkilala sa Mahal na Ina. Bunga nito ay lalo pang napalakas ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen. Patunay ito na ang Cofradia ay patuloy paring umiiral at nagpapatuloy sa kanilang mga gawain. Layunin din ng samahan na mamulata ang mga miyembro sa pagmamalasakit at pagtulong tulad ng ginawa ng Mahal na Birhen hindi lamang sa kasapi kundi pati na rin sa mga taong may malaking debosyon sa Mahal na Ina.

Ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario na ibinigay ni Gng. Teresita Raymundo-Cruz at Pamilya.
Ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy na nasa pangangalaga ng parokya.

   Ang samahan ay napalawig at napatatag ng bawat pulong at pagdarasal ng Rosaryo. At sa pamamagitan ng paglalabas ng imahen tuwing may pagdiriwang ay makapukaw sa bawat Katoliko ang malaking gampanin ng Birheng Maria sa kasaysayan ng kaligtasan. Sila ay nagbabalik pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng Misa sa tuwing ika-7 ng bawat buwan at tumutulong sa Kapistahan ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario tuwing ika-7 ng Oktubre. 

Photo Courtesy: El Gideon G. Raymundo (Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario) at John Andrew C. Libao (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana)

Video Courtesy: Pamparokyang Komisyon ng Pamamahayag (Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario)

No comments:

Post a Comment