Isang samahang nagsumikap
upang bumuo ng isang panata,
upang bumuo ng isang panata,
upang ipakilala ang mga Banal ng Sto. Rosario
mga huwarang tutularan sa habang panahon.
mga huwarang tutularan sa habang panahon.
Si
Maria ang huwaran ng mga layko na naghihikayat na tayo'y maging banal
sa pamumuhay katulad ng mga Banal ng Sto. Rosario na natagpuan ang
kaligtasan sa kanilang pagdedebosyon sa mga Mahal na Birhen ng Sto.
Rosario.
Pinasimulan ang prusisyon ni Maria at ng mga Banal ng Sto. Rosario sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario noong 2011. Ito ay pinasimulan sa panunungkulan ni Rdo. P. Quirico L. Cruz bilang paggunit at pagbibigay-galang sa mga santong nagkaroon ng malaking debosyon sa Mahal na Birhen ng Sto. Rosario.
Pinasimulan ang prusisyon ni Maria at ng mga Banal ng Sto. Rosario sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario noong 2011. Ito ay pinasimulan sa panunungkulan ni Rdo. P. Quirico L. Cruz bilang paggunit at pagbibigay-galang sa mga santong nagkaroon ng malaking debosyon sa Mahal na Birhen ng Sto. Rosario.
Bago
pa man ito pormal na napasimulan ay napag-usapan na magkaroon ng
pagdiriwang sa paggunita sa mga santong deboto sa Mahal na Birhen ng
Sto. Rosario. Nauna dito ang pagsama nina Sto. Domingo de Guzman at
Sta. Catalina de Siena sa maringal na pagpruprusisyon sa kapistahan
ng parokya tuwing buwan ng Oktubre. Ang dalawang santong ito ang
orihinal na kasama sa imahen ni Maria bilang Birhen ng Pompeii sa
Italya na orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo
Rosario.
Ang ilan sa mga imahen na kasama sa taunang prusisyon sa karangalan ng mga Banal ng Sto. Rosario. |
Sa
simula ng pagdiriwang, nagkaroon ng ideyang tulad ng pagdiriwang sa
prusisyon sa ngalan ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La
Naval de Manila sa Lungsod ng Quezon na hawak ng mga Dominikano. Mula
dito, nabansagan ang Sto. Rosario bilang “La Naval de Hagonoy”
buhat napasimulang pagdiriwang na ito. Mula sa pagdiriwang din na ito
nabuo ang samahan ng mga tagapangalaga ng iba't ibang mga santong
deboto. Ngunit hindi ginamit ang tag-uring ito sa mismong birhen
dahil ang Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy ang
nananatiling imaheng patrona sa parokya sapagkat nasa parokya na ito
simula pa noong ika-18 siglo na kaloob ng Pamilya Raymundo ng Sta.
Cruz, Hagonoy. Ang Virgen Festejada na ito ang siyang naging imaheng
itinatampok simula nang ginanap ang pagdiriwang.
Ilan sa mga pangunahing imahen na iprinuprusisyon tuwing Prusisyon ng mga Banal ng Sto. Rosario: si Papa San Juan Pablo II (itaas) na siyang Papa ng Sto. Rosario at si San Jose, ang Esposo ni Maria. |
Noong
binubuo ang konseptong ito, 10 camarero ang nangako na magtataguyod
sa nasabing pagdiriwang. Mula sa tatlong imahen ng Mahal na Ina, Sto.
Domingo de Guzman at Sta. Catalina de Siena, nadagdagan ito hanggang
sa dumami ang mga imaheng tulad nina San Lorenzo Ruiz de Manila, Papa
San Juan Pablo II at San Francisco de Asis. Mula sa sampung imahen,
nagkaroon na ng 26 na imahen na sumama sa pagdiriwang na ito sa mga
darating na taon ayon kay G. Erwin G. Capati, Pangulo ng samahan.
Nawa'y
tulad ng mga Banal ng Sto. Rosario patuloy na maging kabahagi tayong
mga layko at maging mga huwaran ng isa't isa at mag-akayan sa
landasin ng pagiging sambayanang laging nananalig sa Panginoong ating
Diyos.
Photo Courtesy: John Andrew C. Libao (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana) at El Gideon G. Raymundo (Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario)
Video Courtesy: Pamparokyang Komisyon ng Pamamahayag (Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario)
No comments:
Post a Comment