Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG KINIKILALA: Daughters of Mary Immaculate: Sta. Ana Circle


Isang samahang nakatalaga,
upang maging kapareha ng mga caballerong kalalakihan
sa pagtulong sa mga kabataan at sa Simbahan ang tungkuling ginagawa.


   Ang Daughters of Mary Immaculate International ay nagsimula sa New Haven, Connecticut sa Estados Unidos sa pangalang “Daughters of Isabela”. Noong Mayo 24, 1951, nabuo ang unang circle (unit) sa Pilipinas at mula nuon ay dumami na ang mga circle (unit) ng Daughters of Isabela. Ang mga kasapi ay ang mga maybahay ng mga kalalakihang kasapi ng Knights of Columbus (KC), tinawag silang KC Ladies Auxiliary Association. Sa isang malawakang pagpupulong na pinangunahan ng yumaong Jaime L. Cardinal Sin nuong Abril 29-30, 1978 na ginanap sa Antipolo, Rizal pinagpasyahan na ang Philippine Daughters of Isabela ay mapalitan ng pangalan- Daughters of Mary Immaculate o DMI. Ilang taon ang nagdaan, ang DMI circles ay na-organisa sa New Jersey at Los Angeles sa Estados Unidos at sa Sydney Australia, kaya’t tinamo nito ang “international identity”.

   Sa Hagonoy naman, naitatag ang Daughter of Mary Immaculate tulad ng nakagawiang uri ng kasapian na mga maybahay ng mga kasapi ng KC ang mga dapat maging kasapi. Noong taong 2009, nagkaroon ng pagkakataon ang manunulat na ito, na maging rehente ng samahang ito. Sa pagtakbo ng samahang ito sa kasalukuyang panahon, unti-unting nawala ang orihinal na ayos ng KC Ladies Auxilary Association. Marami sa mga unang kasapi ng samahan ang yumao na buhat sa katandaan. May mga kasapi pa rin sa Sta. Ana Circle ngunit hindi lahat ay maybahay ng KC kundi mga kababaihang deboto ni Maria na handang tumulong sa mga gawain ng parokya.

Isa sa mga lumang larawan ng Daughter of Mary Immaculate - Sta. Ana Circle na kilala noon bilang KC Ladies Auxiliary Association.

   Sa mga nagdaan panahon, pinanatili ng DMI ang pag-aalaga sa isang day care center na makikita sa harap ng St. Anne's Catholic School (SACS) bilang gampanin ng samahang ito sa parokya. Bukod dito kasama sa mga gawain ng DMI ang buwanang pamisa ng pasasalamat at mga buwanang pulong tuwing ikatlong linggo ng buwan. Dahil sa pangangalaga ng samahan ng isang day care center, namimigay ang samahang ng mga paggmit pangeskuwela at nagkakaroon din ng mga kagamitang pampaaralan na ipinamimigay sa mga kabataang mahihirap na pumapasok sa mga pampublikong paaralan. Nagkakaroon din ng mga Ang pondo para dito ay unti-unting iniipon ng samahan upang makabuo ng pagtulong sa kapwa. Ang mga pondo ng samahang ito ay ginagamit din upang suportahan ang “Pondo ng Pinoy” na pondong pangkawanggawa sa Luzon kung saan kasapi ang Diyosesis ng Malolos. Nagiging tungkulin din ng samahan ang pagdalaw sa mga maysakit na kasapi at mga nasa ospital. At sa huli, pinagsusumikapan ng samahan na maglathala ng bawat ikaapat na buwan (quarterly) ng isang newsletter, ang Balitang DMI.

Isang larawan ng mga kasalukuyang kasapi ng DMI - Sta. Ana Circle.

   Sa harap ng mga pagsubok sa samahan, nagkakaroon pa rin ng kaganapan mula sa biyaya ng Diyos at sa tulong ng Birheng Maria. Sa pag-iral ng samahang ito, buong nais ng samahan na magkaroon ng patuloy na paglago nito.

Photo Courtesy: Teresita S. Balatbat (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana)

No comments:

Post a Comment