Isang natatanging samahan ng mga tagapagdulot,
tungkulin ay ihatid si Kristo sa Banal na Eukaristiya
sa bawat sulok ng parokya at tumulong sa
Banal na Pagdiriwang
sa bawat sulok ng parokya at tumulong sa
Banal na Pagdiriwang
Ang
parokya ng Sta.Cruz sa bayan ng Paombong ay matatagpuan sa isang
mala-islang lugar na may kalayuan sa bayan. Ang lugar na ito ay
maituturing na lugar na pinagpala sapagkat ito ay napiling maging
isang pangmisyong parokya ng Diyosesis.
Mga kasapi ng LM na masugid na nagbabantay sa Santissimo Sacramento habang iprinuprusisyon sa ilog. |
Isla
itong maituturing sapagkat ito ay naliligid ng katubigan, mga sasahan
na pinagkukunan ng tuba at suka, gayundin ng pawid at mga bakawang na
nagsisilbing pangitlugan ng mga isda. Pangingisda ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga tao rito. Ilan sa kanilang mga gawain ay
pamamaklad, pagtatalaba at pamamalaisdaan.
Hindi
pa man nagbubukang-liwayway ay gising na at abala na ang mga tao
upang may maipakain sila sa kanilang pamilya. Sa kabila ng
kaabalahanang ito ay may panahon pa rin sila sa pagsisimba at
pakikibahagi sa mga gawaing pansimbahan. Marahil ito na rin ang
nagbunsod sa mga kura paroko ng parokya mula kina Rdo. P. Joselito
Cruz, Rdo. P. Jimmy Malanum, Rdo. P. Jun Manalo, Rdo. P. Benny
Justiniano, Rdo. P. Angel Santiago, Rdo. P. Carlo Soro, Rdo. P. Ron
Cristobal at ng kasalukuyang kura ng parokya na si Rdo. P. Leopoldo
Evangelista III upang gawin at bigyang-katuparan ang isa sa mga aral
ng ating Panginoon sa kanyang mga Apostol na “Halina, mamalakaya
kayo ng tao”. Mula sa mga katagang ito nagsimula silang mangalap ng
mga taong kanilang makakatuwang sa pagpapalaganap ng aral ng Diyos.
Hinimok nila at binigyan ng pagkakataon ang mga kalalakihan sa lugar
na makibahagi at maging lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging
mga Lay Ministers. Ang nasabing organisasyon ay binigyang pangalan ng
kura at nakilala sa tawag na EXTRAORDINARY MINISTERS OF THE HOLY
COMMUNION. Ang kalalakihang napiling maglingkod ay mula sa
iba’t-ibang katayuan sa buhay.
Ang pagbabantay ng mga LM sa pagpunta ng Santissimo Sacramento hanggang sa Simbahang Parokya ng Sta. Cruz. |
Ang
ilan sa kanila ay namamalaisdaan, mamamaklad, bangkero at mga bantay
palaisdaan. Isang napakalaking hamon ito para sa kanila sapagkat
malaki ang kaibahan ng gampanin nila sa uri ng pamumuhay na kanilang
kinagawian. Ito ay isang malaking patunay na kahit sino ay maaaring
tawagin ng Panginoon at maglingkod sa kanya nang pasubali, sapagkat
ang tumatalima ay pinagpapala.
Photo Courtesy: Rosalie C. San Juan (Parokyang Misyon ng Sta. Cruz)
No comments:
Post a Comment