Pamana ng mga prayleng Agustino,
samahan ng mga laykong aktibo sa debosyon
suot-suot ang correa na tanda'y panata
sa pagdulog sa gawain ni Maria.
Kasaysayan
ng “Cofradia de la Nuestra Señora de Consolacion y Correa” at
Kanyang mga Ari-Ariansuot-suot ang correa na tanda'y panata
sa pagdulog sa gawain ni Maria.
(1650-1700)
Naitatag
sa Parokya ni Santiago Apostol ng Paombong ang kapatiran ng Cofradia
de la Nuestra Señora de Consolacion y Correa
ng mga prayleng Agustino, sa mga maginoo ng bayan na kung tawagin ay
mga DIPUTADOS
AT AGUSTINAS.
Upang makiita ang ilang larawan ng Cofradia at malaman ang tungkol sa debosyon sa Mahal na Birhen, tignan lamang ang link na ito.
Buwan
ng Setyembre, taong 1700, ang imahen o larawan ng Nuestra Señora de
Consolacion y Correa na yari sa garing ang mukha at ang mga kamay
nito ay galing sa Espanya. Simula sa nabanggit tna aon, ang kapatiran
ay nagsumikap na magkaroon ng mga ari-arian upang sila’y magkaroon
ng magagamit sa kanilang mga gugulin.
1700-1780
Ang
kauna-unahang pag-aari ng Cofradia ay ang 125 hektaryang sasahan na
nabili kay Don Juan Capulong, kauna-unahang Hermano Mayor. Noong
taong 1779, pinatibayan nina Don Pedro Galvez, Hermano Mayor, Don
Juan Suanco de Guzman, nanunungkulang Gobernadorcillo sa bayan, at si
Don Sebastian Garcia na escribano, ang pagkabili ng lupang ari-arian
ni Don Juan Capulong at kanyang mga tagapagmana, sapagkat ang unang
kasulatan ay kinain ng anay sa kaban ng Cofradia.
1780-1895
Nagkaroon
ng mga donasyong mga sasahan at bukid at ang mga iba'y nabili sa
kanilang mga kapatid sa Cofradia. Taong 1895 ang mga ari-ariang lupa
ay pinatubuan ni Padre Francisco Renado y Rodriguez, sa pangalan ng
Cofradia Nuestra Señora Dela Correa. Ito ay binubuo ng 180
hektaryang sasahan (ngayon ay palaisdaan), 20 hektaryang palayan at
apat na hektaryang sasahan sa ilalim ng pamamahala ng mga Diputados
at Agustinas sa pamumuno ng Hermano Mayor.
1895-1914
Nagkaroon
ng pag-aalsa ang mga Pilipino laban sa mga Kastila kaya’t itinago
ng Hermano Mayor ang mga kasulatan at titulo ng mga lupang ari-arian
ng mga Cofradia. Noong taong 1914, sa pamumuno ng Arsobispo Jeremias
J. Harty ay muling pinatituluhan ang mga lupa sa ilalim ng
administrador o pamamahala ng Kura Paroko. Nang sumiklab ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga titulo ng lupa ay hiniling ng
Arsobispo Rufino J. Santos, D.D. upang itago at nang mapag-ingatan sa
ilalim ng Kura Padre Pedro Ignacio at patuloy din ang pamamahala ng
Kura at pagtanggap ng kaukulang buwis at sila ang nagdedeposito sa
Obras Pias.
Mga
Agustinas
(1971)
Gng.
Agripina G. Reyes Pangulo
Gng.
Maria Udith Sera Josef Pang. Pangulo
Gng.
Purificacion E. Gonzales Ingat Yaman
Bb.
Victoria Villanueva Kalihim
Pamunuan
(1971)
G.
Benjamin Flores Pangulo
G.
Jose G. Marasigan Pan. Pangulo
G.
Conrado T. Alfaro Ingat-Yaman
G.
Domingo A. Reyes Kalihim
Pamunuan
(2010 hanggang kasalukuyan)
Gng.
Zenaida Delos Reyes Pangulo
Gng.
Visitacion E. Reyes Pang. Pangulo
Bb.
Teresita B. Calayag Kalihim
Gng.
Eugenia C. Pascual Ingat Yaman / Councelor
Gng.
Nida V. Basaysay Councelor / Liturgy
Gng.
Cresencia C. Lindayag Councelor / Formation
Msgr.
Epitacio V. Castro Makadiwang Patnugot
Patuloy
ang pagpupulong ng Cofradia ng Nuestra Señora de Consolacion y
Correa tuwing unang Linggo ng buwan matapos ang Misa tuwing ika-6:00
ng umaga. Tinatalakay dito ang landas ng buhay ni San Agustin, at
kung paano sa sariling pamamaraan ng mga kasaping layko ay maisagawa
at maisabuhay ang gampanin ng Nuestra Señora Consolacion y Correa.
Dumadalo ang
pamunuan sa quarterly
meeting ng
CNSCC sa Marilao kung saan kasalukuyang nakadestino ang Makadiwang
Patnugot ay si Rdo. P. Francis Cortez III, OSA (Third
Order).
Nakikiisa ang CNSCC Paombong Unit sa mga gampanin sa San Agustin
Church & Shrine sa Intramuros, Manila tuwing ika-apat ng
Setyembre sa Kapistahan ng Nuestra Señora Consolacion y Correa at
sumasama sa Grand Marian Procession tuwing unang Linggo ng Disyembre.
Nuestra
Señora Consolacion y Correa….Patnubayan Mo po kami!
Page 3 of 5
Please press Older Posts for Page 4.
No comments:
Post a Comment