Isang samahang inatasan,
na maging masugid na tagapagturo sa Simbahan.
Bilang mga natatanging tagapagpahayag ng doktrina,
nakatuon sa mga parokyano sa pananampalataya.
nakatuon sa mga parokyano sa pananampalataya.
Ang
PASKA ay isang kilusang pansimbahan na nasa ilalim ng Komisyon ng
Paghubog ng Diyosesis ng Malolos, ayon sa Balangkas ng Organisasyong
Pandiyosesis na pinagtibay ni Lubhang Kgg. Cirilo R. Almario, Jr.
D.D., Obispo ng Malolos at ng Kapulungan ng mga Pari noong Pebrero
1974, halos 37 na taon na ngayon ang nakaraan nang isusog noon ng
Senado ng Kaparian ang pagkakaroon ng pangkalahatang mangangasiwa sa
apostoladong katekesis sa Diyosesis. Ito ay upang higit na mapagbuti
at mapatatag ang pagtuturo ng pananampalataya. Ang dating Katulong na
Obispo ng Malolos, Lubhang Kgg. Ricardo Vidal,D.D. ang siyang naging
kauna-unahang Makdiwang Patnugot. Makaraan ang tatlong (3) taon,
nalipat ang posisyong ito kay Rdo. P. Aurelio Joaquin na kung saan
ang pangkalahatang sentrong pampangasiwang kateketikal ay tinawag na
“PASKA” (PANDIYOSESIS NA SENTRO NG KATEKESIS) at naitalaga ang
Disyembre 20,1974 bilang opisyal na araw ng pagkakatatag.
Ang pagbabasbas ng mga kasapi ng Pandiyosesis na Sentro ng Katekesis o PASKA na nasa Parokya ni Sta. Elena Emperatriz sa pangunguna ng Kura Paroko, Rdo. P. Jaime B. Malanum. |
Ang
mga unang taon ng PASKA ay lubhang naging mabunga at maunlad kaysa
inaasahan lalo pa nga at ito ay nagsisimula pa lamang sa
pagpapalakas. Kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng Komisyon ng
Paghubog sa pangunguna ni Rdo. P. Prospero V. Tenorio. Mayroon din
itong sariling Makadiwang Patnugot sa katauhan ni Rdo. P. Angelito
Caliwag. Kasama din naman sa mga tumutulong sa samahang ito ay ang
Religious
Catechists of Mary (RCM)
na isang kongregasyon ng mga madre sa Diyosesis na itinalagang
tumulong sa mga katekista.
Ang pagbisita ng mga kasapi ng PASKA-Sta. Elena sa isa sa mga unang katekista ng parokya. |
Sa Parokya
ni Sta. Elena, taong 1997 nang magkaroon ng ganitong samahan
magpasa-hanggang ngayon ito ay buhay. Sa kasalukuyan may roon
dalawamput-lima (25) silang miyembro, sa parokya at sa mga visita,
labing walo (18) taong gulang ang pinakabata at animnapu’t lima
(65) taong gulang ang pinaka matanda. Pinamunuan ng samahan ang
iba’t-ibang mga gawain sa parokya tulad ng Unang Komunyon, Grade
3 and Parents Recollection,
Fund
Raising
para sa kanilang pondo, Dental
Mission
at marami pang iba. Tuwing ikatlong Linggo ng buwan araw ng
Miyerkules ang kanilang pulong at tuwing Martes naman ang araw ng
kanilang pagtuturo sa ganap na hapon.
Panayam
sa PASKA-Sta. Elena
Q:
Nagtagal na po ang samahang pansimbahan sa loob ng 17 taon. Ano po
ang masasabi ninyong sikretong taglay sa patuloy na pag-iral ng
inyong samahan?
A:
Ang PASKA sa Parokya ni
Sta. Elena ay nagsimula noong taong 1997, ito ay humigit kumulang
labing pitong taon na nga. Ang dahilan kung bakit patuloy ang
pag-iral ng samahan ay dahil sa mga batang nangangailangan ng
kaalamang espiritwal, mga batang nakikinig sa aming mga turo. Ang mga
bata ang sikretong taglay at inspirasyon ng bawat mga katekista, sila
ang nagbibigay lakas para patuloy kaming maglingkod.
Q:
Paano po ba napapalakas
ng mga hamon ang patuloy na pagtawag ng paglilingkod na buhay ng
debosyon para sa inyong apostolado sa Simbahan?
A:
Ang
mga hamon ang nagsisilbi at nagbibigay ng kalakasan sa patuloy na
pagtawag ng paglilingkod.
Q:
Sa inyong palagay,
patuloy nga po ba ang pagyabong o unti-unti pong nalalanta ang iba sa
inyong kapisanan? Anu-ano po bang mga hakbang ang inyong
pinagsusumikapang gawin sa pagtugon dito?
A:
Sa aking palagay hindi
lahat ng Katekista ay patuloy sa pagyabong o paglilingkod. May iba
na ang katwiran ay alam na yon kaya hindi na dumadalo sa pagsasanay.
Ang ilan naman ang dahilan ay may edad na sila. Pero mas
nakalalamangang ang katekistang gustong pagyabungin ang kaalaman.
Hindi natin masasklawan ang isipan at damdamin ng ibang mga kasapi.
Patuloy ang aming paanyaya sa kanila upang paunlarin at linangin ang
kanilang kaisipan at kakayahan.
Q:
Sa inyo pong karanasan,
ano po bang meron sa ispiritwalidad, apostolado at gawain ng
samahang inyong kinabibilangan na nagpapalakas sa inyong
pananampalataya at paglilingkod sa Simbahan?
A: Ang patuloy na paghubog ng kagandahang asal ng mga bata, pag-aaral, pakikinig at ang magbahagi ng Salita ng Diyos.
Q:
Ano pong mensahe ang
inyong maibibigay para sa inyong kapwa-kasapi sa inyong samahan pati
na rin sa mga kabataan na nagnanais maging aktibo sa paglilingkod sa
Simbahan?
A:
Ang
dapat nating pakatandaan ang una nating dapat pag-aralan upang maging
isang mabuting lingkod ay ang pagiging maunawain, maging matyaga at
maglingkod ng walang hinihinging kapalit.
Ang opisyal na larawan ng PASKA-Sta. Elena kasama ang Kura Paroko na si Rdo. P. Jaime B. Malanum at mga tagapayo mula sa Religious Catechists of Mary (RCM). |
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parokya ni Sta. Elena Emperatriz)
No comments:
Post a Comment