Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

MINISTERYO: Sta. Elena Parish Youth Choir


Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong, lubos.

Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko’y payapang batisan
Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.

Madilim na lambak man ang tatahakin ko
Wala aking sindak, Siya’y kasama ko
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay
Tangan niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko.
…akong lubo-os.

   Isa ang salmon ito sa mga awitin pansimbahan na madalas na inaawit ng Sta. Elena Parish Youth Choir (SEPYC) na patuloy na nagpupuri at nagpapasalamat sa Poong maykapal. Nagsimula ang samahang ito noong 1980 sa pangunguna ni Concepcion Reyes. Ito ay may dalawangput-limang miyembrong kasapi noon una itong nagtipon. Ito ay kinabibilangan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya.

Mga kasapi ng Sta. Elena Parish Youth Choir (SEPYC) na kasama si Rdo. P. Efren G. Basco na dating Kura Paroko ng Parokya ni Sta. Elena Emperatriz.
   Ang samahan ito ay nangunguna sa pag-awit tuwing ikalawang misa sa araw ng Panginoon at sa iba’t ibang programa na may kinalaman sa Simbahan. Tulad ng pagtatanghal tuwing sasapit ang kapistahan ng aming mahal na patronang si Apo Elena. Kasalukuyan, patuloy pa rin itong itinataguyod ng mga kabataan ng parokya na gumagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapalakas ng debosyon sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pagdiriwang at pagtulong sa mga gawain ng parokya.

Ang mga kasapi ng SEPYC sa isang outreach program para sa mga mahihirap sa parokya na ginanap sa pakikipagtulungan sa Komisyon ng Ugnayang Pagkilos.
   Mula kay Gng. Reys na pinuno ng nasabing samahan, nabuo ang sumusunod na panayam:

Q. Nagtagal na po ang samahang pansimbahan sa loob ng 34 taon. Ano po ang masasabi ninyo sikretong taglay sa patuloy na pag papa-iral ng inyong samahan ?

A. Ang Sta. Elena Parish Youth Choir choir ( SEPYC) ay mayroong magandang samahan, may pagmamahalan at may magandang pamumuno kung kaya ito ay nagkaroon ng limang pangkat simula nang nabuo itong samahan noong 1980 hanggang sa kasalukuyan.

Q. Paano po nagpapalakas ng mga hamon ang patuloy na pagtawag ng paglilingkod na buhat ng debosyon para sa inyong apostolado sa simbahan?

A. Hindi kami naririto dahil gusto lang namin. May mga talentong ibinigay sa bawat kasapi nito na kailangang maibahagi ito at maipakita hindi lamang sa pagkanta kundi matutong magbahagi sa kapwa gumawa ng mga mabubuting programa at higit sa lahat yung maipadama ang tunay na kahulugan ng mga awiting dapat isabuhay.

Q. Sa inyong palagay, patuloy nga po ba ang pagyabong o unti –unti pong nalalanta ang iba sa inyong kapisanan? Anu-ano po bang mga hakbang ang inyong pinagsusumikapang gawin sa pag tugon dito?

A. Oo, patuloy ang pagyabong ng aming samahanm, sapagkat kahit may mga miyembrong umaalis, napapalitan naman kaagad. May mga bagong kabataan na nais at patuloy na maglingkod sa Simbahan.

Q. Sa inyo pong karanasan, ano po bang meron sa ispiritwalidad, apostolado at gawain ng samahang inyong kinabibilangan na nagpapalakas sa inyong pananampalataya at paglilingkod sa Simbahan?

A. Yung umawit ka ng buong puso at sa bawat awit na binibigkas mo ay alam mong tumimo sa puso at isip ng bawat mananampalataya.

Q. Ano pong mensahe ang inyong maibibigay para sa inyong kapwa kasapi sa inyong samahan pati na rin sa mga kabataan na nagnanais maging aktibo sa paglilingkod sa Simbahan?

A. Unang-una alam mong doon ka nilagay ng Diyos at alam mong ito ay responsibilidad mo sa Kanyang tahanan. Dito makikita ang isang lupon na nagpapalaganap ng kabutihan at pinagsusumikapang isabuhay ang Salita ng Diyos. Dapat walang mataas at walang mababa sa bawat miyembro ng samahan, lahat ay pantay pantay at dapat handa kang making sa opinion ng bawat isa. Dapat ituon ang gawain sa oras ng pagsamba. Mararamdaman mong walang kwenta ang pagkanta kung ito ay hindi bukal sa iyong kalooban at dapat ito ay bukal sa iyong puso at isipan. Maglingkod at patuloy na magpuri sa Diyos at huwag gawing pakitang tao lamang.

   Sa aking pagsasaliksik nararamdaman ko ang tunay na debosyon ni Concepcion Reyes na namumuno sa SEPYC. Pinilit niyang maging matatag ang samahang kanyang pinamumunuan. Tunay ngang ang pagmamahal sa gawin ang siyang magiging pundasyon upang manatili itong buhay at kapakipakinabang sa Simbahan. Ang paglilingkod na may kasamang pagdarasal na siyang sandata para sa para sa mga tao na gustong magpabagsak sa isang samahan.

Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parokya ni Sta. Elena Emperatriz)

No comments:

Post a Comment