Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG PAMPAROKYA: Hermandad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy



Isang panatang debosyon, 
mula sa mga camarero, naging pagtugon.
Sa ngalan ni Mariang Ina at Reyna,
pagtulong at pagpapalakas ng pananampalataya
sa Simbahan ang misyon.


   Ang Hermandad de la Asociada y Flores de Maria de Hagonoy ay nagsimula noong kalagitnaan ng Mayo, taon 2003 sa pangunguna ng apat (4) na Fundadores na sina Amador “Adie” Reyes ng San Agustin, Ronaldo “Ronald” Santos ng San Jose, Jose Paulo “Aypee” Espinosa ng San Jose at Crisanto “Bhong” Morales ng San Sebastian sa pakikipagtulungan ni Rdo. Padre Vicente “Jay” Lina, Jr. na siyang Makadiwang Patnugot ng samahan na muling ibalik ang matandang tradisyon sa bayan ng Hagonoy tuwing sasapit ang Buwan ng Mayo. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng isang simpleng pagtatanghal ng iba’t – ibang imahen ng Mahal na Birhen (Marian Exhibit) sa isang maliit na bahagi ng simbahan sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana at kasabay na ito ang pinakalundo ng pagdiriwang ang kauna – unahang Grand Marian Procession Hagonoy noon din taon yaon na tumayo bilang Hermana de Honor si Gng. Norie Ople na dating Unang Ginang ng Bayan ng Hagonoy at kinatawan ng Hagonoy Tourism noon taon din yaon. Humigit kumulang na dalawapu’t apat (24) na caroza ang matagumpay na nagsilakad sa pangunahin lansangan ng kabayanan ng Hagonoy at ang antigong imahe ng Nuestra Señora de la Purisima Concepcion de la Asociada ang patrona ng mga samahan at kilusan pangsimbahan; na sa pagmamay ari ng Familia Tanjangco at nasa pangangalaga ni Rdo. P. Jay Lina ang Virgen Festejada.

Mga kasapi ng Hermandad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy sa harap ng Retablo Mayor ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana.
   Sa pagdaan ng maraming taon, ito’y nagpatuloy at lumago na sa kasalukuyan ay may humigit kumulang na apatnapu (40) kasapi na may ibat – ibang Imahen at titulo ng Mahal na Birhen Maria at ibang pa imahe na may kaugnayan sa buhay ng Mahal na Ina tulad nina San Joaquin at Sta. Ana; ang mga magulang ng Mahal na Birhen, ni San Jose ang kanyang kabiyak na puso at higit sa lahat ang Batang Jesus o Sto. Niño de Hagonoy na sa pangangalaga ng Familia Carpio.

Ilang kasapi ng Hermandad dela Asociada kasama sa isang nagdaang Marian Exhibit na ginaganap tuwing buwan ng Mayo sa bulwagan ng Pambansang Dambana ni Sta. Ana.
   Kaugnay nito, nagdadaos din ng mga iba’t – ibang pagdiriwang sa larangan ng kawang gawa sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo sa mga nakatatanda sa atin Parokya na may libreng gupit at pag aalay ng ilang bagay na kanilang mapapakinabangan, mayroon din pagkakataon na dumalaw ang nasabing Samahan na magtungo sa “Tahanan Mapagpala”, isang ampunan na pinangangalagaan ng Sisters of the Divine Shepherd o SDS sa Lugam sa Lungsod ng Malolos upang magsagawa ng tulong sa mga nangangailangan. Napaloob din ang samahan sa pagbibigay ng libreng pagkain at ininumin noon nakaraang taon sa pagdiriwang ng pagbabantay sa Santissimo Sakramento araw ng Huwebes Santo.

Mga kasapi ng Hermandad dela Asociada sa tahanan ng isa sa kanilang mga kasapi.
   Hindi lamang sa mga eksibit at mga prusisyon nabibilang ang mga kasapi ng Hermandad, naging aktibo ang mga ito sa mga iba’t – ibang aktibidad, programa at pagdiriwang sa Parokya upang mapalalim ang kanilang debosyon o pamimintuho sa Mahal na Birhen Maria tulad ng pagdalo tuwing Unang Sabado ng Buwan na siyang nakalaan na araw ng debosyon sa Mahal na Ina, maging sa paglahok sa mga Marian Pilgrimage at Marian Events sa ibang lugar, naging punong abala din ang mga kasapi sa pagsasaayos ng altar ng parokya sa tuwing sasapit ang taunang kapistahan ng Mahal na Patronang Apo Ana.

Mga kasapi ng Hermnadad dela Asociada kasama ang Kura Paroko at Rektor ng Dambana na si Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C. sa harapan ng Simbahan. Mapapansin ang mga antigong pintuan ng Simbahan ni Sta. Ana sa likuran ng grupo.

   Sa pagpapalalim ng buhay ispirituwal ng mga bawat kasapi nito ay kinilala ang Samahan sa loob ng parokya sa kanilang patuloy na pagpupunyagi at pagsusumikap na kilalanin ang malalim na pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng pamimintuho sa Mahal na Birhen Maria, ang Virgen dela Asociada!!!

Kuha noong nagdaang Christmas party ng mga kasapi ng Hermandad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy.

Photo Courtesy: 
Frederick L. Fabian at Ronald M. Santos (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana)

No comments:

Post a Comment