Isang kilusang nagpapalakas,
sa buhay mag-asawang wagas.
sa buhay mag-asawang wagas.
Ang
Marriage Encounter at Kanyang mga Programa
Bahagi
ang Marriage Encounter (ME) bilang isang samahang pansimbahan na
umiiral sa ilalamin ng Komisyon ng Pamilya at Buhay ng parokya. Ito
ay isang komunidad ng mga mag-aasawa na naglalayong gabayan ang mga
magulang sa mabuting pagpapalaki sa mga bata sa loob ng pamilya ayon
sa turo at mabuting asal ng Simbahan at kaalinsabay ng pagpapatatag
sa mga mag-asawa sa kanilang pagtupad sa mga sumpang kanilang
ipinangako sa loob ng Sakramento ng Matrimonyo.
Taliwas
sa pananaw ng nakararami, hindi lamang ito nakasentro sa mga
mag-aasawa sa parokya, bagkus ito ay nakasentro sa pamilya. Kaya
naman maituturing na lahat tayo ay kabahagi sa organisasyong ito
sapagkat bawat mananampalataya ay bahagi at galing sa isang pamilya.
Ilan
sa mga mahahalaga at konkretong programa ng samahan ay ang pagbibigay
ng Pre-Cana
Seminar
sa mga layko na nagpasyang magpakasal sa simbahan. Ito ay upang
maihanda ang mga mananampalataya na sa kanilang pagdulog sa
Sakramento ng Kasal sila may sapat na kaalaman sa buhay mag-asawa na
kanilang susuungin. Bukod dito sila sin ay may Post-Cana
Program
na kinapapalooban ng mismo ng ME Catholic Community kaalinsabay din
ang pagsasagawa ng “Tipanan, Ugnayan, Mater Dei, Couples
for Christ,
PROLIFE
Movement
at iba pang covenanted
programs
sa ilalim ng Commission on Family and Life (CFL) .
Sa
kasalukuyan ang masiglang pamumuno ng ME sa Parokya ng Ina ng Laging
Saklolo ay pinangungunahan nila G. Omar at Engr. Marina Sarmiento.
Sina G. Omar ang Gng. Marina Sarmiento, mga pangkasalukuyang tagapagtaguyod ng Marriage Encounter sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo. |
Kasaysayan
ng Marriage Encounter sa Parokya
Simula
ng balangkasin ang istratura ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
bilang pinakabatang parokya sa Bikarya ng Sta. Ana, naitatag ang
Komisyon ng Pamilya at Buhay noong 1998. Sa pamamatnubay ni Rdo. P.
Paul Samuel M. Suñga, sinumulan ang “Tipanan” na siyang naglatag
ng panulukang pundasyon ng mga programang pam-parokya ukol sa mga
mag-asawa . Ang pamumuno sa komisyon ay nagpasalinsalin . Sa pagdaan
ng panahon ang Tipanan ay matagumpay na nakapagtaguyod ng 17
pa-klase. Subalit sa ilang mga kadahilanan, dahan-dahang nanamlay
ang samahan. Subalit ang pamamahinga ay panadalian lamang, ito pala
ay naganap para bigyang daan lamang ang isang pagpapanibago ,
pagpapanibagong magbibigay daan para sa isang mas maalab na programa
para sa mga mag-asawa. At simula nga nitong 2012 sa ilalim ng
pamumuno ni Rdo. P. Norberto F. Ventura , nahalal sa pamunuang CFL
ang mag-asawang Omar at Marina Sarmiento na siyang nagbigay ng
reporma sa komisyon. Sa kanilang panahon pormal na naitatag ang
Marriage Encounter ng Ina ng Laging Saklolo na sa kasalukuyan ay
mayron ng apat na paklase o batch na mayroong kabuuang bilang na 78
mag-asawa.
Kwento
ng Pagtawag
Sa
kabila ng kasiglahan ng ME sa parokya , nakakatuwa ring silipin ang
mga kwento ng inspirasyon kung paano tinatawag ng Diyos ang mga
mag-aasawa sa loob ng komunidad na ito. Isa na nga rito ang kwento
mismo ng kanilang taga pamuno na sina G. at Gng. Sarimiento. Ayon sa
kanila, noong una ay marami nang kumukumbinsi sa kanila na maging
miyembro ng samahan na buhat pa sa mga katrabaho ni Engr. Marina
Sarmiento sa Munisipyo ng Hagonoy na miyembro din ng Santa
Ana Marriage Encounter Catholic Community
(SAMECC) at Sto.
Rosario Marriage Encounter
(SOROMAE) subalit silang mag-asawa ay patuloy na tumatangi hanggang
sa napilitan din silang sumapi sa samahan subalit hindi lubos ang
kanilang pagdalo sa mga pagtitipon sa kadahilanang hindi sila sanay
sa mga gawain sa loob na Bible Studies na ginagawa sa mga pagtitipon
ng ME. Dahil wala sa kanilang loob ang mga pagdalo, unti unting
dumalang ang kanilang mga pagdalo hanggang sa ito’y natigil na
hanggang sa isang di maipaliwanag na karamdaman ang dumapo kay Gng.
Sarmient na nagbigay ng sensyales na sila ay tinatawag sa gawain ng
pag-gabay sa mga mag-asawa sa loob ng ME. Gumaling si Gng. Sarmiento
sa kanyang karamdaman at lalo nilang natiyak ang pagtawag sa isang
misyong tumulong hubugin ang mga mag-asawa sa samahan ng ME nang
sumailalilm sila sa isang Life
and Spirit Seminar
(LSS) dito nabago ang kanilang pananaw sa samahan and dating di lubos
ang nagiong lubos at ganap.
Pananaw
at Misyon ng Samahan
Larawan ng mga kasapi ng ME sa Parokya ng Ina ng Laging Sakolo matapos ang isang sharing at pagsasalu-salo. |
Ang
samahan ng ME sa parokya ay tumatanaw sa isang panahon kung saan ang
bawat mag-asawa sa loob ng parokya ay maabot ng mga katuruan at
pamatnubay ng samahan nang sa gayon ang parokya ay may matatag na
pamilya na siyang saligan ng pagkakaroon ng matatag na na silagan ng
sambahayan ng Diyos hindi lamang sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo.
Nais nito na lumaganap sa pambikarya at pandiyosesis na antas. Sa
kasalukuyan patuloy ang paglago ng ME bilang isang kominidad at
patuloy ang kanilang apostolado hindi lamang sa parokya kundi
nakakapag-abot na rin sila ng mga tulong panimula sa malalayong
parokya ng Diyosesis ng Malolos. Kasama sa kanilang misyon ang
ipalaganap ang buhay mag-asawa na siyang gagabay sa pagkakaroon ng
matibay na buhay pamilya at pagkakaroon ng mga anak na nahubog ayon
sa turo ng simbahan nang sa gayon mayroon tayong matatag na
sambahayan ng Diyos.
Photo Courtesy: Jun R. Acuña at Resty C. Galang (Parokya ng Ina ng Laging Saklolo)
Page 4 of 5
Please press Older Posts for Page 5.
No comments:
Post a Comment