Isang samahang nakatalaga sa patrona,
si Apo Elenang ina ni Konstantino,
tagapangalaga ng Simbahang Katolika
at patunay sa kanyang pagmamahal sa parokya.
tagapangalaga ng Simbahang Katolika
at patunay sa kanyang pagmamahal sa parokya.
Sa
panahon ng pamumuno ng dating Kura Paroko ng parokya, Rdo. P.
Salvador Viola, itinatag ang samahan ng KAPATIRAN ni STA. ELENA.
Layunin ng samahan na mapalaganap ang pagdedebosyon sa pintakasing
babae ng Marulaw (dating pangalan ng Sta. Elena). Iilan na lamang
ang natitirang mga unang miyembro ng samahan, ang iba sa kanila ay
namayapa na at silang mga naiiwan ay nasa mga huling yugto na din ng
buhay subalit ang alab ng kanilang mithiing maisakatuparan ang
kanilang tungkulin ay lubhang napakaningas.
Ang pamunuan at mga kasapi ng Kapatiran ni Sta. Elena Emperatriz sa parokya kasama ang dating Kura Paroko, Rdo. P. Jaime B. Malanum. |
Sila
ang may tungkulin para sa paglilibot o pagbabahay-bahay ng imahen ng
patrona sa mga tahanan ng pamilyang deboto ng Apo Elena, kaisa sila
pangangalaga ng kalinisan ng loob at labas ng simbahan. Sila din ang
pangunahing abala sa mga gawain kung saan ay naiimbitahan ang patrona
sa labas ng parokya tulad ng Pistang Bayan, Pistang Dagat at pati sa
Pagoda ng Apo Ana na patrona ng buong bayan ng Hagonoy.
Ang
makulay at masayang paglilingkod ng kanilang samahan ay dahil sa
magandang pamumuno, pangangasiwa at pagkakaisa ng bawat miyembro. Sa
mahabang taon ng kanilang nilakbay, nagtuturingan na sila bilang
isang pamilya na handang makinig at dumamay sa bawat isa.
Mga kasapi ng Kapatiran sa sama-samang prusisyon sa ilog ng Sta. Elena upang iikot ang patrona sa kabuuan ng parokya hanggang sa mga isla ng Tibaguin at Pugad. |
“Ang
Apo. Elena nga eh Otsenta’y Nueve na ata naglalakbay na, bundok at
bansa ang biniyahe dahil sa Panginoon, isipin mo Roma hanggang Israel
tapos Israel hanggang Roma eh kami Alabang lang pinakamalayo”
pabirong
banggit ng isang matandang kasapi ng kapatiran.
Sa
huli, napanatili ng KAPATIRAN ni STA. ELENA ang kanilang samahan
bilang isang matatag at namumungang sanga ng simbahan sa Parokya ni
Sta. Elena na
isinagasawa
nila ang buwanang pulong tuwing unang Huwebes ng buwan.
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parokya ni Sta. Elena Emperatriz)
No comments:
Post a Comment