PALIWANAG SA PAGBABASA NG SIPING ITO
Nabuo
ang siping ito upang ipakilala ang iba't ibang mga samahang
pansimbahan na umiiral sa Bikarya ni Sta. Ana na binubuo ng siyam (9)
na parokya sa Diyosesis ng Malolos. Mula dito ating makikita na iba't
iba rin ang uri ng samahang pansimbahan base sa lawak ng sakop, sa
gawaing apostolado at sa edad ng mga kasapi. Nais ipaliwanag dito ang
mga paraan upang maunawaan ang mga uri ng samahan. Ang mga sumusunod
na artikulo sa siping ito ay nakaayon sa pagsasaayos na ibinigay ng
Pandiyosesis na Konseho ng mga Layko. Hinati ang bawat samahan at
grupo sa limang bahagi.
I.
Mga Samahan:
a.
Mga Samahang Kinikilala (Mandated Organizations)
Ang
mga samahang ito ay binuo sa espisipikong gampanin na pinili ng
kasapian bilang debosyon at apostolado para sa kapakanan ng Inang
Simbahan. Lahat ng mga ito ay kasangayunan at dekreto mula sa iba't
ibang Santo Papa sa mga nagdaang panahon at may pananagutan na
tumulong sa bawat parokya. Sakop ng mga samahang ito ang iba't ibang
mga parokya kaya naman maaari rin maging trans-parochial
ang ganitong mga samahan.
b.
Mga Samahang Pamparokya (Parochial Organizations)
II.
Mga Samahang Programa (Programs)
Ang
mga samahang ito ay mga programang panghubog na itinatag para sa
isang gampanin sa parokya na may kinalaman sa pagtuturo o sa
ebanghelisasyon para sa ikauunlad ng mga parokyano sa
pananampalataya. Maaari may lawak sa mga ito ang isang diyosesis at
hinihikayat na maitatag sa bawat parokya.
III.
Mga Samahang Kilusan (Movements)
Ang
mga samahang ito ay mga bunga ng mga paglulunsad ng mas masigla at
mas karismatikong paraan ng paghuhubog at ebenghelisasyon sa
pananampalataya. Mula dito lumalabas ang iba't ibang uri ng karanasan
ng pakikipagkita sa Panginoong Jesukristo mula sa pagtalima ng bawa
mananampalataya sa naganap na pagkakataon. Mayroong iba't ibang
gawain ang mga kilusan tulad ng pagadalaw sa bahay-bahay o kaya naman
ay may bihilya o sama-samang pananalangin bilang uri ng pagpapalakas
ng tawag sa bokasyong Katoliko.
IV.
Mga Ministeryo (Ministries)
Ang
mga samahang ito ay binubuo ng mga grupo ng may kinalaman sa mga
gawain sa liturhiya. Kasama sa kaniang mga gampanin ang pagtulong sa
mga bahagi ng Banal na Misa at pagtulong din sa mga mananampalataya
sa loob ng mga pagdiriwang sa parokya.
V.
Mga Sangguniang Tanging-uri (Sui generis Councils)
Ang
mga samahang ito ay kinabubuuan ng Sangguniang Pastoral at mga
komisyon ng bawat parokya. Sangayon sa Batas ng Simbahan, tungkulin
ng mga ito na “pag-aralan at pagdesisyunan ang iba't ibang mga
bagay na may kinalaman sa gawaing pastoral at magmungkahi para sa
ikayayaman ng isang partikular na Simbahan.” (Can. 511) Mula sa
kalipunang ito gumagawa nga mga plano ang bawat Kura Paroko para sa
kapakanan ng kanyang parokya.
Mula
po dito na magkaroon po kayo ng makabuluhan at kapaki-pakinabang na
pagbabasa ng siping ito.
No comments:
Post a Comment