Pagtugon sa isang natatanging gampanin,
na tumulong at makiisa sa pagsasayos ng Simbahan
upang dakilain ang Diyos sa pagdiriwang.
upang dakilain ang Diyos sa pagdiriwang.
Ayon
sa aklat ni Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. na 400
Bantayog ng Simbahan, dalawang
uri ng samahang Mother
Butler Mission Guild (MBMG)
ang umiiral noon sa Parokya ni Sta. Ana. Ang lokal na samahan ng MBMG
ay naitayo noong 1970 na sinimulan nina Salud Martinez – Pangulo,
Viring Villanueva – Pangalawang Pangulo, Nene Carpio – Kalihim at
Miling Esguera – Ingat-yaman. Kasapi nila noon sina Leonora Flores,
Felising Agulto, Rosa Daguman, Monica Cruz, Valeriana Cabrera,
Cleofas Calayag at Lolay Umali. Ang pangalawang grupo naman na Sta.
Ana Mother Butler Mission Guild,
na
umusbong sa orihinal na samahang itinatag ni Mo. Marie Joseph Butler,
RSHM na naglayong tumulong sa magtaguyod sa mga mahihirap na parokya
at pagtulong sa mga pagsasaayos sa mga kagamitan ng simbahan, ay
naitatag noong 1978 sa bisa ng kautusan ng Obispo ng Malolos. Isinugo
ng Kura Paroko noon na si Msgr. Aguinaldo bilang delegato sa pulong
para sa opisyal na pagtatatag ng MBMG si Gng. Remedios Bernal at mula
dito nagsama ang luma at bagong samahan. Naging pamunuan ang mga
sumusunod: Leonor Soco – Pangulo, Remedios Bernal – Pangalwang
Pangulo, Norma Roque – Kalihim at Amalia Castro – Ingat-yaman.
Mga kasapi ng MBMG na tumutulong magbigay ng kasulya at estola sa mga pari noong Ika-22 anibersaryo ng pagiging Pambansang Dambana ng Simbahang Parokya ni Sta. Ana. |
Mula
doon lumago ang mga kababaihang nagnanais na maglingkod para
makatulong sa Simbahan. Ito ang tahanan ng Diyos na ninanais naming
tulungan sa pamamagitan ng matiyagang pagpapaganda sa altar,
paglilinis sa sanktuwaryo at sa sakristiya at pagaayos ng simbahan.
Dito makikita na layunin ng MBMG na maglingkod sa simbahan sa
pamamagitan ng sakripisyo para sa ikaaayos nga mga pagdiriwang ng
Simbahan. Isa itong misyon ng kawanggawa at pagiging bukas-palad na
nagiging inspirasyong ng bawat kasapi ng MBMG tuwing nagkakaroon ng
palinis sa simbahan o pagbibigay sa mga nangangailangan. Malaki ang
nagiging gampanin ng MBMG sa parokya lalo na samga malakihang
pagdiriwang. Bilang isang Bayang Levitico, maraming anak-Hagonoy na
pari ang umuuwi sa bayan lalo na tuwing kapistahan ni Apo Ana. Sa
gayong mga pagkakataon masugid na ipinaghahanda ng mga kasapi ng MBMG
ang mga kasuotang isusuot ng mga pari mula kasulya hanggang estola at
pagliligpit ng mga ito matapos ang Banal na Misa.
Ilang kasapi ng MBMG at mga katekista na nananalangin sa harap ng imahen ni San Pedro Calungsod de Cebu sa harap ng simbahan. |
Sa
ganitong mga pagkakataon, lubos kaming nagtitiwala sa lahat ng biyaya
ng Diyos sa harap ng pagiging “nasa likod” ng lahat ng
nangyayari. Sa gawain naming sa MBMG, isang malaking bagay ang
makapag-alay ng sarili at kung anong mayroon ka. Kasama sa mga
layunin namin ito na makikita sa pagnanais na makapagpundar ng mga
kasulya at estola para sa mga pagdiriwang. Sa lahat ng mga ito,
kapansin-pansin na sa mga simpleng gawain, makikita na nagiging
malakas ang pananampalataya at mas nagnanais ang kasapi na maglingkod
sa Diyos ang laykong kasapi ng MBMG sa pamamagitan ng pagdamay sa
paglilinis sa simbahan.
Photo Courtesy: Arvin Kim M. Lopez (Pambansang Dambana ni Sta. Ana) at Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban (Publication Director)
No comments:
Post a Comment