Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG PAMPAROKYA: Cofradia dela Misterio Pascual del Nuestro Señor


Isang panatang debosyon, 
mula sa mga camarero, naging pagtugon.
Sa ngalan ng Pagkamatay at Muling Pagkabuhay
ni Jesuskristo, pag-alala at paggunita
ang gawain para sa Simbahan.

  Ang panahon ng Kuwaresma ay ang panahon ng paglalaan ng sarili sa pananalangin, pag-aayuno at abstinensya. Ito ay ang apatnapung araw ng paghahanda para sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo. Ang lundo ng panahon ng Kuwaresma ay tinatawag nating “Semana Santa” sa wikang Kastila at mga “Mahal na Araw” sa Wikang Tagalog. Ang mga araw na ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang gawain tulad ng estasyon ng krus, kumpisal at ang Misa ng Huling Hapunan. Ang pinakatampok sa panahong iyon ay ang Pagpupugay sa Krus na Banal at ang prusisyon na kung saan natutunghayan natin ang mga bagay na naganap sa buhay ng ating Panginoong Jesukristo mula sa kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay.


Ang pagdiriwang ng pagpaparangal sa Santissimo Sacramento matapos ang Banal na Misa ng Huling Hapunan sa pangunguna ng Kura Paroko at Rektor ng Dambana, Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.

Ang repositoryo ng Santissimo Sacramento noong Semana Santa 2014 sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana na ginagayakan taun-taon ng mga kasapi ng cofradia.
   Marahil ay laging sumasagi sa isipan ng mga mananampalataya ang kahulugan ng samahang ito at mga katanungang ano kaya ang layunin ng samahang ito, ang Cofradia dela Misterio Pascual del Nuestro Señor (Kapatiran ng Pagpapakasakit, Kamatayan at muling Pagkabuhay ng Panginoon)? Ito ay tumutukoy sa samahan ng mga tagapangalaga ng mga imaheng pinuprusisyon tuwing sasapit ang Semana Santa. Sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa Hagonoy, Bulakan, kabilang dito ang mga sumusunod na araw Biyernes Dolores, Linggo ng Palaspas, Martes at Miyerkules Santo, Biyernes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay. Layunin ng samahang ito na pagbuklurin ang mga may-ari o tagapangalaga ng mga imaheng itinatampok sa panahon ng “Semana Santa” upang maging makahulugan ang pagdiriwang ng Semana Santa.

Ginayakan ng mga camarero ng mga imahen para sa mga Mahal na Araw ang bawat caroza para sa mga pangunahing prusisyon tuwing ginaganap ang isang linggong pagdiriwang: Ang prusisyon ng Viernes Dolores o ang Biyernes bago ang Linggo ng Palaspas, ang prusisyon ng Martes Santo kung kailang isinasalubong ang imahen ni Jesus at ni Sta. Veronica, ang prusisyon ng Miyerkules Santo at ang prusisyon ng Biyernes Santo.

   Kailan itinatag ang samahang ito? Taong Dalawang Libo’t labing Isa (2011) nang itatag ang samahang ito. Sila ang mga kumikilos upang maging makahulugan ang buong “Mahal na Araw”. Sila rin ang nagsusumikap na maisakatuparan ang mga bagay-bagay na makakapagpapatimo sa puso ng bawat mananampalataya ayon sa kanilang obligasyon na kanilang ipinangako sa Panginoon na sila ang magiging katuwang ng mga kaparian sa pagpapayabong ng katesismo sa paraan ng pagpuprusisyon. Sangayon sa panawagan ng Diyosesis ng Malolos, mas mainam na magkaroon ng isang samahan ang mga may-ari ng imahen upang talakayin ang iba’t ibang mga bagay hinggil sa tungkulin ng isang tagapangalaga ayon sa imaheng kanyang inaalagaan.

   Bukod sa pagpuprusisyon ng mga imahen, ang cofradia din ay aktibo sa mga banal na pagsasanay, banal na paglalakbay at iba pang mga gawaing pansimbahan at sa tuwing sasapit ang Huwebes Santo, kanilang apostolado ay ang magdulot ng pamatid-uhaw sa mga mananampalatayang nagsasagawa ng Visita Iglesia.


   Si G. Jose Paulo V. Espinosa ang unang nahalal na pangulo ng nasabing samahan, Siya ay nanungkulan mula taong 2011 hanggang 2013 matapos ang tatlong mabubungang taon ng kanyang panunungkulan, nagkaroon muli ng isang halalan alinsunod sa batas ng samahan na ang pangulo ay dapat manungkulan sa loob lamang ng tatlong taon. Siya ay hinalinhan ni G. Felicisimo Vengco na nahalal noong 2013 at nanunungkulan hanggang ngayon. Mula noon hanggang ngayon, aktibo pa rin ang mga kasapi sa awa at habag ng Diyos at sa tulong ng mga paring tagapayo na sina Msgr. Emmanuel Sunga, Msgr. Andres S. Valera, Rdo. P. Vicente B. Lina, Jr, Rdo. P. Joselito R. Martin at ng Kura Paroko at Rektor ng Dambana na si Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.Ang panahon ng Kuwaresma ay ang panahon ng paglalaan ng sarili sa pananalangin, pag-aayuno at abstinensya. Ito ay ang apatnapung araw ng paghahanda para sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo. Ang lundo ng panahon ng Kuwaresma ay tinatawag nating “Semana Santa” sa wikang Kastila at mga “Mahal na Araw” sa Wikang Tagalog. Ang mga araw na ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang gawain tulad ng estasyon ng krus, kumpisal at ang Misa ng Huling Hapunan. Ang pinakatampok sa panahong iyon ay ang Pagpupugay sa Krus na Banal at ang prusisyon na kung saan natutunghayan natin ang mga bagay na naganap sa buhay ng ating Panginoong Jesukristo mula sa kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay.


Taun-taon nagiging mahalagang pagdiriwang sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana bilang paggunita sa dakilang sakripisyo ni Jesukristo. Isa ang Cofradia sa mga nagsusumikap na panatilihing
sagrado at inaalala ang pagdiriwang na ito.
   Marahil ay laging sumasagi sa isipan ng mga mananampalataya ang kahulugan ng samahang ito at mga katanungang ano kaya ang layunin ng samahang ito, ang Cofradia dela Misterio Pascual del Nuestro Señor (Kapatiran ng Pagpapakasakit, Kamatayan at muling Pagkabuhay ng Panginoon)? Ito ay tumutukoy sa samahan ng mga tagapangalaga ng mga imaheng pinuprusisyon tuwing sasapit ang Semana Santa. Sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa Hagonoy, Bulakan, kabilang dito ang mga sumusunod na araw Biyernes Dolores, Linggo ng Palaspas, Martes at Miyerkules Santo, Biyernes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay. Layunin ng samahang ito na pagbuklurin ang mga may-ari o tagapangalaga ng mga imaheng itinatampok sa panahon ng “Semana Santa” upang maging makahulugan ang pagdiriwang ng Semana Santa.

   Kailan itinatag ang samahang ito? Taong Dalawang Libo’t labing Isa (2011) nang itatag ang samahang ito. Sila ang mga kumikilos upang maging makahulugan ang buong “Mahal na Araw”. Sila rin ang nagsusumikap na maisakatuparan ang mga bagay-bagay na makakapagpapatimo sa puso ng bawat mananampalataya ayon sa kanilang obligasyon na kanilang ipinangako sa Panginoon na sila ang magiging katuwang ng mga kaparian sa pagpapayabong ng katesismo sa paraan ng pagpuprusisyon. Sangayon sa panawagan ng Diyosesis ng Malolos, mas mainam na magkaroon ng isang samahan ang mga may-ari ng imahen upang talakayin ang iba’t ibang mga bagay hinggil sa tungkulin ng isang tagapangalaga ayon sa imaheng kanyang inaalagaan.

   Bukod sa pagpuprusisyon ng mga imahen, ang cofradia din ay aktibo sa mga banal na pagsasanay, banal na paglalakbay at iba pang mga gawaing pangsimbahan at sa tuwing sasapit ang Huwebes Santo, kanilang apostolado ay ang magdulot ng pamatid-uhaw sa mga mananampalatayang nagsasagawa ng Visita Iglesia.

   Si G. Jose Paulo V. Espinosa ang unang nahalal na pangulo ng nasabing samahan, Siya ay nanungkulan mula taong 2011 hanggang 2013 matapos ang tatlong mabubungang taon ng kanyang panunungkulan, nagkaroon muli ng isang halalan alinsunod sa batas ng samahan na ang pangulo ay dapat manungkulan sa loob lamang ng tatlong taon. Siya ay hinalinhan ni G. Felicisimo Vengco na nahalal noong 2013 at nanunungkulan hanggang ngayon. Mula noon hanggang ngayon, aktibo pa rin ang mga kasapi sa awa at habag ng Diyos at sa tulong ng mga paring tagapayo na sina Msgr. Emmanuel Sunga, Msgr. Andres S. Valera, Rdo. P. Vicente B. Lina, Jr, Rdo. P. Joselito R. Martin at ng Kura Paroko at Rektor ng Dambana na si Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C. 

Photo Courtesy: Ulysses Ernesto F. Reyes, John Andrew C. Libao at Arvin Kim M. Lopez (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana)

No comments:

Post a Comment