Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG PAMPAROKYA: Cofradia del Pasion y Resurrecion del Nuestro Señor


Isang samahang nakatalaga sa patuloy na pagpapalaganap ng panata,
ang pagpapa-alala sa ating mga kapwa parokyano sa kahalagahan ng sakripisyo ng Panginoong Jesukristo.


Sa lalim ng pagmamahal at pagdedebosyon sa iba't ibang santo at santa kung kaya’t nagdulot ito ng lubos na kagalakan sa bawat isang may malalim na pananampalataya.”


   Nagsimula ang Samahang Cofradia del Pasion y Resurrecion del Nuestro Señor matapos ang pamumuno bilang Ama ng Parokya na si Rdo. P. Roberto Lunod. Nabuo ito sa pangunguna ni Rdo. P. Vicente B. Lina Jr. Iilan lamang noon ang sumusunod na karosa tuwing sumasapit ang Mahal na Araw, ngunit dahil na rin sa marami ang nagnanais na magkaroon ng sariling santo dahil na rin sa kanilang pagmamahal sa Diyos at sa kanilang debosyon patuloy ang paglago at pagdami ng mga sumusunod na karosa tuwing Mahal na Araw, at isang patunay na ang Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario ang unang naglabas ng prusisyon sa bayan ng Hagonoy gayundin sa buong Lalawigan ng Bulacan tuwing sumasapit ang Mahal na Araw. Kung kaya’t patuloy ang pagdami ng mga caroza tuwing Mahal na Araw at patuloy ang paglago ng Cofradia Del Pasion y Resurrecion del Nuestro Señor, magpasahanggang ngayon.



   Masasabing ang paglago ng Samahan ay dahil sa pagkakaroon ng pagkakaisa ng isang Samahan. At makikita ito sa Cofradia Del Passion y Resurrecion Del Nuestro Señor, lalo na pag sumasapit ang mga Mahal na Araw, makikita mo ang kanilang pagkakaisa, pag nagkaroon ng pulong lahat ay dumadalo at nagbibigay ng mga opinion upang maging maayos ang nasabing gawain. Hindi lamang pagkakaisa kundi pagtutulungan din, dahil malaki ang nilalabas na pondo para makapaglabas ng karosa pag Mahal na Araw, nariyan ang pagpapagawa ng Santo, pagbili ng mga bulaklak gayundin ang pagpapakain. At makikita mo ang kanilang pagtutulungan dahil sila-sila ay nagbibigayan sa bawat isa, pag wala ang isa ng anuman sa pangangailangan, ipinagkakaloob ng mayroon. At ito marahil ang sikreto kung bakit patuloy na yumayabong at umuusbong ang Cofradia del Passion y Resurrecion del Nuestro Señor magpasahanggang ngayon.


Mula sa mga gawain ng mga miyembro ng Cofradia, makikita ang bunga ng mga pagsasaayos na nagiging tanda ng patuloy na debosyon ng mga mananampalataya sa parokya.
   Sa paglipas ng panahon patuloy ang paglago ng Cofradia del Passion y Resurrecion del Nuestro Señor at tuwing sumasapit ang mga Mahal na Araw lalong nadadagdagan ang mga karosa na inilalabas, isa lamang itong patunay na ang bayan ng Hagonoy ay patuloy ang pag-usbong ng mga nagnanais na maging parte ng Inang Simbahan, lalo na sa mga ganitong pagdiriwang. Nawa sa patuloy nating pagmamahal sa mga Banal ng Simbahan tularan natin ang kanilang mga gawa upang tayo rin ay maging banal at bayani sa panahon natin ngayon na marami nang mga tao na naliligaw ng landas at maakay natin sila sa landas patungo sa ating Mahal na Panginoon at sa bandang huli sasabihin din sa atin ng Panginoon na: “ Ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”



Photo Courtesy: John Andrew C. Libao (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana) at El Gideon G. Raymundo (Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario)

Video Courtesy: Pamparokyang Komisyon ng Pamamahayag (Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario)

No comments:

Post a Comment