Sa pasimula ng isang bagong panunungkulan,
parokya'y nagbunyi't nagdiwang,
bilang pasasalamat kay Kristong Hari na
Kabanal-banalan.
bilang pasasalamat kay Kristong Hari na
Kabanal-banalan.
“Si
Kristo’y hari ng sanlibutan Siya’y ating parangalan”, Isang
naiibang pagdiriwang ang ginanap sa pangmisyong parokya ng Sta. Cruz
sa bayan ng Paombong, upang bigyang-daan ang maringal na kapistahan
ng Kristong Hari na malayo sa dating kinagawain ng mga taga-roon. Ang
nasabing pagdiriwang ay kadalasang ginagawa lamang sa palibot ng
nayon habang ang mga tao ay naglalakad sa kalsada, ngunit nitong
nakaraang ika – 23 ng Nobyembre, 2014, ayon na rin sa
napagkasunduan ng mga likod ng simbahan sa nakaraan nilang
pagpupulong sa pangunguna na Kura Paroko na si Rdo. P. Leopoldo
Evangelista III na gawin ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang
“fluvial procession” o pagoda.
Kaya’t
noong mismong araw ng Kapistahan ng Kristong Hari ay sinimulan ito sa
Sitio Balut, isa sa mga karatig barangay na nasasakupan ng parokya.
Mag-iika-isa ng hapon ng lumunsad ang mga taong lulan ng kanilang
Bangka upang makiisa, samantalang sa kasko naman isinakay ang Banal
na Santisimo kasama ang kura paroko na si Rdo. P. Leopoldo
Evangelista III at ng iba pang mga tao.
Ang naganap na Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa Sta. Cruz, Paombong sa pangunguna ng bagong Kura Paroko, Rdo. P. Leopoldo Evangelista III. |
Nakatutuwang
pagmasdan na Makita ang mga taong higit ang pananampalataya sa poong
lumikha na lulan ng maliliit na Bangka habang lumiligid at
nagpapaikut-ikot sa kasko, taglay ang pananalig at pag-asa na sila ay
pagkalooban ng mga biyayang kanilang hinihiling. Sa kabila nito ang
nakapapasong init ng araw na tirik na tirik noong oras na iyon ay
hindi naging hadlang upang itigil ang kanilang ginagawang pakikiisa
sa pagdiriwang. Halos magiika-5:00 na ng hapon nang dumating ang
Banal na Santisimo na mismong parokya. Dito ay sinalubong ito ng mga
tao ng hindi nagkaroon ng pagkakataong makasama sa isinagawang
pagoda. Sa pagkakataong ito ay inilibot ang Banal na Santisimo sa
palibot ng nayon habang nakasunod ang maraming tao. Sa kabila ng
nakapapagod na oras na iyon ay hindi nabanaag sa muhka ng mga tao ang
labis na pagod. Pagkatapos ng isinagawang prusisyon ay isinunod ang
Banal na Misa bilang pagpaparanagal kay Kristong Hari. Ito ay
pinangungunahan ng Kura Paroko ng lugar. Sa kanyang homily ay
binigyang-diin ang ilang bagay tulad na lamang ng tungkulin at
gampanin ng isang hari, na kung saan ito ang isang kinikilalang
pinakamakapangyarihan at maimpluwensya sa lugar na kanyang
nasasakupan, nagsusuot ng magagarang kasuotan, nakukuha ang mga bagay
na ninanais at pinaglilingkuran ng mga tao, taliwas o kabalintunaan
ng pagiging hari ni Kristo sapagkat si Kristo ang haring namuhay nang
aba at nag-alay ng kanyang buhay para sa sanlibutan.
Ang pagsalubong ng ilang kasapi ng Sangguniang Pastoral ng parokya sa nasabing pagdiriwang. |
Sa
kaligitnaan ng pagdiriwang ng Banal na Misa ay ginanap ang pormal na
pagkilala sa mga Lay Ministers na magiging katuwang ng pari sa
pagdiriwang ng misa at ng iba pang gawaing pangsimbahan. Tunay na
masarap sa pakiramdam at nakatataba ng puso na ang mga taong
nabibilang sa grupong ito ay sadyang mapalad sapagkat nagkaroon sila
ng pagkakataong maglingkod sa Hari ng Sanlibutan!
Photo Courtesy: Rosalie C. San Juan (Parokyang Misyong ng Sta. Cruz)
No comments:
Post a Comment