Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, June 29, 2012

PAGTINGIN/OPINYON: Ang Pagkakaiba ng Flores de Mayo at Santa Cruzan

     Tuwing buwan ng Mayo dalawa palagi ang masasaksihang kaganapan sa mga parokyang Katoliko sa bansa: ang Flores de Mayo at ang Santa Cruzan. Madalas masabing iisa lamang ang mga gawaing ito dahil napagaakalang ang birhen ng Santa Cruzan ay para na ding mga paglalarawan sa Mahal na Birheng Maria sa sagala. Ngunit isang magandang kailangan tignan ay ang tunay na katayuan ng dalawang pagdiriwang – na sila ay magkahiwalay at may naiibang kasaysayan at layunin sa isa't isa. Kaya naman dito natin itinataas ang tanong: Ano ba ang pagkakaiba ng Flores de Mayo sa Santa Cruzan?



     Ang Flores de Mayo ay isang pagpapahayag ng debosyon sa Mahal na Birhen bilang Reyna ng mga Bulaklak o ang Virgen delas Flores. Ang Santa Cruzan naman ay isang pagsasabuhay ng paghahananap ni Santa Elena Emperatriz sa Banal na Sta. Cruz sa siyang pinagpakuan at kinamatayan ng ating Panginoong Jesukristo na matagumpay niyang nakita at nagbalik ang Emperadora sa kanilang kabisera sa Roma na dala at ibinabandera ang tagumpay.

     Maraming mga bagay ang dapat ipamulat sa isang mananampalataya – mga bagay na may kaugnay sa tama at makabuluhang pagdiriwang ng Fores de Mayo at Santa Cruzan. Mahabang panahon na rin naman itong isinasagawa ng mga tao. Subalit datapwa’t habang lumalaon ay lumalabo ang tunay na kahulugan at angkop na pagdiriwang nito.

     Ang Flores de Mayo ba at ang Santa Crusan ay pareho? Ang Flores de Mayo ay iba sa Santa Cruzan at ang Santa Cruzan ay iba sa Flores de Mayo. Ang Flores de Mayo ay ipinagdiriwang tuwing Mayo lamang. Sa lumang kalendaryo, ang Santa Cruzan ay tuwing Mayo din kung kaya sinusunod ito magpasa- hanggang ngayon. Sapagkat tuwing ikatlo ng Mayo ipinagdiriwang ang pagkakatagpo ni Sta. Elena Emperatriz sa Banal na Sta. Cruz, ang nanay ni Emperador Constantino na siyang Emperador ng mga Romano mula noong taong 312 AD hanggang taong 337 AD. Ang debosyon ng Flores de Mayo ay nagsimula sa Europa at Italya, kaya ang tawag sa Mahal na Birhen tuwing Mayo ay Virgen delas Flores. Samantala, ang Santa Cruzan ay sa Silangang bahagi ng mundo na dinala naman sa Roma. Kaya ang tawag kay Santa Elena ay “ Reyna Emperatriz ” o “ Reyna Elena".



     Tinatayang noon pang taong 1865 nagsimula ang Flores de Mayo sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa buwan ng Mayo at pag-aalay ng mga bulaklak. Kung tutuusin ang Flores de Mayo ay isa pang bersyon ng Sto. Rosario sapagkat ang butil nito ay katumbas ng isang bulaklak na iniaalay kay Maria. Sa paglipas ng panahon unti-unting naiiba ang siste at naging Santa Cruzan na pagpaparangal naman kay Sta. Elena at sa Sta. Cruz.

No comments:

Post a Comment