Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, June 01, 2012

KULTURA: Mabuhay San Miguel Arkanghel: 79 na Taong Pamimintuho sa Prinsipe ng Langit

Pitumpung taon ng paggabay at biyaya, marapat lamang na pasalamatan ng kanyang mga deboto at nasasakupan, sa bawat araw, buwan at taon, nanatiling matatag ang lahat ng mga tumatangkilik sa patron ng aming barrio, na isa sa mga bisitang dati`y sakop ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana at inilipat sa pamamahala ng Parokya ni San Juan Bautista makaraan ang ilang taon ng naitalaga itong parokya.

Ngayong taon ay ipinagdiwang ng Barrio San Miguel ang kapistahan ng payak at mapayapa na katulad ng nakaugalian. Itinaguyod ng mga mamamayan ng barrio ang siyam na araw ng nobenaryo, ang prusisyon ng Vesperas Mayores na nilahokan ng iba`t ibang imahen pati na rin ang mga prusisyon sa umaga at gabi ng kapistahan na tinapos sa mga naggagandahang pailaw sa himpapawid. Sabi nga ng mga nakasaksi, talagang naaayon para sa isang prinsipe ang naging pagpupuri at selebrasyon.

Naging mabunga ang pagdiriwang nito sapagkat ito ay nagsilbi ring pasasalamat sa mga tagapagtangkilik at taga suporta ng Patron, sapagkat sumailalim sa pagsasaayos ang bahay dalanginan na naisakatuparan sa pangunguna ng Sub Pastoral Council lalo na ng matagal nang naging tagapangalaga nitong si Bb. Florencia Marquez, at ayon nga sa kanya, napakalaki ng pasasalamat nila sa mga taong nagbigay ng ibat-ibang uri ng tulong: pinansyal, materyal, moral at panalangin at ngayon ang naging bunga nito ay mas maayos at magandang tahanan para kay San Miguel Arkanghel.

Patuloy pa rin ang pag-sasaayos ng bisita ni San Miguel Arkanghel hanggang sa susunod na taon kung saan ipagdiriwang ang ika-80 taong pagkakatatag nito na pangungunahan ng Hermana Mayor na magdiriwang rin ng ika-80 taong kaarawan niya sa susunod na taon na si Bb. Florencia Marquez. Inaasahang ito ay magiging selebrasyon ng pagpupugay, pagpupuri at pagkakumpleto ng kaayusan ng tahanan ni Apo Miguel, Prinsipe ng Langit.

Sana ang pagdiriwang na ito ay mas maging maligaya pa at mas mabunga sa paglaon ng panahon, VIVA SAN MIGUEL ARKANGHEL DE HAGONOY!!!

Mga Larawan ng Pagdiriwang 
(Mga Larawan mula sa Manunulat)

Ang Bisita ni San Miguel Arkanghel sa pagdiriwang kapistahan ng barrio ng San Miguel,
Hagonoy, Bulakan.

Ang paggayak ng musiko para sa prusisyon sa araw ng kapistahan ng barrio ng San Miguel sa Hagonoy.
Ang looban ng simbahan ng bisita ni San Miguel Arkanghel kung saan ipinagdiwang ang ika-79 na taon ng bisita.
Ang mga nagsipagsimbang mga mananampalataya ng San Miguel, Hagonoy sa pagdiriwang ng kapistahan.

Ang sanktuwaryo ng bisita ng San Miguel Arkanghel kung saan naganap ang misa sa pangunguna ni Rdo. P.
Candido D. Pobre, Jr., Kura Paroko ng Parokya ni San Juan Bautista na nakakasakop sa San Miguel.



Ang sanktuwaryong inayos para sa imahen ni Apo Miguel de Hagonoy sa pangangalaga
ni Bb. Florencia Marquez.

No comments:

Post a Comment