Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, June 29, 2012

TRIBUTE: Paring Anak-Hagonoy, 96th Rector ng UST - Rdo. P. Herminio Victoria Dagohoy, O.P.



     
   Apat na daan at isang taon, siyamnapu't limang rektor – ganito na lamang katagal ang naging buhay ng Pamantasan ni Sto. Tomas sa Maynila – ang itinuturing na pinakamalaking pamantasang Katoliko sa Asya. Pinamumunuan ito ng mga prayleng Dominikano (Opisyal na pangalan: Order of Preachers, O.P.) na naghubog dito upang maging isang tanyag na institusyon ng pag-aaral di lamang sa bansa kundi sa buong rehiyon. At ikinagagalak ng mga taga-Hagonoy na isa sa mga anak nitong pari ang naging ika-96 na Rector Magnificus ng nasabing pamantasan. Siya si Rdo. P. Herminio Victoria Dagohoy, O.P. na mas kilala sa palayaw na “Fr. Jojo”. Itinalaga siya bilang pinuno ng pamantasan sa pagbubukas ng taong pampaaralan noong ika-4 ng Hunyo ngayong taon sa kapilya ng Birhen ng Sto. Rosario sa Pamantasan ni Sto. Tomas.

 Si P. Dagohoy ay ipinanganak noong ika-8 ng Hunyo, 1965. Mula siya sa barrio ng Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan kung saan lumaki rin ang kanyang ina. Dito lumaki si P. Dagohoy na kung saan nakapagtapos siya ng elementarya sa Sta. Elena Elementary School sa barriong kanyang pinanggalingan at ng kursong sekundarya sa Hagonoy Institute sa San Sebastian, Hagonoy. Kumuha muna siya ng kursong Bachelor of Science in Accountancy mula sa Polytechnic University of the Philippines noong 1985. Sa pagkakaroon ng inspirasyon para sa buhay relihiyoso, pinasya niya na pumasok sa orden ng mga Dominikano, at ipinangako niya ang kanyang sarili para sa Diyos sa kongregasyon noong ika-10 ng Mayo, 1988.

   Ayon sa inilabas na ulat ng Opisina para sa Ugnayang Pampubliko ng pamantasan, nakuha ni P. Dagohoy sa loob ng kanyang pag-aaral sa mga Dominikano ang mga sumusunod: Bachelor of Arts in Philosophy (Philippine Dominican Center of Insitutional Studies, 1990), Bachelor in Sacred Theology (UST Ecclesiastical Faculity of Sacred Theology, 1993) Master of Arts in Philippine Studies (University of the Philippines Diliman, 2000), Licentiate in Philosophy ( UST Ecclesiastical Faculity of Philosophy, 2011) at Doctorate in Philosophy ( UST Ecclesiastical Faculity of Philosophy, 2012). Sa kanyang pagtagal sa mga Dominikano, nahubog ang kanyang bokasyon na nagresulta sa kanyang ordenasyon sa pagkapari noong ika-28 ng Setyembre noong 1994 sa Santo Domingo Church, Q.C. At sa tagal ng panahong iyon hanggang sa kasalukuyang taon na malapit sa kanyang ika-25 anibersaryo sa pagkapari, nakuha niya ang isang tugatog ng kanyang pagiging pastol sa kongregasyon.

   Kaya naman sa pagtanggap na ito ni P. Dagohoy sa kanyang posisyon, na kanyang ginawa sa harapan ng Lubhang Kgg. Giuseppe Pinto, D.D., Nuncio Apostoliko sa Pilipinas, lubos na nagagalak ang kanyang mga kabababayan lalo ng mga taga-Sta. Elena sa pagkakaroon ng paring-anak na lingkod para sa mga kabataang hinuhubog sa natatanging institusyon Katoliko na ito ng pag-aaral.

Mga Opisyal na ulat at mga larawan, makikita sa website ng Pamantasan ng Santo Tomas:

No comments:

Post a Comment