Noong
ika-10 ng Abril, 1962 ipinagkaloob ng isang pari na naka-destino sa
Parokya ni Sta.Ana ang isang kwadro na may imahe ng Mahal na
Birhen ng Barangay kay Gng. Claudia Payongayong at napagkasunduan ng
pamilya na ilibot sa bahay-bahay ng sitio Peralta sa San Sebastian ang imahen at dito
nagsimula ang taunang pagbibigay-parangal at pasasalamat sa Mahal na
Birhen ng Barangay sa mga biyaya na ipinagkakaloob nito sa kanila at
naisip din nila na magpatayo ng isang maliit na kapilya. Kaagad naman itong natugunan ng Pamilya Perez na nagbigay ng donasyon ng isang maliit
na lote para dito itayo ang kapilya at doon nagtulong-tulong ang mga
taga-sitio Peralta na manghingi ng tulong o mangilak para maipatayo
kaagad ang kapilyang ito. At hindi nagtagal, natapos ang kapilya at binasbasan noong
1990.
Ngayong
Abril 15, 2012 ang napili nilang araw para ipagdiwang ang pasasalamat
sa Mahal na Birhen ng Barangay napaka-espesyal ang taon na ito dahil
50-taon na simula ng ibigay sa kanila ang imahe ng Mahal Birhen ng
Barangay. Nagsimula ang pasasalamat sa isang banal na misa na pinangunahan ni Rdo. P. Rodrigo S. Samson, bisitang pari sa Parokya ni Sta. Ana sa ganap na ika-9 ng umaga at
sinundan ng isang masayang prusisyon kung saan inilibot sa buong Sitio
Peralta at mga kalapit na palaisdaan and imahen bilang pasasalamat din nila sa
mga biyaya na dumarating sa kanila. Matapos ang prusisyon nagkaroon
ng isang munting salo-salo sa tahanan ni Gng. Claudia Payongayong na
gumanap bilang Hermana Mayor sa ika-50 taon na anibersaryo ng
pagbibigay sa kanya ng imahe ng Mahal na Birhen ng Barangay.
Mga Larawan ng Pagdiriwang
(Mula kay: Christian C. Flores)
Ang kapilya ng Mahal na Ina ng Barangay, Sitio Peralta, San Sebastian, Hagonoy. |
Ang mga imahen ng Virgen de Barangay ng mga mananampalataya na pinagsama-sama sa sanktuwaryo para sa pagdiriwang. |
Pagdiriwang ng Banal na Misa sa pangungun ni Rdo. P. Rodrigo S. Samson, Bisitang Pari sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana. |
Ang masayang pag-ikot ng prusisyon sa paligid ng Sitio Peralta kasama ng Hermana Mayor, Gng. Claudia Payongayong. |
No comments:
Post a Comment