"Ang
pag-ibig ni Maria ay ‘sing busilak at ‘sing samyo ng mga bulaklak
ng buwan ng Mayo”
Ito
ay parte ng pahayag ni Rdo. P. Quirico L. Cruz, tagapamahala ng
parokya sa kanyang homilya sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra
Señora delas Flores sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo
Rosario, noong ika-26 ng Mayo. Inihalintulad ni P. Cruz ang Birheng
Maria sa kadalisayang taglay ng mga bulaklak. Sa kanyang pahayag,
kanyang ipinaliwanag ang mga katangian ni Maria bilang birheng walang
bahid dungis na naiiba sa lahat ng nilikha.
Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa katapusan ng Flores de Mayo sa Parokya ng Sto. Rosario sa pangu- nguna ni P. Quirico L. Cruz. |
Tinampukan ang
buong buwang pagdiriwang ng pag-aalay ng mga bulaklak at
pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Flores. Sa araw ng mismong
kapistahan, pinatingkad ang pagdiriwang ng mga bulaklak at mga dilag
na sagala mula sa mga mananampalataya ng parokya. Ang mga kababaihang
sagala ay pinangunahan ng Hermana Mayor ng taong ito, si Bb. Patricia
Feliceze Cruz.
Sinimulan
ang pagdiriwang ng isang Banal na Misa, sa pangunguna ni P. Cruz na
siyang kanyang unang misa buhat ang kanyang bakasyon na nagtagal ng
isang buwan. Pagkatapos nito ay hudyat na ng paglabas ng prusisyon sa
karangalan ng Mahal na Virgen delas Flores, bahagi nito ang
pagpapakilala sa iba’t ibang imahen ng Mahal na Birhen na isusunod
sa prusisyon bilang bahagi ng katesismo sa mga nanonood na mga
parokyano at mananampalataya.
Isa sa mga imahen ng Mahal na Birhen sa prusisyon
ng pagdiriwang ng Flores de Mayo sa Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario. |
Hindi alintana ng mga deboto at mga sagala ang lusak ng lansangan buhat sa paglaki ng tubig, ngunit tuloy pa rin ang lahat sa hanay ng prusisyon bilang patatanghal sa Mahal na Birhen sa mga nasasakupan ng parokya dito sa Sto. Rosario. Matapos ang prusisyon, pinakulay ang kalangitan ng isang palabas ng mga paputok: hudyat ng pagtatapos ng masaya, makulay at makabuluhang pagdiriwang.
Ang kapistahan ay isiniayos ng Lupon ng Pamilya at Buhay sa pangunguna ni Gng. Elena V. Macapagal at sa pakikipagtulungan ng Cofradia dela Nuestra Señora delas Flores sa pamamagitan ni Dr. R.J. Crisostomo na siyang tagapagtatag nito mula pa noong taong 1996.
Mula pa noon magpasahanggang ngayon, buhay at masigla ang pagdiriwang na ito na bahagi na ng makulay, masaya at makabuluhang tradisyon ng mga taga-paokya na isinalin sa mga bagong henerasyon na tapapagmana at tagapanatili ng tradisyong ito.
(Ang
temang Inang Maria, Inang Sinisinta ay siyang tunay na
naglalarawan ng ating debosyon sa Mahal na Inang Maria bilang kanyang
mga anak na inampon.)
Mga Larawan ng Pagdiriwang
(Photo Courtesy: Ronald Aron O. Perez, El Gideon G. Raymundo and John Andrew C. Libao)
(Photo Courtesy: Ronald Aron O. Perez, El Gideon G. Raymundo and John Andrew C. Libao)
Page 2 of 6
Please press Older Posts for Pages 3-6.
No comments:
Post a Comment