Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, June 29, 2012

PAGTINGIN/OPINYON: Kabanalan ng Kaparian: Pangangailangan para sa Simbahan



(Inaalay ng manunulat ang gawang ito kay Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio, isang paring naging at patuloy pa rin bilang tanda ng pagmamahal sa bayan ng Hagonoy at sa Simbahan.)
     Noong ika-15 ng Hunyo sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus, ipinagdiwang ng Inang Simbahan ang Pandaigdigang Araw para sa Pagpapabanal ng Kaparian o '' World Day for Sanctification of Priests.'' Isa itong paggunita sa mga biyayang ibinibigay ng Panginoon para sa mga pastol ng bawat diyoesis o pamayanan ng Simbahan. Ngunit isa din itong tanda ng pangangailanan ng Simbahan ng mga paring may kababaang loob at handang maglingkod para sa Diyos.
     Isa ito marahil sa mga magandang tanawin natin sa pag-usbong ng mga bokasyon para sa pagpapari sa bayan ng Hagonoy, Bulakan - ang pinakamagatang Bayang Levitico. Mayroon tayong mga pari na nagmula sa mga pamilyang relihiyoso, tapat sa pagdarasal na siyang nagiging inpirasyon nila. Kasama na dito ang mga paring maagang namulat sa buhay sa Simbahan, na kung saan sila naenganyong sumunod sa yapak ni Kristo. Maraming nakagisnang mga gawain ang nakapagdulot sa maraming bokasyon sa pagpapari sa bayan ng Hagonoy. Ngunit sa paglipas ng panahon, mistulang humihina ang kaganapang ito dahil sa mga nangyayari sa kasalukuyang panahon. Humihina ang interes ng mga kabataan sapagkat nawawala ang espiritu ng paglilngkod na nagdadala sa isang nais magpari.

     Ngunit bagamat ganito ang kalagayan ng pagpapari sa ating lugar hindi ito panahon para manlamig, malungkot o mawalan ng pag-asa. Sapagkat mula sa mga gawain na nagbibigay ng inspirasyon sa mga naging pari na,doon makikita ang kabanalang hinahanap. Dito ko naaalala ang mga karanasan ko na kasama ko ang lolo kong pari na si Rdo. P. Anacleto ''Ety'' Ignacio. Mula sa kanya ko nakita ang magandang pagtingin sa kabanalan ng isang paring anak-Hagonoy na aking nais na iahad sa tatlong punto: Pagdarasal, Pagtitiwala at Pagmamahal.
     Pagdarasal -Naabutan ni Fr. Ety tulad din ng mga kabataan noong panahon niya na magkakasama ang pamilya at magdarasal ng rosaryo at iba pang panalangin. Dito nahubog ang kanyang pananais na maging nabuting lingkod na handa para palaging ipagdasal ang kanyang kapwa. Naaalala ko kapag siya ay nagmimisa matapos niyang sambitin ang panalangin bago ang doxolohiya, kanya itong dugdugtungan ng mga salitang ito: “Sa lahat ng mga dapat ay naririto ngayon, mga nasa malayo naghahanapbuhay, gayundin naman ang mga may karamdaman, ang ating kabataan lalung-lalo na ang mga batang lansangan...'' Bawat misa sa pagsasambit niya sa mga ipinapanalangin niya nabubuo ang ugaling nagsisimula sa mga kasanayan ng panalangin at pamimintuho.
     Pagtitiwala - Isa sa mga mahahalagang bagay sa pagbubuo ng pananampalataya sa pamilyang Hagonoeño ang pagkakaroon ng lubos na pagtitiwala sa Panginoon sa harap ng maraming mga pagsubok tulad ng mga bayarin, mga pangangailangan ng pamilya atbp. Nagtiwala ang maraming naging paring anak- Hagonoy na kanilang pagtagumayan ang mga hamon sa kanilang daan noon sa pagkapari. Si Fr. Ety noon nga ay nahihirapan noong siya ay seminarista pa lamang dahilan ng iba't ibang kaganapan. Ngunit nanatili siya sa Diyos na siyang nagpatatag sa kanya. Hangang sa kasalukuyan, kahit sa pagtagal ng isang pari nananatili siyang tapat dahil sa tiwalang kanyang ipinakita.
     Pagmamahal – Kung wala nito, walang bisa o walang kaluluwa ang apostolado ng pagkapari. Ito ang bumubuo sa bokasyong naging dulot ay and ordenasyon. Ito ay pag-aalay ng sarili na ginawa ng paring anak-Hagonoy na nag-alaga sa mga taong pinamumunuan at pinagmatyagang tulungang maligtas ang mga kaluluwa. Handa ang pari nadumanay hanggang sa punto ng pag-aksyon para sa katotohanan. Isang halimbawa dito ang pagbubuo ni Fr. Ety noon hanggang ngayon ng mga kilusan, hindi upang pag-awayin ang mga tao ngunit upang bumuo ng paninindigan para sa kapakanan ng sambayanan. Bagamat hindi man kaanak, pinili ng mga pari na mga taga-Hagonoy tulad ni Fr. Ety na mahain ang mas malaki at mas nangangailangang pamilya - ang Simbahan.
     Ano ang ipinapakita ng mga ito? Ipinapakita nito na magaganap muli ang pagyaman ng bokasyon sa pagpapari pati sa pagkarelihiyoso sa pamamagitan ng kabanalang ibinubuo sa paghubog ng bawat pamiya. Bumuo muli tayo ng inspirasyon para sa mga kabataang anak-Hagonoy na nais sumunod sa daan ng paglilingkod. Muli itong magagawa sa pamamagitan ng panalangin, pagtitiwala at pagmamahal. Ipagdasal natin ang mga paring anak- Hagonoy, buhay man o namayapa na, pati na rin ang mga kabataang nais na maging banal na pari. Sa pagtutulungan ng mga mananampalataya, maibibigay sa sambayanan ang pangangailangan ng Simbahan: ang kabanalan ng buhat sa Diyos na ipinahayag at isinabuhay ng paring lingkod.


Si P. Anacleto Clemente Ignacio kasama ang kanyang apo, ang manunulat sa Parokya ni San Pedro Apostol. Dito kasalukuyang naglilingkod bilang Kura Paroko si P. Ignacio na makikita sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

No comments:

Post a Comment