Tuwing
buwan ng Hunyo, isa sa mga ipinagdiriwang sa ating Simbahang Katoliko ay ang Kapistahan ng pagiging martir ng magkaibigang apostol na sina
San Pablo at San Pedro. Sa nayon ng San Pablo, Hagonoy, na sakop ng
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo lubos na ipinagdiriwang ang lahat ng
kapistahan na may kinalaman kay Apostol San Pablo kasama na rin ang
Kapistahan ng Pagbabalik-loob ni San Pablo sa Damasco.
Bilang
paghahanda para sa pagdiriwang, nagkaroon ng tinatawag na Triduo o
tatlong araw na misa para sa mga mananampalataya ng bisita ng San
Pablo na pinanguhana ng Kura Paroko ng Parokya ng Ina ng Laging
Saklolo, Rdo. P. Paul Samuel M. Suñga. Ang
kapistahan naman ay naganap sa pangunguna ng Hermano Mayor noon na si
G. Felipe Sarmiento. Sa tatlong araw na paghahanda ay nagkaroon din
ng pagtuturo tungkol sa buhay ni San Pablo bago ang banal na misa
para sa kaliwangan ng mga mananampalataya.
Noong
ika-29 ng Hunyo, sinimulan ang kapistahan sa pamamagitan ng
pagdarasal ng rosaryo bago ang pagdiriwang ng Banal na Misa. Si P.
Suñga din ang nanguna sa pagdiriwang bilang pasasalamat ng buong
parokya sa pagdiriwang ng barrio ng San Pablo. Sinundan ang misa ng
prusisyon ng imahen ng Apostol San Pablo na nagmula sa bisita ng San
Pablo patungo sa sitio na tinatawag na Balakbak, ang palalim na
pagpasok mula sa San Pedro tungo sa San Pablo. At mula dito, umakyat
ito patungo sa Halang na bahagi ng barrio ng San Pedro hanggang sa
ibinalik muli ito sa tahanan nito sa bisita. Matapos ang pagdiriwang
nagkaroon ng isang sa munting salu-salo para sa lahat ng mga
nagsipagdalo.
Dahil
sa hindi ito ang ipinagdiriwang na malaking kapistahan o pista mayor
ni San Pablo, wala na itong misa at prusisyon sa gabi. Hindi na rin
nagkakaroon ng pagpapalitan ng hermano. Bagkus, ito ay ginaganap
tuwing Kapistahan ng Pagbabalik-loob ni San Pablo, na siyang Pista
Mayor na ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Enero.
Mga Larawan ng Pagdiriwang:
(Mula kay Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban)
No comments:
Post a Comment