Isang samahang nagpapahayag,
Salita ng Diyos ang ipinaiiral.
Tutulong upang ito'y maparangalan
at nang matutunan ng Sambayanang Banal.
Tutulong upang ito'y maparangalan
at nang matutunan ng Sambayanang Banal.
Ang
Lectors
at
Commentators
(LECCOM) ay binubuo ng mga pangkaraniwang mananampalataya sa
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana na mayroong bukod tanging
layunin na maihatid ang Salita ng Diyos sa mga mananampalataya nang
may buong puso at nang may matibay na pananalig sa Diyos. Ito ay isa
lamang sa kanilang mga pamamaraan kung paano maging isang lingkod ng
simbahan kahit sila ay mga layko lamang. Ito ay kanilang isinasagawa
sa panahon ng pagdaraos ng Banal na Misa sa lahat ng oras, araw at sa
mga panahon na maaring maisagawa ang pagdiriwang ng Banal na Misa.
Ang
gampanin ng isang Commentator
at Lector
ay nakapaloob sa bahagi ng Banal na MIsa na kung tawagin natin sa
wikang banyaga na “Liturgy of the Word”. Ang commentator ay
siyang tagapanguna sa mga bawat pagsagot sa buong bahagi ng misa at
ang mga Lector
ang tagabasa ng mga Salita ng Diyos. Sa pamamagitan nila naihahatid
ng malinaw at buong kaganapan ang mga pagbasa.
Noon
pang Dekada ‘80 ang grupo ng LECCOM ay nagpasimula na sa pangunguna
ng dating Kura Paroko na si Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. at
ito’y ipinagpatuloy pa ng mga sumunod na Kura Paroko sa paggabay
nila sa mga nais na maging lingkod na nagpapahayag ng Salita ng Diyos
sa mga mananampalataya.
Kasama sa gampanin ng isang Lektor o Commentator and paggamit ng kapangyarihan ng bibig upang ipahayag ang Salita ng Diyos at pagtulong sa pagtugon sa Misa. |
Humigit
kumulang noon pang magpasimula ang LECCOM sa Pambansang Dambana ni
Sta Ana ay nagkaroon na ito ng mga 190 na miyembro. Ang ilan ay
pumanaw na at ang ilan naman ay dahil sa katandaan ay di na magawang
makapaglingkod subalit sa puso’t isip nila ay nanduon pa rin ang
marublod na pannanais na makapaglingkod. Gayunpaman marami naman ang
pumapalit at nagnanais pang maging bahagi ng paglilingkod na ito
dahil sa kanilang pananalig at pananmpalatayang mas higit silang
napapalapit sa Diyos pag isa sila sa mga bumabasa ng Salita ng DIyos.
Sa
loob ng isang taon may dalawa hanggang tatlong beses na pagkakataon
na nagsasagawa ang grupo ng isang banal na pagsasanay bilang LECCOM
Leccom upang mas higit pang mapalalim ang relasyon sa Diyos bilang
isang tagapaghatid ng mga Salita ng Diyos. Ito’y may layunin ding
mas higit pang mapatibay ang kanilang pagnanais na makapaglingkod at
pananampalataya bilang isang tunay na lingkod.
Ang
mga sagabal at balakid sa paglilingkod ay sadyang andiyan lamang
tulad ng panahon sa Pamilya ay maaring nababawasan pero pwede naman
isama ang pamilya sa paglilingkod nasa tamang paraan lamang ito ng
pagsasagawa, di mo namamalayan ang pamilya ay nagnanais na ring
maging isang lingkod. Ang pag-aaral at paghahanapbuhay ay maaari
ding maging sagabal o balakid pero nasa tamang “planning” at
“scheduling” lang naman iyan at syempre yung tinatawag nating
“will” sa paglilingkod. Sabi nga, “If there’s a will there’s
a way” di ba totoo naman? Pag gusto may paraan at pag ayaw maraming
dahilan...
Sa pagiging kasapi ng Lectors and Commentators, bata man o matanda ay nabibigyan ng pagkakataon na makakilos at makibahagi sa misyon ng Simbahan na ipahayag ang Salita ng Diyos. |
Gaya
ng nasabi ko ang paglilingkod dapat nasa puso at isipan, ang mga
sagabal kayang labanan kung gugustuhin. Pwede namang hikayatin ang
pamilya para maging lingkod o maging tagapakinig ng Banal na Misa. Sa
ganoong paraan malaki pa rin ang panahon mo sa kanila. Katulad ko,
dati di naman ako lingkod nagisisimba din lang ako kasama ng pamilya
ko pero minsan sa pagdilat ng mata ko naglilingkod na rin ako.
Photo Courtesy: Arvin Kim M. Lopez at John Martin Nabong (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana)
No comments:
Post a Comment