Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

SAMAHANG KINIKILALA: Catholic Womens' League


Isang samahan ng mga kababaihan, 
na naglalayong maglingkod at mamanata.
Bilang mga kawani at kaanib ng Simbahan,
masugid na mga katuwang sa paglago ng parokya.


   Ang Catholic Women's League ng Parokya ni San Juan Bautista ay naitatag noon pang 1960's. Ito ay sa pangunguna ng Pamilya Cruz ng Barangay San Juan na masugid na lingkod ng Simbahan noon. Ilang mga pinuno na rin ang pinagdaanan ng samahan, mula kay Gng. Viring Hernandez na naging Pangulo nito hanggang sa kasalukuyang Tagapamuno na si Gng. Laura Laderas-Santos. Nanatiling matatag ang samahan na ang sentrong layunin ay ang paglilingkod at pagsuporta sa sambayanang Katoliko ng parokya, lalo na ng mga kababaihang nais maglingkod at ialay ang buhay sa Panginoon. Sa kasalukuyan ang mga Kababaihang Layko ng CWL ay regular na nag-aalay ng intensyon sa misa sa parokya tuwing ikatlong linggo ng buwan at patuloy ring nakikiisa sa mga gawain na pambikarya at pandiyosesis. Sa katunayan ay masiglang masigla ang samahan sa ngayon na binubuo ng halos 40 miyembro ayon sa pambikaryang pinuno ng samahan na nagkataong taga-parokya rin ng San Juan at patuloy pang lumalago.

Ang mga kasapi ng Catholic Womens' League (CWL) ng Parokya ni San Juan Bautista kasama ang Kura Paroko, si Rdo. P. Candido D. Pobre, Jr.
   Sa aking panayam sa kanilang taga-payo na si Gng. Santos,aniya ang nagpapanatiling matatag at buo sa kanilang grupo ay ang kanilang nagkakaisang pananampalataya: “Charity Work and Love” na kanilang motto bilang isang samahan. Ito pa nga daw ang kanilang bagong pangalan sapagkat ito ang kanilang naging layunin sa mga nakaraan pang panahon. Ayon din sa kanya patuloy ang kanilang pag tulong sa mg kapos palad at mga aping kababaihan na nanatili sa pangangalaga ng Bahay Pangarap sa Bayan ng Guguinto, Bulakan. Naglunsad rin sila kamakailan lamang ng feeding program, Advent recollection at mga bagong proyekto na kanilang susuportahan, katulad ng Jubilee Homes na proyektong pangdiyosesis. Aniya pa sa paggabay ng Panginoon ang kanilang samahan na tinawag niya ring “Chosen Women of the Lord” ay mananatiling matatag at magyayabong at ang kanya namang mensahe sa mga katulad niyang Layko, na patuloy na naglilingkod ay "manatiling ang Diyos ang sentro sa paglilingkod at hindi ano pa man."

Mga kasapi ng CWL bilang mga mananayaw ng patrong si San Juan Bautista sa parokya sa kapistahan ng patron.
   Kaya`t kagaya ng CWL, nawa ay marami pang katulad nila ang aking makilala at makadaupang palad, sapagkat sadyang nakakataba ng pusong makita ang mga laykong tulad nilang masaya at tapat ang puso sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa. Mabuhay ang Panginoon!


Opisyal na larawan ng pamunuan at kasapian ng CWL sa pangunguna ni Rdo. P. Candido D. Pobre , Jr.
Photo Courtesy: Gabriel P. Sebastian (Parokya ni San Juan Bautista)

No comments:

Post a Comment