Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

NATATANGING KAPUTOL: Ka-sagwan: Tambalang Pangunguna sa Pagdiriwang ng Kapistahan ng N.S. del Santissimo Rosario de Hagonoy


Isang natatanging paggunita,
sa isang kapistahan ng parokya
na itinaguyod ng mismong Sangguniang Pastoral
na isang halimbawa ng pagtitiwala.


  Ang karaniwang nasasalinan ng isang tungkulin bilang Hermano/Hermana Mayor sa isang parokya ay isang Laykong Lingkod na hindi naglilingkod ng pisikal sa simbahan o di man kasapi ng mga lingkod sa parokya ay nagnanais din naman magtaguyod para sa kapistahan bilang isang lingkod o punong abala. Ngunit sa taong ito, Taon ng mga Layko ay nasalin ang tungkulin sa dalawang komisyon ng Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario. Mula sa Sangguniang Pastoral ng parokya, ang Pamparokyang Komisyon ng Liturhiya at and Pamparokyang Komisyon ng Pmamahayag na gumusar para sa pagiging Hermanaos Mayores sa kapistahan. Buhat dito, sina G. Romano Perez na tagapangulo sa Komisyon ng Liturhiya at Gng. Elena Macapagal na tagapangulo sa Komisyon ng Pamamahayag.



   Ang mga makabuluhang mga pagdiriwang tulad ng Dalaw Patrona, pagoda kung saan sa ilog mismo nagdaos ng Banal na Misa, Siyam na Araw ng Nobenaryo, ang araw ng Kapistahan, ang Annual Parish Pilgrimage, Mass Wedding, ang pagdiriwang para sa mga Banal ng Sto. Rosario at ang Living Rosary ang nagbibigay-kulay sa pagdiriwang. Dito nagkasama-sama at nagkabuklod ang lahat ng mga parokyano sa loob at labas ng parokya. Naipakita nito ang pagkakaisa ng lahat para sa gawain. Ang mga gawaing naganap sa buong buwan ng Oktubre ay pinagkatiwala ni Rdo. P. Quirico L. Cruz, Kura Paroko sa dalawang komisyon na nagsumikap upang pagandahin ang pagdiriwang.





Ang pagdadala ng mga korona ng Mahal na Birhen ng at ng Sanggol na si Jesus nina Gng. Elena V. Macapagal ng Komisyon ng Pamamahayag at ni G. Romano Perez ng Komisyong ng Liturhiya bilang Hermanos Mayores.

  Nakatulong ito sa dalawang komisyon para magkatulungan upang lalo pang mapalakas ang kanilang debosyon at pananampalataya sa tulong mga taong handang tumulong at mag-unat ng kanilang kamay para sa makabuluhang pagdiriwang. Naidaos ng matagumpay at masaya ang isang buong Buwan ng Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga laykong lingkod ng parokya.


Pinanungahan ni Rdo. Msgr. Pablo S. Legaspi, Jr., P.C., Kansilyer ng Diyosesis ng Malolos ang pagdiriwang sa kapistahan. Kasama niya si Rdo. P. Candido D. Pobre, Jr., Bikaryo Poraneo at Rdo. P. Quirico L. Cruz, Kura Paroko.
Ang pangunguna ni Gng. Macapagal sa prusisyon ng kapistahan kahit mataas ang pagdaan ng tubig sa lansangan.
Hermanos Mayores mula sa Komisyon ng Liturhiya at Komisyong ng Pamamahayag ng parokya.
Photo Courtesy: Elena V. Macapagal (Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario)

Page 6 of 6
Please go to the Issue Archive Sidebar for the Previous Issue. 

No comments:

Post a Comment