Mula sa Patnugot: Ang koleksyon na ito ng mga larawan ay para sa isang natatanging pagtingin sa mga gawaing Katoliko sa bayan ng Hagonoy, Bulakan lalo na sa pagdiriwang ng tinatawag na Semana Santa o “Holy Week”. Dito sa panahong ito inaalala ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng portfolio na ito, nais ipakita ng pahayagan ang mga kaganapan sa pagdiriwang na ito sa ating bayan. Nailagay ang koleksyon na ito sa unang quarter ng Catholic Hagonoeño dahil natapat ngayong quarter ang Semana Santa.
Volume 2: Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario
Semana Santa:
Isang pagdiriwang na bumubuo sa ating ala-ala tungkol sa pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng mga kaganapan na ipinapakita, lalo na ang mga ritwal tulad ng paghuhugas ng kamay tuwing Huwebes Santo, and pagpaparangal sa krus tuwing Biyernes Santo, and paghihintay para sa nabuhay na Panginoon tuwing Sabado Santo at and pagsalubong ng nabuhay na Panginoon at ni Inang Maria tuwing Encuentro tuwing Linggo ng Pagkabuhay. Ang lahat ng ito ay mga tanda ng ating pagtatangkilik para sa sakripisyo ng Panginoon. Sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario, nagaganap ang mga ito lalung-lalo na sa mga takdang araw kung kailan nasasaksihan ang prusisyon. Sa parokya ng Sto. Rosario, nagkaroon ng tatlumpu't tatlo (33) na imahen na iprinusisyon. Ang mga ito ay nagkaroon ng kanya-kanyang pagpapakita sa mga sumusunod na araw: Miyerkules Santo, Biyernes Santo at sa Linggo ng Pagkabuhay.
Ang tatlumpu't tatlong imahen ay ang mga sumusunod:
Apostol San Pedro
- Siya ang pinuno ng mga disipulo ni Kristo na kinilalang tumanggi sa Kanya ng tatlong
beses noong nadakip si Jesus upang di siya mapahamak sa kaguluhan laban kay Kristo.
Apostol San Judas Tadeo
- Isa sa mga disipulong tinawag ni Kristo. Bukod sa kanya, hinihikayat din ang mga
mananampalataya na kumpletuhin ang lahat ng mga disipulo bukod siyempre kay
Judas Iscariote.
- Isa sa mga kaibigan ni Kristo na ayon sa kasulatan ay kanyang binuhay buhat ng kanyang
pagmamahal para sa kanyang kaibigan. Siya ay kapatid din nina Sta. Marta at Sta. Maria
ng Betania.
- Isa sa mga kaganapang makikita sa kasulatan na kung saan ipinangako ni Jesu-Kristo ang
pagbibigay ng tubig na magbibigay ng buhay na walang hanggan. Sa gayong pangako,
marami ang naniwala sa Kanya sa mga Samaritano.
Humenta
- Ito ang pagsasalarawan ng dakilang pagpasok ng Panginoon kasama ng Kanyang mga
disipulo sa Jerusalem na kung saan sinalubungan sila ng mga tao na may mga hawak-
hawak na mga palaspas, tanda ng kanilang pagpupunyagi kay Jesus na Mesiyas.
La Ultima Cena
- Ito ang pagsasalarawan ng Huling Hapunan ng Panginoon kasama ang mga disipulo. Dito
Niya binigyang halaga ang tinapay at alak ng Paskwa upang maging tanda ng kanyang
pagpapakasakit bilang Kanyang katawan at dugo.
La Oracion en el Huerto
- Ito ang pagsasalarawan ng pagpapakasakit ni Kristo sa hardin ng Hetsemani. Tradisyunal
dito ang makita ang isang anghel bilang tanda na Siya'y nagdarasal sa Diyos Ama.
La Traicion
- Ito ang pagsasalarawan ng pagtataksil ni Judas Iscariote kay Jesus. Sa pamamagitan ng
halik ni Judas, nadakip si Jesus para dalhin sa Sanhedrin.
Señor Jesus Cautivo
- Ito ang pagsasalarawan ng pagdakip at pang-aalipusta kay Jesus nina Caiaphas at ang
mga Pariseo na kung saan hinatulan siya ng panglalapastangan sa pangalan ng Diyos
dahil sinabi Niya na Siya'y anak ng Diyos. Kasama na din dito ang pagdadala sa Kanya
kay Pilato para sa paglilitis.
Jesucristo de la Columna
- Ito ang pagsasalarawan ng Kristong nakagapos sa haliging bato na pinalo ng mga
Romano. Inutos ito ni Pilato upang maawa ang mga Hudio kay Jesus upang Siya'y
pakawalan, ngunit hindi ito naganap.
Señor Jesus Desmayado
- Ito ang pagsasalarawan ng Kristong naghihinagpis habang nakagapos sa haliging bato.
Tanda ito ng kanyang kahinaan sa loob ng sakripisyong Kanyang ginawa, kaya naman
ang bansag na desmayado.
Mater Amargura
- Ito ang pagsasalarawan ni Mariang naghihinagpis. Ang ibig sabihin talaga ng amagura ay
kalungkutan o kapaitan ng loob dahilan ng sakripisyong dinaranas ng kanyang anak.
Ecce Homo
Pagpapatanaw ni Pilato
Sto Cristo de la Sentencia
- Ipinapakita ng tatlong pagsasalarawan na ito ang Kristong ipinakita sa mga tao na may
suot-suot na koronang tinik at pulang damit. At sa pagpapakita na ito, dito Siya hinatulan
ni Pilato ng kamatayan. Dito naganap ang daan patungo sa Krus na nasa Kalbaryo.
Nuestro Padre Jesus Nazareno
- Ito ang pagsasalarawan ni Kristong dala-dala ang krus patungong Kalbaryo. Kulay itim ang
imahen upang ipakita ang impluwensyang Mehikano sa imahen noong panahon ng mga
indio sa pananakop ng mga Kastila.
Encuentrio de Hijo con su Madre
- Ito ang pagsasalarawan ng pagkakakita ng nagdurusang Ina at nang nagdurusang Anak.
Ipinapakita dito ang sakit na nararamdaman ng mag-ina sa kanilang pagpapakasakit.
Nuestro Padre Jesus de la Tercera Caida
- Ito ang pagsasalarawan ng pagkakadapa ni Kristo ng tatlong beses sa daan ng Kalbaryo.
Ipinapakita dito ang pagpapakahirap na ginawa kay Jesus na nagdulot sa kanyang
pagkakadapa.
Santo Cristo de la Calvario
- Ito ang pagsasalarawan ni Kristong nakapako sa krus. Ito na misimo si Jesus na napako
sa krus para sa ating kaligtasan.
La Pieta
- Ito ang pagsasalarawan ni Jesus na ibinaba sa krus upang mayakap ni Maria. Sa
kamatayan ni Jesus, wala nang ibang gusto ang Mahal na Ina kundi ang mabalik sa
kanyang piling ang anak na namayapa.
Virgen de la Angustia
Nuestra Señora dela Soledad
- Ito ang mga imahen ng Mahal na Ina na nagluluksa tulad ng Mater Dolorosa, ngunit ito'y
habang naibaba si Jesus sa krus.
Santo Cristo de la Sagrada Mortaja
- Ito ang pagsasalarawan ni Jesus na dinadala nina Nicodemus at ni Jose ng Arimatea.
Sila ang humingi ng katawan ni Kristo mula kay Pilato upang mailibing sa isang kuweba
bago magsimula ang Araw ng Pamamahinga.
Sila ang humingi ng katawan ni Kristo mula kay Pilato upang mailibing sa isang kuweba
bago magsimula ang Araw ng Pamamahinga.
Santa Veronica
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ang
pumunas sa nagdurugong mukha ni Kristo na naging dahilan ng pagkakadikit ng duguang
imahen ng mukha ni Kristo sa telang kanyang pinampunas.
pumunas sa nagdurugong mukha ni Kristo na naging dahilan ng pagkakadikit ng duguang
imahen ng mukha ni Kristo sa telang kanyang pinampunas.
Santa Juana de Cusa
Santa Maria Cleopas
Santa Maria Salome
Santa Maria Jacobe
Santa Marta de Betania
Santa Maria de Betania
Santo Entierro
Santa Maria Magdalena
San Juan Evangelista
Mater Dolorosa
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ang
isa sa mga naging saksi sa pagkamatay ni Kristo. Asawa siya ni Cusa na isa sa mga
katulong ni Herodes Antipas.
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ang
isa sa mga Maria na natala sa Banal na Kasulatan na naging saksi di lamang noong
pagkamatay ngunit pati na din noong muling pagkabuhay.
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ay
ipinagpapalagay na kamag-anak ni Jesus o kaya naman ang ina nina San Juan at ni
Santiago Apostol.
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ang
ina ni Santiago na pinsan ni Jesus.
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ang
kapatid ni Lazaro ng Betania na naging abala sa pagbibisita ni Kristo sa kanilang tahanan.
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ang
kapatid nina Lazaro at Marta ng Betania na nakikinig kay Jesus habang naging abala
sa presensya ng Panginoon. Naiiba siya kay Sta. Maria Magdalena.
- Ang namatay na Kristo na ating Panginoon na hinahanda para sa paglilibing.
Santa Maria Magdalena
- Siya ang nasa hanay ng mga babaeng gumanap sa pagpapakasakit ni Jesus. Siya ang
dating babaeng mababa ang lipad na noo'y lininis ni Kristo sa pamamagitan ng pag-aalis
ng mga demonyo. Hangang sa huli siya ang naging tapat na lingkod na naging dahilan
kung bakit siya ang unang pinagpakitaan ni Kristo sa Kanyang muling pagkabuhay.
San Juan Evangelista
- Siya ang disipulong naiwan at sumunod hanggang sa kamatayan ng kanyang Rabbi. Sa
kanya ipinagkatiwala ni Kristo si Mariang Kanyang ina.
- Ang imahen ng Inang Maria na nagluluksa para sa kanyang anak. Kita sa kanyang puso
ang pitong tabak na tanda ng kanyang mga naging paghihirap, kasama na dito ang
kamatayan ni Jesus.
HOLY WEDNESDAY/MIYERKULES SANTO
Ika-6 ng Gabi: Banal na Prusisyon
Tuwing Viernes Dolores, inaalala ang mga sakit ng Mahal na Birheng Maria, kaugnay ng pitong tabak na sumaksak sa kanyang puso, tanda ng pitong kaganapan na naging sakit para sa Mahal na Ina.
HOLY WEDNESDAY/MIYERKULES SANTO
Ika-6 ng Gabi: Banal na Prusisyon
Tuwing Miyerkules Santo sinisimulan ang pagpaparangal sa Pasyon ni Kristo matapos gawin ang rito ng Tenebrae o ang pagpapatay sa mga kandilang nagsisimbolo sa liwanag ni Kristo bago ang kanyang pagpapakasakita sa Biyernes Santo.
Estandarte para sa prusisyon ng mga Mahal na Araw |
Apostol San Pedro |
Humenta |
Sta. Juana de Cusa |
Sta. Maria Cleofas |
Sta. Maria Salome |
Sta. Marta de Betania |
Sta. Maria Magdalena |
San Juan Evangelista |
Mater Dolorosa |
Ika-3 ng Hapon: Pagpaparangal ng Krus (Veneration of the Cross)
Sa kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, inaalala ng mga Katoliko ang mga naganap noong naganap ang kaligtasan sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay. Dito sa pagpaparangal ng Krus, ginaganap ang ating pag-alala sa Dakilang Sakripisyo ng Diyos para sa sanlibutan.
Ang pagpaparangal sa Sta. Cruz sa pamumuno ng Kura Paroko, Rdo. P. Quirico L. Cruz. |
Ika-6 ng Gabi: Good Friday Procession (Prusisyon Tuwing Biyernes Santo)
Ang prusisyon na isang makulay na tradisyon sa mga Katoliko tuwing Semana Santa sa Pilipinas ang isa sa mga mahahalagang bahagi na nasasaksihan ng mga mananampalataya ng Hagonoy. Isa itong pagpapalabas ng mga kaganapan sa pagpapakasakit ng Panginoon at sa kanyang pagpanaw upang maligtas ang sanlibutan sa kanilang mga kasalanan.
Ang Inang Nagluluksa, Mater Dolorosa |
Ang Paglilibing ni Kristo sa Visita ng Mercado habang pinaliligiran ng mga apostol. |
Ika-5 ng Umaga: Easter Sunday Procession
(Prusisyon Tuwing Umaga ng Linggo ng Pagkabuhay)
Bilang pag-alala naman sa pangako ni Kristong pagkabuhay na mag-uli matapos ang tatlong araw ng kanyang kamatayan, ginaganap ang prusisyon tuwing Linggo ng Pagkabuhay. Dito makikita ang sikat na encuentro o "salubong" ng Mahal na Birhen, ang Nuestra Señora de la Alegria at ang Panginoong Muling Nabuhay na isang natatanging tradisyon sa mga Katoliko sa bansang Pilipinas.
Page 3 of 5
Please press Older Posts for Page 4.
No comments:
Post a Comment