Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, April 27, 2013

PAGTINGIN | OPINION: Katolikong Hagonoeño, Malayo ma'y malapit din Sayo, O Panginoon: Isang Pagninilay

















     Sumapit na naman ang mga mahal na araw... ang bilis nang agos ng panahon at talaga namang lilipas ito ng hindi mo namamalayan... Katulad nga ng parang kailan lang ay napakasayang paghahanda ang ating ginawa para sa pagdating ng Mesiyas na Dakila... Ngayon naman ay ang hapis ng kanyang kalbaryo at pagtubos sa ating mga kasalanan... Ngunit alam din naman natin na sa Ikatlong Araw Siya ay mabubuhay na mag-uli at ating makakapiling habang buhay... Hindi katulad ng maraming taong nakalipas ang aking pakikiisa sa paggunita ng Semana Santa. Naiiba ang sa taong ito..natatandaan ko pa... kung paanong makiisa ang isang batang Hagonoeñong tulad ko sa taunang paggunitang ito... aking naranasan ang mga ilan sa naranasan din ninyo... ang pag-Via Crucis, alay-lakad, Pasyong Mahal, bihilya, mga Prusisyon, ang mga Mahabang Misa at marami pang iba... wala nga at akong pinalagpas isa man dito... Kahit nga ang mga gawain katulad ng paghila ng karo at pagsasaayos ng mga imaheng kasama sa Prusisyon ay nagawa ko na sa loob ng mga panahong ito...

    Katuwang ang mga kaibigan at ilang kakilala sa bawat pagkakataong sa akin ay ibinigay upang kahit sa munting paraan lamang ay mapaglingkuran ang ating Poong Maykapal... Kaya nasabi ko na iba ang aking paggunita ngayong taon sapagkat wala ako sa mahal kong bayan upang makiisa sa mga gawaing pang Semana Santa... umasa kasi akong pagbabakasyunin kaming lahat sa opisina sa aking trabaho bilang pagbibigay daan sa naturang paggunita..ngunit dahil sa dayuhan ang aking kumpanyang kinaiaaniban ay nabigo ako at hindi lamang iyon, bawal lumiban sa trabaho dahil marami na raw ang nakatakdang magbabakasyon... Kaya naman napilitan akong manatili sa Maynila upang magtrabaho... at nalaman kong hindi naman pala naiiba ang paggunita ng mga Manileño sa mga Hagonoeño. Makakikilabot rin ang pagpapakita nila ng pananampalataya... Libu-libong tao ang nakita kong nakatapak, bata at matanda patungo sa mga simbahang nakakalat sa pook ng maynila..simula Huwebes santo ay naglalkad na ang mga ito sa mababangis na kalsada ng Siuda... Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang sarili ko sa kanila... Alam kong hindi lahat sila ay taga-Maynila... at alam kong hindi ko pa rin ipapagpapalit ang tradisyunal at nakagawiang paggunita mula sa mahal kong bayan..ngunit maari ko naman palang ipakita ang pagmamahal ko sa Diyos at pakikiramay sa Mahal na Birheng Maria.

     Saan man ako naroroon... sabi nga ng isang awitin... “Malayo ma`y malapit din sa'yo,”... Sa Pambansang Dambana ng Nuestra Señora La Naval de Manila ko piniling gunitain ang Biyernes Santo... Doon ay humalik ako sa krus at humingi ng tawad... nasaksihan ko ang napakahabang pila ng mga taong nais humalik sa Kristong nakapako sa krus... Nakapangingilabot na eksenang sinabayan pa ng mga malulungkot na musikang lalong nagpalungkot sa mga taong naroroon..pagkatapos ay tinunghayan ko rin ang imahen ng Santo Entierro na tinangisan ng aking Puso..at nasabi ko sa aking Sarili... iba talaga ang isang Katolikong Hagonoeño... sapagkat... ako man ay malayo sa bayang nagturo sa akin ng wagas na pananamplataya..sa puso ko ay katuwang ko pa rin si Apo Ana, Ina ni Maria at si San Juan Bautista, pinsan ni Jesus upang makidalamhati sa Mater Dolorosa... at pagsapit nga ng sabado ay maaga akong umuwi ng Hagonoy...

     At sa pag-uwi ko ay dala ko ang pag-asang hatid ng nalalapit na pagkabuhay ng Panginoong tunay na Hari... At sa pagdating nga ng Linggo ng pagkabuhay ay tunay na galak ang aking naramdaman..sapagkat tila ba ako ay niyakap ng panginoon pagkatapos niyang muling mabuhay... At ako ay binulungan... “lagi mong tatandaan, kung nasaan ka man... kasama mo ako... ang iyong tunay na kaibigan..."


Photo Courtesy: Julian P. Liongson
                          National Shrine and Parish of St. Anne

No comments:

Post a Comment